08 Milagros

99 43 62
                                    

AMALIA

La Maria, 1969

Nandito ako ngayon sa bahay nila Nanang Vima para tumulong sa pagluluto dahil fiesta ng La Maria. Kasaugan ang tawag sa pista nila rito na para sa santo nilang si Santo Nino o kilala din bilang ang batang Hesus.

Pinapanood ko si Nanang ngayon habang nagsasalaysay siya ng kaniyang buhay dalaga at puro tawa at tango lang naman ang naisagot ko dahil hindi naman ako pwedeng magkwento. Sa pagkaka-alam nila ay may selective amnesia nga kuno ako at wala akong naaalala sa nakaraan ko, apart from those things na naikwento ko na sa kanila before. Papanindigan ko na.

Habang nagtatalak si Nanang ay binabantayan ko rin ang sinaing namin na nasa isang malaking kaldero. Tinuruan na niya ako kung paano magsiga. Dapat pala may dalawang malalaki kang ilalagay sa ilalim para ‘makahinga ang apoy’----Nanang’s words.

Naisip ko rin kanina na gumawa ng chocolate truffles bilang ambag ko sa handaan. Palagi kaming gumagawa no’n ni Amilo dahil madali lang namang gawin at sigurado akong hindi pa sila nakakatikim no’n.

“Nang, pupunta po muna ako sa palengke. May bibilhin lang.” paalam ko habang tinitingnan kung tuluyan na bang nag-evaporate ang tubig mula sa sinaing ko. At dahil mukhang tapos na naman, binawasan ko na ang apoy para hindi masunog.

Nilingon naman ako ni Nanang habang nakapamewang. “Ano ang bibilhin mo?”

“Ingredients ho para sa gagawin kong chocolate truffles.” humagikgik ako nang bahagya dahil kumunot nga ang noo ni Nanang as what I have expected.

“Trafols? Ano ‘yon?”

“Basta ho. Pagkain, para bukas.” kumindat ako at ngumisi.

“Aba, andami na nating handa para bukas, anak.” parang nalusaw naman ang puso ko nang tawagin niya akong anak. Naramdaman ko na parang namamasa ang mga mata ko kaya hinawakan ko na ang magkabilang balikat niya para paharapin siya pabalik sa niluluto niyang balenciana.

“Eh, iba naman po ‘to, Nang. Dessert po ‘to, dessert.” tumawa ako at tiningala pa ng bahagya ang ulo para pabalikin ang mga luha. Napaka-emosyonal. Bwiset.

“Magpasama ka sa kanila.” sabi niya habang hina-halo ang niluluto niya sa kawali.

“Kaya ko naman po.” tanggi ko at inayos na ang sarili sa salamin, malapit lang ito sa kusina.

“Magpapasama ka o hindi kita papayagang umalis?” muli akong hinarap ni Nanang. Kita ko pa mula dito sa salamin na pinagtataasan niya ako ng kilay kaya natawa ako. Ang cute niya. Bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming dalawa doon. “O, Dante, mabuti’t nandito ka na. Samahan mo muna si Amalia sa palengke, may bibilhin daw siya para sa tapols niya.” sabi nito sa asawa.

I giggled. “Truffles po.”

Panandalian namang nagdugtong ang mga kilay ni Nanang bago niya iniwasiwas ang sandok niya sa ere. “Trafols trafols, basta.” sabi niya bago kami tinalikuran.

“Si Ising na lang, mahal. Tumatanda na ako at mahina na ang katawan.” umarteng nanghihina si Tatang at pabagsak na naupo sa isang silya dito sa kusina, his fist clutching his heart.

Natawa na lang ako. They look funny and happy. Too far from my idea of families. Napakaswerte nila.

“Palibhasa gurang ka na.” umismid si Nanang. “Ang makisig at gwapo kong anak.” bigla na lang nitong iniwan ang niluluto at tumakbo papalapit kay Ising na kakapasok lang dito sa kusina. Medyo naalog pa ang maliit na bahay kubo. “Mabuti na lang talaga at lumaki kang malakas, anak ko.” niyakap-yakap nito ang anak habang ang mga mata ay nananatiling nakatingin kay Tatang, naniningkit.

“Nang, naano ikaw?” nag-aalalang sabi ni Ising habang ini-inspeksyon ang mga braso ng ina.

“Ikaw na siguro ang pinakamagandang lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko!” sumigaw si Nanang in an exaggerated manner, hindi man lang pinansin ang pag-aalala ng anak.

Nagulat naman kaming lahat nang biglang tumayo si Tatang at inayos ang postura. “Aba! Sa pagkaka-alala ko, naglalaway ka pa sa akin noong kabataan ko!”

“Naglalaway? Sayo?” nanlaki ang mga mata ni Nanang na parang naabuso ang kainosentehan niya. “Bakit ako maglalaway sa’yo e puro naman buto ang laman mo?!”

Natawa na naman ako ulit. That was not true. Healthy ang pangangatawan ni Tatang dahil siguro laging gulay at isda ang kinakain nila. Sabi nga ni Dad, mas madaling magkasakit ang mga mayayaman dahil sa uri ng mga kinakain nila.

Hindi kasi mabuti na palagi tayong kumakain ng mga manok at baboy. These foods are meat and us, being humans, our flesh is also considered as meat. Kaya hindi ‘yon advisable. I don’t really know the depth of that fact dahil na-mention lang naman iyon ni Dad in passing.

“Ayos lang ho Nanang, si Ising na lang ho ang isasama ko.” kumidat ako kay Tatang kaya tumawa kaming lahat. I have never laughed like this before and it feels great.

“Idadaan ko na lang din ang libro kong hiniram. Sandali lang Amalia, kukunin ko iyon.” tumango ako sa kaniya at naghintay na muna sa sala.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now