📷 25: I'm Sorry

69 22 8
                                    

AMALIA

Nagdrive na ako papalis sa mansyon ng mga Elegino and I am happy dahil nasagot na ang isa sa mga problema ko. Ang litrato ang dahilan kaya ito rin ang magbabalik sa akin.

But I can't leave now. Hindi pa pwede. Not now na malapit na akong magtagumpay kay Lolo at Lola.

It can wait. Daddy and Amilo can wait.

Napahinto ako sa pagdadrive dahil nasilaw ako sa headlight ng sasakyan ni Riguel na kakahinto lang sa gilid ng daan. Maybe he saw me already.

Tapos na siguro ang pagdiriwang dahil malalim na rin naman ang gabi. Mila and I talked for hours again kaya heto ako at inabot ng dis oras ng gabi.

He went out of his car so I did the same flashinh a wide smile. Almost there Lolo. Tiwala lang.

"Hindi ko alam kung paano mo ako nauto at pumayag din ako sa plano mo Amalia!" mabilis ang paghakbang niya papalapit sa akin kaya napatigil ako dahil sa gulat. "Nasaktan mo si Mila!"

Hindi ko alam kung bakit nagkaganon ang reaksyon niya dahil maayos naman siya kanina bago ako umalis sa mansyon ng mga Alejandrino---or so I think.

Nawala na ang ngiti ko and I quickly schooled my face back to my calm demeanor. Hindi ko inaasahan na sisigawan ako ni Riguel. Not now, not ever.

"One way or another, she will get hurt Riguel. I just chose the lesser one." kalmado kong sabi kahit na sa loob loob ko ay parang maiiyak na ako.

This is the first time na pinagtaasan ako ng boses ni Lolo. He never got angry with me at pinagsasabihan lang ako ng marahan kapag nagkakamali ako noong bata pa.

"Iyon pala ang sinasabi mong plano?! Kaibigan mo siya Amalia! Sayo niya sinabi ang mga sikreto niyang hindi niya sinasabi samin ni Marco! Pinagkatiwalaan ka niya!" sinabunutan ni Riguel ang sarili. Buti nalang at wala nang mga tao sa paligid dahil gabi na. "Bakit ka ba nanghihimasok samin ha?!"

Am I wrong again? Bumuntong-hininga ako, pilit na pinapa-alis ang nakabara sa lalamunan. "I have my reasons Riguel. Hindi ko rin naman ginusto yon."

"Pinapalabas mo lang ata na tinutulungan mo kami para mapasayo si Marco! Yun ba ang rason mo ha?!" I gasped, scandalized.

I just want you to have your happiness Lolo because I believe that you both deserve it. But of course people will always misunderstand. I am the bad one once agin.

"That's not my intention." mariin kong sabi habang pinipigilan ang mga luha. Hindi ko akalaing ganito kababa ang paningin niya sa akin.

"Mali ka e! Sana hindi ganon! Mali Amalia!" sa pandinig ko ay parang kulog ang boses niya.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili at pumulot ng isang stick. Nagsulat ako ng number six sa lupa in a digital way of writing.
  ____
|
| ____
|            |
| ____|

Makikita naman ito ng maayos dahil may mga poste sa gilid ng daan. "What number is that?" simpleng sabi ko na parang hindi kami nagkasagutan kani-kanina lang.

"Ano ang tingin mo sakin bata?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Just answer it." seryosong kong sabi gamit ang tonong ginagamit ko lamang kapag nagagalit na ako sa ibang student council officers.

"Six."

"Wrong." I stoically said looking straight in his eyes. "It's Nine. Tama kang nasaktan ko si Mila but it doesn't mean that because you are right, I am already wrong." tinapon ko sa paanan niya ang stick na ginamit kong panulat. "You haven't seen what's on my side kaya wag kang bintang ng bintang."

A Voyage Towards the HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon