📷 23: A Bad Friend

65 23 20
                                    

AMALIA

"Because I'm his girlfriend."

Kita ko ang gulat sa mata ng mga kaibigan ko. Kahit ako nga mismo ay nagulat din sa sinabi. Ngunit kailangan ko na itong panindigan. I've already said it.

Lumingon ako kay Marco at siguro siya ang pinakanagulat sa lahat. Parang gusto niyang kumurap ngunit hindi matuloy tuloy.

Linapit ko ang mukha ko sa tenga niya para bumulong. "Bwisit! Sumakay ka." nakangiti kong sabi at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya hanggang sa napa-aray siya ng mahina.

"Ahh..Oo girlfriend ko siya." parang tanga niyang sabi. Ramdam ko naman ang pamamasa ng mga palad niya--o akin ba? Hindi ko alam.

"What? kelan pa?" hindi makapaniwalang tanong ni Thelma ngunit nakangiti ng mapang-asar sa aming dalawa.

"Nung ano..." I trailed off dahil hindi ko alam ang isasagot. Hindi ako ready para dito. "Nung anniversary ng parents niya."

"Kaya naman pala." tumango tango si Thelma. "Ikaw A ha! Marami ka nang utang na kwento sakin!" kinikilig na tili nito at niyugyog pa ang braso ko.

Napatingin naman ako kay Ising na nakatingin lang sa kamay naming dalawa ni Marco. Hindi siya umi-imik.

"Okay ka lang?" lumipat ang tingin ko kay Riguel na hinahawakan ang balikat ni Mila. Hindi maipinta ang mukha nito.

Marahan naman siyang tumango bilang sagot. "Okay lang." ngumiti siya ng malungkot sa akin, nagbabadya na ang mga luha. "Sana magtagal kayo." sabi niya bago tumakbo ng mabilis papasok sa mansyon.

Agad naman siyang sinundan ni Riguel at pumasok narin si Ising. Nagtatakang tiningnan ni Thelma ang tatlo, walang kaalam alam sa mga nangyayari. "Okay? So, what was that?" kumunot ang noo niya. "Anyways, I'm happy for the both of you! Pasok na tayo." agad iyong napalitan ng ngiti.

"Mauna ka na. Mag-uusap lang kami." ngumiti ako at itinuro si Marco gamit ang daliri.

Tinanaw ko na ang likod ni Thelma na papa-alis na. Nang makalayo ito ay agad kong binitawan ang kamay ni Marco. "Gosh! Water bender ka ba?" irita kong pinahid ang palad sa manggas ng suit niya.

"Ano yun? Bat may ganon?" naguguluhan nitong tanong. Hinarap niya akong magkadugtong na ang dalawang kilay.

I exhaled deeply. "I need you to help me." labag man sa kalooban ngunit naumpisahan ko na ito kaya kailangan ko nalang na tapusin. "Sinabi ko yun para hindi ka na ipursue ni Mila. Para tumigil na siya dahil may girlfriend ka na."

"Sus!" humalukipkip si Marco at sumandal sa malaking pot ng bulaklak. "Eh bakit ikaw? Pwede namang si Roberta o kung sino diyan. Paraparaan ka e." tumawa siya ng nakakaloko.

"Double purpose yun tanga. Para di narin umasa si Ising na magugustuhan ko siya pabalik." umirap ako.

"Si Ising?" sumeryoso ang tono ni Marco at napatayo ng maayos.

"Yes, umamin siya sakin at hindi yon pwede. Sila ni Thelma ang nakatadhana para sa isa't isa."

Kumunot ang noo ng kausap ko. "Pano mo naman yan nasabi?"

"Let's just say na nakita ko ang future nila. Ang future niyong lahat actually. At kailangan matutunan ni Mila na mahalin si Riguel mula ngayon dahil kung hindi, magiging miserable ang buhay nila."

"They will be trapped in a marriage with a one-sided love. Dahil kahit kasal na silang dalawa, ikaw at ikaw parin ang laman ng puso ni Mila." pagpapaliwanag ko para itatak sa kukote niya kung gaano ka importante ang gagawin namin.

Tumango tango naman siya. "Ang swerte ko naman pala kay Mila. Eh kung tanggapin ko nalang kaya ang pagmamahal niya?"

"Eh kung sapakin kaya kita?" nag-init ang dugo ko. Kailangan kong mag-ingat dahil lahat ng ginagawa ko ngayon may affect everything. Everything I do will reflect our future.

Humalakhak si Marco. Sinamaan ko siya ng tingin because he is not taking this seriously. "So tell me about my future. Kasama ka ba ron?" kumindat siya sakin.

Napatigil naman ako. Come to think of it, ni hindi ko man lang nakasalubong si Marco sa hinaharap. "Honesty, hindi ko nakita ang sayo. Maybe nangibang bansa ka o tumandang binata." I shrugged dahil hindi ko talaga alam.

"Hah?! Sa gwapo kong to? Tumandang binata?" tinuro niya ang sariling mukha with an exaggerated expression. "Funny." he laughed at my face.

Umirap lang naman ako dahil umandar na naman ang hangin niya. "So are you in?"

"Eh sinabi mo na sa kanila." umismid siya. Kala mo naman lugi siya sakin. Duh? "May magagawa pa ba ako? Babe?" he grinned, raising his left brow.

Umasim naman ang mukha ako. Ako ata ang lugi. Di bale na para kay Lolo at Lola. "Mandiri ka nga. Tara na baka hinahanap na nila tayo." nilagpasan ko siya at nauna nang nagmartsa papasok sa mansyon.

Pakarating namin sa loob ay agad ko namang naramdaman ang braso ni Marco sa bewang ko kaya nanigas ako. "Relax babe." pang-aasar niya habang pangiti ngiti sa mga taong nakakasalubong namin.

Patago ko siyang siniko dahil malapit na kami sa table namin kanina. Nakita kong nakaupo doon sina Riguel, Thelma at Ising ngunit wala na si Mila.

Agad naman akong humiwalay kay Marco para lumapit kay Riguel. "Nasan na siya?" pabulong kong sabi.

"She left. Hindi ko siya masundan dahil hindi ako pwedeng umalis ng mansyon." nag-aalalang sabi ni Riguel. "You've hurt her big time you know?"

Yumuko ako. "I know." I faced the tiled floor.

"I think she now sees you as a bad friend."

Ngumiti ako ng mapait bago sinalubong ang tingin ni Riguel. "Sometimes we need to do some bad things to see the good in the end. I breathed heavily. "I'll play the villain for now." I said more like to myself. "Pupuntahan ko siya, I'll try to talk to her."

Tumango naman sakin si Riguel. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. I stood up pero may humawak sa braso ko kaya napaupo ako ulit. "San ka pupunta babe?" tanong ni Marco kaya patago akong umirap.

"Uuwi na."

"Hatid na kita."

"No. I can handle myself." I faked a smile at pinanlakihan siya ng mata para iparating ang gusto kong mangyari. Di ko alam kung ano ang itsura ko nun. Kulit kasi nitong lalaking to.

"I just want to make sure your safe. But fine. If that's what you want babe." he gently caressed my face that made me shiver. Iniwas ko kaagad ang mukha ko.

"Hoy kayong dalawa ha. Porke alam na namin ang relasyon niyo maglalandian na kayo sa harap namin! Respeto naman sa mga single!" kunwareng galit na sabi ni Thelma.

"Edi maghanap ka ng jowa!" makahulugang tiningnan ni Marco si Ising na nanahimik lang sa tabi namin.

"He's right T." ngumiti ako kay Thelma. Get Isidro's attention T.

"Wait--your leaving already? Why?" nalulungkot na sabi ni Thelma. Of course, umalis na nga si Mila pati ako aalis din. Maiiwan siya sa mga lalaki.

"Di ko kasi nalock yung bahay. Bawi nalang ako next time T." palusot ko. "Riguel, greet your father for me." binalingan ko si Riguel and he just nodded curtly at me. "I have to go." tiningnan ko silang lahat. "Bye babe." nakagat ko ang dila ko pagkasabi ko nun kaya palihim kong ininda ang sakit.

Agad akong pumasok sa Chevy ko at mabilis na pinaharurot paalis. Mahigpit ang hawak ko sa manibela trying to control my emotions.

I need to talk to Mila tonight. But I don't know where to start. I don't even know what to say kapag magkaharap na kami mamaya---o kung haharapin niya ba ako. I don't know.

All I know is that nasaktan ko siya.

I'm sorry Lola.

======================
mwa.

A Voyage Towards the HorizonOnde as histórias ganham vida. Descobre agora