Chapter 67

32 1 0
                                    

Chapter 67

Nagising ako nang masilaw ako ng liwanag mula sa labas. "Good morning Khiena" nakangiting bati ni tita.

Bumangon naman ako at ngumiti. "Goodmorning tita"

"Lumapit sa akin si tita Cindy at niyakap ako. "Tomorrow's your birthday. Advance happy birthday"

 Napangiti naman ako. "Salamat tita"

Kumalas na kami sa yakapan. "Mauna na ako sa kusina. I'll prepare the things we need. Maghanda ka na rin" sabi niya at lumabas ng kwarto.

Inayos ko naman ang aking higaan at dumiretso sa banyo para maligo.

Nang tapos na ako ay agad na pumunta ako sa kusina at nagsimula na nga kaming magbake ni tita.

"Anyway iha, darating si Erika dito maya-maya"

Napatigil naman ako sa paghalo ng cake batter. "For Christmas break?" I asked.

Tumango naman siya.

Nagpatuloy lang sa pagbebake hanggang sa naghapon na.

Mamayang seven pm ko idedeliver ang mga cupcakes dahil iyon ang sabi sa akin ni Litch.

"And that's the last of it iha" nakangiting sabi ni tita. "Ang dami naman nito. Tapos nagpagawa pa ng cake. Ano bang meron?" tanong niya pa.

"If I'm not mistaken tita, may party sila na gaganapin sa gabi" sabi ko naman.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto kaya napatingin kami doon ni tita. "Tadaima"

Translation: I've just come home now.

"Okaeri"

Translation: Welcome home

"Hi Erika!" nakangiting pagbati ko.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata dahil sa gulat. "Khiena? Anata wa koko de nani o shite iru no?"

Translation: Khiena? What are you doing here?

"Just baking some cupcakes"

"Kappukeki?"

Translation: Cupcake?

"Hai" sagot ko. Which means yes.

Tumango naman siya at inilagay ang gamit sa kwarto niya. Pagkatapos ay parang bata na tumingin siya sa akin. 

Kaya naman ay binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. "Nani?"

Translation: What?

"Nanimonai. Can I have a taste of your cupcakes?"

Translation: Nothing

Ngumiti naman ako sa kanya. "Sure. May extra cupcakes jan sa ref. Kumuha ka na lang" nakangiting sabi ko.

Malapit ng mag7 kaya naman ay inilalagay ko na ang mga box sa loob ng sasakyan ni tita dahil idedeliver ko na rin iyon.

Di rin nagtagal ay sumakay na ako sa sasakyan ni tita at nagmaneho na papunta sa bahay nila Litch para ideliver ang cupcakes.

Nang makarating ako ay sakto naman dahil nasa labas lang siya. 

Iginilid ko ang sasakyan at ipinark doon. Bumaba na ako at binuksan ang likod ng sasakyan para kuhain ang mga box. 

Lumapit naman siya sa akin at tinulungan akong magbuhat at dalhin sa loob ng bahay nila.

Di naman kami natagalan sa pagdadala dahil may mga tumulong naman sa amin.

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now