Prologue

337 12 11
                                    

Prologue

"Halika! Ate Khiena laro tayo!" 

Lumingon ako sa may pinto dahil niyaya ako ng kapatid ko na maglaro. Ngumiti naman ako sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo. 

Tumakbo rin ako papalapit sa kanya. "Anong laro?" Tanong ko.

"Habul-Habulan" Hinawakan ako ni Franz sa aking pulsuhan at saka hinila na ako palabas. Tawa siya ng tawa dahil masaya siguro siya. 

Ang mga kalaro namin ay ang mga kaibigan namin na kapitbahay lang rin namin. "Ompyang tayo? Maiba taya!" sabi ng kaibigan naming si Rosella. 

Nagkatinginan na muna kaming magkakaibigan bago tumango.

Kung minamalas ka nga naman, ako pa iyong naging taya! "Aha! Si ate ang taya! Habulin mo kami" Sabi ni Franz at saka tumakbo palayo. 

Tumakbo na rin papalayo ang mga kaibigan ko, kaya hinabol ko na rin sila.

Walo kaming magkakaibigan. Apat na babae, at apat rin na lalaki. Ako, si Franz, Rosella, at Nichole ang mga babae. Sina Victor, Joven, Biboy, at JP naman ang mga lalaki. Pare-pareho kaming mga grade 3. Maliban pala sa kapatid ko na si Franz. Grade one pa lang kasi siya sa pasukan.

"Habulin mo kami. Hahaha" sabi nila habang tumatawa. 

Nakakapagod naman! Ang bibilis kasi nilang tumakbo. Hinihingal na nga ako dito pero tuloy parin ako sa pagtakbo. Hindi ako magpapatalo! Kailangan may mataya ako dito kahit isa.

"Ate! Ako tayain mo!" sabi ng kapatid ko habang tumatakbo. Siya iyong malapit saakin kaya siya ang hinahabol ko. 

Tawa siya ng tawa hanggang sa di niya namalayan na may bato pala sa daan kaya nadapa siya. "Waaaahhh! Huhuhu Ang sakit ate!"

Lumapit naman ako kaagad sa kanya at saka tinulungan siyang umupo.

Lumuluha na siya dahil sa hapdi ng sugat na natamo niya mula sa pagkakadapa. "Wag ka na umiyak kapatid. Halika gamutin na lang natin yan" sabi ko. 

Lumapit naman ang mga kaibigan namin at pinalibutan kami. Ngumiti naman silang lahat kay Franz. "Wag ka na umiyak Franz. Magdahan-dahan na lang tayo sa sunod" nakangiting sabi ni Biboy. 

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Franz.

Inaaya ko na rin siya na umuwi na muna kami para magamot ang sugat pero iyak lang siya ng iyak. "KHIENNNNAAAAAAA!"

Natakot naman ang mga kaibigan namin sa sigaw ni tatay kaya't napatakbo sila palayo.

Napatayo naman ako at saka hinarap si tatay. "T-Tay---" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko. 

"ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO? HA?!" Galit na sigaw niya sa akin. 

Tinignan niya si Franz na nakaupo sa sahig, umiiyak, at dumudugo ang bandang tuhod. "WALANG HIYA KANG BATA KA! ANONG GINAWA MO SA KAPATID MO?!" Binuhat ni tatay ang kapatid kong umiiyak.

"Tay, wala naming kasalanan si a—" Hindi na ni Franz naituloy ang kanyang sasabihin nang magsalita ulit si tatay. 

"Wag kang mag-alala anak. Akong ang bahala sa pasaway mong ate" Masamang tumingin saakin si tatay. Hinawakan niya ako sa pulsuhan ng napakahigpit at saka marahas na hinila ako papauwi sa bahay.

"T-tay, ang s-sakit po. A-ang higpit po ng h-hawak niyo---ARAY! Tay!" napapangiwi ako dahil sa sakit. Di ko na nga napigilan na di lumuha. 

"OH?! ANONG INIIYAK-IYAK MO JAN?" Inis na sigaw niya. 

Nang makarating na kami sa bahay, binigay ni tatay si Franz kay nanay para magamot ang sugat niya. Marahas ulit akong hinila ni tatay papunta sa kwarto ko.

Lament of HeartsМесто, где живут истории. Откройте их для себя