📷 34: Going Home

54 13 8
                                    

AMALIA

Hindi ako umuwi ng bahay. Baka puntahan lang ako ni Marco don. I can't go to Nanang's too, he'll just look for me there. At kung hindi niya man ako hahanapin, then that's much better.

Dito na muna ako sa Sara magpapalipas ng gabi, it's just the town next to La Maria kaya malapit lang. I rented a room for just a night. Hindi rin naman ako magtatagal dito. Bukas na bukas I'll be home na.

As in on my literal home.

I decided na susunugin ko nalang ngayon ang picture imbes na next week. Kaya nga I already ended things with Marco. I can't stand to be with them much longer. I don't want to bring more memories that would just torture me.

Nanghingi na lang ako ng kandila kanina sa landlady. Nag-alinlangan pa nga siya dahil may kuryente naman daw dito. Inisip niya siguro na mangkukulam ako at may ritwal na gagawin dito sa loob ng bahay niya.

I'm now staring at the picture.

This mere paper turned my whole world upside down. Pero kung mauulit rin naman ito, I will still choose to go here. This journey gave me colors. This voyage gave the things which I thought was obvious at first, a new meaning. It gave me light and it showed me that there is so much more than what I already know.

I breathed hard. Finally, I am ending this voyage. Thank you for everything.

Itinapat ko na ang litrato sa siga ng kandila. I just watched as it slowly ate the piece of paper, tears now streaming down my cheeks.

I waited.

Ngunit nangalahati na ata ay hindi ko parin naramdaman na sinusunog ako---just nothing.

I pulled it away, nagtataka. Inubos na ng apoy ang mga paa namin sa litrato at kalahati nalang ng katawan ang natira. Napahawak ako sa noo ko nang may marealize. It must be Mila's dahil sa kaniya naman ang litrato na nakita ko noon sa drawer. Napailing nalang ako.

I burned the wrong picture.

Maaga akong umalis para pumunta sa bahay nila Mila. Alas sinko palang ata ay kumakatok na ako sa pinto nila. Pinagbuksan naman ako ni Aling Conching.

"Oh Amalia, ari ka na." bungad niya sa akin.

"Po?"

"Hinanap ka nila Marco rito kagabi." nanlaki naman ang mga mata ko. Nandito ba sila ngayon? "Saan ka ba nagsusuot kang bata ka?" pinatuloy niya na ako.

"Ahh may pinuntahan lang po. Di ako nakapagsabi sa kanila." pagdadahilan ko.

"Alalang-alala sila sayo kagabi. Andoon sa kwarto si Mila, umiiyak." nangunot naman ako noo ko.

"Bakit po?"

"Umuwi na lang siya kanina rito mga alas tres ng madaling araw, humahagulgol na." iniwan na niya ako sa tapat ng kwarto ni Mila.

I knocked three times before opening her door. "Mila?" I called out.

Pagkapasok ko ay nagulat kaagad ako nang bigla siyang lumundag mula sa kama at tumakbo papalapit sakin. She hugged me at muntik na nga kaming ma-out balance.

"Amalia nandito ka!" she wailed.

Niyakap ko siya pabalik at marahang hinaplos-haplos ang likod para patahanin. "May p-pinuntahan lang ako kagabi." I lied again.

"I thought I lost you too." pinunasan niya ang mga luha. Muntik na Lola. "Thelma sent me a letter." yumuko siya.

I creased my forehead. Bakit naman pagpapadala ng sulat ang babaeng yun e isang drive niya lang e nandito na siya sa mansyon ng mga Elegino.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now