📷 29: Gate-crashing

53 16 7
                                    

AMALIA

Kwentuhan ng mga magsasaka ang pumuno sa paligid. Sabay sabay ang mga ito pumunta sa aming papag para kumuha ng pagkain dahil inanyayahan sila ni Riguel na nagmumukha nang kandidato.

Ang mga mag-asawang magsasaka ay nagpupunasan ng mga putik at pawis habang ang iba naman ay nilantakan agad ang pansit naming dala.

"Tatang Dante." bati ko at agad siyang nilapitan. "Kamusta na ho si Nanang? Matagal tagal narin simula nung bumisita ako sa inyo." hindi na ako nakakapunta sa bahay nila dahil iniiwasan ko nga si Ising.

Magiliw ko namang nilagyan ng pagkain ang pinggan na para kay Tatang. Namiss ko sila. "Ayon nasa trabaho. Alam mo namang napamahal na siya sa mga Santocildes. Lalong lalo na kay Thelma." napatingin kaming dalawa kay Thelma na magiliw na kinakausap ang ibang mga magsasaka. "Mukhang busy ka ngayon a? Di ka na dumadalaw sa amin." ngumuso si Tatang kaya natawa ako.

"May misyon po kasi ako sa ngayon." kumindat ako sa kaniya. "Dadalaw ho ako ulit kapag tapos ko na."

"May pagkain na ba ang lahat?" malakas na tanong ni Aling Erna na siyang may-ari nitong sakahan. Nanghilam na muna kami ng mga kubyertos mula sa bahay niya para may magamit kami rito.

"Tatang o. Kain lang ng kain." ngumiti ako sa kaniya sabay lahad ng pagkaing kinuha.

"Babe, punasan mo naman ako o." napabaling ang tingin ko sa lalaking sumulpot sa gilid ko.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Tapos pabalik ulit. "Ang tanda tanda mo na di ka pa marunong magpunas?" pagmamaldita ko sabay tingin kay Tang Dante na nakatingin narin sa amin. "Tang si Marco po pala." awkward kong sabi.

Nanlaki ang mga mata ng matanda. "Kilala ko na siya Amalia. Sino bang hindi?" pinilit nitong pagsingkitin ang mata kay Marco. "Alagaan mo yang anak ko ha. Kung hindi susugurin kita doon mismo sa mansyon niyo." banta ni Tang Dante ngunit tinawanan lang siya namin.

"Hindi po mangyayari yun." ngumisi si Marco.

"Nako pag nangyari yun Tang, ako na mismo ang unang tutuhog sa kaniya. Wala ka ng aabutan sa mansyon nila." kumindat ako kay Tang Dante bago hinigit papalayo si Marco. "Anong arte yan?" tinaasan ko ng kilay ang bimpo na hawak niya.

"Punas." ngumuso siya.

"Punasan mo sarili mo."

"Tingnan mo sila." pagtukoy niya sa mga mag-asawang nagpupunasan at kay Riguel na pinipilit din si Mila na punasan siya. "Umarte ka namang inlove sakin minsan." umismid si Marco.

Nagdugtong ang mga kilay ko bago tumawa ng malakas. "Gutom lang yan." tinalikuran ko na siya at naglakad na papalapit sa papag para kumuha din ng pagkain na para sa akin.

Tumabi sa akin si Thelma na kukuha rin ng pancit. Napangisi naman ako sa naisip. "T kawawa naman si Ising o. Di maabot yung likod. Tulungan mo nga." nginuso ko si Isidro na naka-upo sa ilalim ng isang puno at pinipilit na punasan ang likod dahil may putik roon.

"Oh? Bakit ako?" arte ng kaibigan ko.

"Ikaw ang hahalili kay Nanang dahil close naman kayo." I giggled.

"Eh close naman kayong dalawa a?" pagtutol ulit ni Thelma.

"May pupunasan pa kasi ako." hingit ko papalapit si Marco na pipila na rin sana sa pagkain at kinuha ko na ang bimpong nakasabit sa balikat niya.  "Dali na. Baka mabali yung kamay ni Ising kakaabot sa likod niya." sabi ko habang marahang dinadampi ang tela sa mukha at leeg ni Marco. "Dali na!" tumigil ako saglit sa ginagawa para i-eencourage ang kaibigan.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now