📷 31: Mom

54 16 10
                                    

AMALIA

You know you can dance out there, do you?. Okay na yang ankle ko." iginalaw galaw ko ang paa para kumbinsihin si Marco. "Join the fun Sanchez! Dance some hoooott girls!" tinuro ko ang ibang mga babae na nasa kabilang table.

"I don't dance." itinabi niya ang ice at ipinatong sa mesa. Akma ko nang ibaba ang paa ko but he only held it tighter to start massaging it lightly.

"B-but you danced earlier!" bahagya akong nautal dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya.

Hindi naman niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa kaya napabuntong-hininga nalang ako. Hindi ko alam kung anong swerte ang sumapi sa akin kanina at napilit ko siyang sumayaw.

"Hey Love!" biglang sumulpot si Roberta at kumandong kay Marco dahilan ng pagkaipit ng paa ko. Sakit ah! Pilit ko nalang itong hinili mula sa pwetan niya at hinilot hilot mag-isa.

I rolled my eyes when she snaked her thin arms around Marco's neck. "Sayaw tayo?" matinis ang boses niya na siyang ikina-irita ng tenga ko.

"Ayoko Roberta." pagtanggi naman ni Marco ngunit hindi man lang nag-abalang paalisin ang babae mula sa kandungan niya. Gustong gusto a?

I looked away and just focused on playing with my foot. "But it's Daniella's birthday." rinig kong paawa ni Roberta. I just hoped na may mute button ang tenga natin. It could be really useful right now. Umirap nalang ako. Birthday nga ni Daniella pero ikaw ang nakapula.

"Should I dance Daniella then?" si Marco.

"No." medyo malaswa ang pagkakarinig ko doon. "I want you to dance me." mapang-akit niyang dagdag kaya nandiri ako.

"Slut." bulong ko at nagpagdesisyonang umeksena. "Hey my boyfriend, my darling, my baby, my one true love..." tinodo ko na ang kalambingan sa boses. "I want to go home now." tumayo ako sabay kuha ng mga gamit at tinahak na ang daan palabas.

Paika ika ulit akong naglakad bago tuluyang makalabas ng bar. Rinig parin ang ingay ng musika at ng mga lasing na tao sa loob.  "Amalia!" tawag sa akin ni Marco na humahabol kaya mas binilisan ko ang lakad at mas inigihan pa ang pag-iika ika. "Hey slow down! You can't walk like that with an injured foot--" ramdam kong tumigil siya sa paglalakad di kalayuan sakin. "--that has successfully transferred to the other one. Amazing." he sarcastically said.

Napatigil naman ako sa pag-arte at napapikit nalang. Okay so hashtag medyopahiya.

"Well that's me. I am amazing." walang ganang sabi ko at pilit inalala kung saan ko nga ba ipinark ang sasakyan para makatakas na ako sa lalaking to.

"Wait-----are you jealous?" mas lalong nag-hang ang utak ko at bahagyang napalingon sa kaniya. What did he just say?

"Why would I be?" kalmado kong tanong ngunit sa loob loob ay nagkakagulo narin. I am not, right? Sh*t! I can't be!

Ngumisi si Marco. "I don't know. You tell me." kumiblit balikat siya at humalukipkip na parang bang inaasahan niyang may mahabang paliwanagan na magaganap.

Humugot ako ng malalim na hininga at tuluyan na siyang hinarap. I only need to give an adequate reason, believable enough, to divert this man away from the truth.

Wait---What truth Amalia?

"Look, I am not jealous. I'm fine with you dancing with other girls okay?" sinabayan ko pa ng hand gestures para mas kapanipaniwala. "Not just----her."

"You hate Roberta?"

"No I don't." agap kong sagot. "I don't hate her. Hate is a deep emotion I only feel towards my mom. Yes, I don't hate her. I just----don't like her." mabilis kong paliwanang at hindi ko na alam kung nasundan niya ba ito.

A Voyage Towards the HorizonDove le storie prendono vita. Scoprilo ora