05: An Unexpected and Unwanted Gift

115 46 70
                                    

THIRD PERSON’S POV

Lamenaria, 1969

Napasulyap si Vima Badong sa kalendaryong nasa pader. “1969.” nag-aalalang sagot niya, nagtataka sa ikinikilos ng dalaga. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha nito kaya nilapitan niya. “Okay ka lang?” she extended her arms to touch the lady’s shoulder but the later flinched.

“You’re just joking right? You can’t be serious.” parang nasisiraan na ng bait ang babaeng kaharap niya ngayon. Umiiling-iling ito na tila may hinahanap sa paligid habang nag-iingles.

Hindi niya rin naman naintindihan ang mga sinasabi ni Amalia dahil konti lang naman ang alam niya sa wikang iyon. “Nabuang na bala ini siya?” mahina niyang bulong habang nakatingin sa babaeng nakasabunot sa sariling buhok ang isang kamay habang ang isa naman ay nakatakip sa bibig nitong nakanganga. (Nababaliw na ba siya?)

“Oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh.” pinaypayan ni Amalia ang sarili gamit ang mga daliri habang kinakalma ang sarili at nagbe-breathing exercises pa. Napahinga naman ng maluwag si Vima nang makita niyang unti-unti nang kumakalma ang dalaga---- “Daaadddyyyy!” malakas na sigaw ni Amalia at mabilis na tinakbo ang pinto.

“Dali lang! Diin ikaw makadto, ineng?!” sigaw rin ni Vima at sinundan na ang dalaga na dire-diretsong lumabas na wala man lang sapin sa paa.

“Dad! Dad?! Shocks! What is happening?!” sigaw nito habang pinagmamasdan ang mga nurses na nakasabay niya sa hallway. Mapagkakamalan ang mga ito na mga madre dahil kulay itim ang kanilang mga uniform at may krus pang disenyo sa bandang dibdib. Ang tanging puti lang ay ang telang nakapatong sa mga ulo nila. “What in freaking hell is going on?!”paghi-histerya ni Amalia at may mga nakabangga pa siyang mga tao.

“Amalia, dali lang, ineng, magkalma ikaw!” patakbo ring nakasunod Vima sa nagwawalang dalaga. Pinagtitinginan na sila ng mga tao habang hindi naman nito naabutan si Amalia dahil may rayuma na siya at mukhang nakapag-enervon naman ang hinahabol niya.

Pagkalabas niya sa health center ay hindi niya na nakita si Amalia kaya sinubukan niya na lang itong hanapin sa plaza na ilang metro lang naman ang layo mula sa centro.

Hindi naman siya nahirapan dahil umaagaw ng atensyon mula sa mga tao ang babaeng hinahabol niya. Nagtataka ang mga ito kung bakit kakaiba ang damit nitong suot. Ang pantalon nito ay maikli na hanggang hita at umaabot pa hanggang sa taas ng tiyan. Wala silang kaalam-alam na isa itong high-waist short na usong-uso sa modernong panahon. Ang damit naman nitong pang-itaas ay labas ang balikat at mukhang mamahalin pa ang telang ginamit.

Napatango-tango naman ang mga sastre na naroon habang sinasaulo ang mga detalye ng damit ng dalaga, dahil bagaman kakaiba, maganda naman kaya sigurado silang papatok ito sa masa.

“Why are you wearing these weird clothes?!” napapa-iling na lang ang ibang mga tao na nakakasalubong ni Amalia, nasasayangan sila sa gandang taglay ng babaeng baliw. Maputi kasi ito at makinis. Tuwid na tuwid ang itim na buhok na hanggang bewang at mukhang inaalagaan talaga. “Dad! I want to go home! I want to go back!”

Napasinghap naman si Vima sa nasaksihan at agad nakisiksik sa mga tao na pinapanood si Amalia na nagwawala sa ilalim ng estatwa ni Rizal.

“This can’t be true! This can’t be real!” patuloy lang ito sa pagsisigaw. Tumakbo papalapit sa kaniya si Vima at agad siyang niyakap para magtigil. Dumating rin naman sila Dante at Ising para tulungan siya.

A Voyage Towards the Horizonजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें