📷 35: She Tried Suicide

57 13 11
                                    

Good morning ; >

=============================
AMALIA

Puro tawanan lang ang aming ginawa dahil panay ang sigaw ni Riguel mula sa kabilang sasakyan. Ang kulit talaga ng lolo ko. Alam ko namang sinasadya niyang pagpatawa para pagaanin ang mga loob namin.

Nasa San Rafael na kami at malapit na sa paliko-likong daanan kaya mas binagalan ko ang pagda-drive dahil delikado. Nasa likod lang kami nina Riguel at nakasunod.

Mula sa malayo ay nakita ko ang mabilis na pagtakbo ng puting sasakyan. It was an ambulance kaya iginilid ko ang sasakyan namin para bigyan sila ng daan. It drove past us already pero pinadaan pa namin ang humaharurot na sasakyan na kasunod ng ambulansya.

Napansin ko namang tumigil sina Riguel sa harap kaya tumigil rin ako. "Problem?" inilabas ko ang ulo sa bintana.

"Sasakyan yun ng mga Millares a?" napatingin ako kay Marco na nakalingon sa likod, nakatanaw sa usok na iniwan ng dalawang sasakyan.

"Millares?" tanong ko naman dahil hindi ako pamilyar doon.

"Roberta Millares, madalas nilang gamitin yung sasakyan nilang yon tuwing may pupuntahan silang buong pamilya." paliwanag niya naman. "I'm wondering why are they following an ambulance?"

"Baka coincidence lang? May outing?" I shrugged at napatingin ulit sa labas nang makarinig ng tunog ng mga sasakyan mula sa malayo.

Nakita ko ang dalawang magagarang sasakyan na magkasunod at nagkakarera ata dahil sa bilis ng takbo nila.

Nagulat ako nang lumabas si Riguel at pumwesto sa gitna kung saan dadaan ang dalawang sasakyan na papalapit. Nanlaki ang mga mata ko at lumabas rin. Mauuwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko dito kung magpapakamatay si Lolo!

"Riguel are you out of your mind?!" sigaw ko at akma siyang hihilahin pero hindi siya nagpatinag. "R-riguel!" I screamed because the cars are now nearing towards us.

Out of reflexes, ipinikit ko ang mga mata, hinihintay nalang na masagasaan kami ng sasakyan but moments later nothing happened.

I opened my eyes and I saw the car a meter away from us. "Ano bang problema niyo?! Nagmamadali kami Riguel!" lumabas mula roon si Daniella na namumugto ang mga mata.

Gulat akong napatingin sa kaniya. Lumabas rin mula sa pangalawang sasakyan si Eugenia na mukhang kakagaling lang rin sa pag-iyak. "Anong nangyari?" napalingon ako kina Marco na bumaba narin pala.

"Nilaslas ni Roberta ang pulsuhan niya." humagulgol ulit si Daniella. Naistatwa naman ako. The ambulance earlier..... Why would she do that?

"Bakit?" nag-aalala narin si Mila. Kahit palagi siyang tinatarayan ni Roberta, she still cares for her.

"We don't know." sagot ni Eugenia. Naalala ko naman yung nakita ko kahapon. Is that the reason? Akala ko okay na siya?

Nag-offer akong pasakayin si Daniella sa sasakyan ko dahil mukhang wala na siya sa tamang wisyo para magdrive pa. Si Marco naman doon sa sasakyan niya.

We decided to go with them para narin alamin ang kalagayan ni Roberta. Inunat ko nalang ang mga kamay at braso ko dahil walang katapusang pagda-drive ata ang gagawin ko ngayong araw.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now