Chapter 22

34 3 0
                                    

Chapter 22

Matapos sabihin ni Joven ang huling salita na iyon ay tumigil na siya sa pag-iyak.

May kumatok naman sa pinto at binuksan iyon. "Joven iho, dito ka na kumain ng hapunan. Kung may problema ka sa bahay niyo at hindi mo pa kayang umuwi ngayong gabi, dito ka na lang muna magpahinga" mabait na sabi ni nanay. 

'Sabihin niyo nga sa akin. Si nanay ba talaga itong nasa harap namin? Anong nakain niya? Pansin ko rin kasi nung mga nakaraang linggo ay medyo bumabait na talaga siya sa akin. Si tatay na lang talaga ang hindi'

"Salamat ho" pasalamat ni Joven. So yeah, dito muna siya ngayong gabi.

Ngumiti naman sa kanya si nanay. "Pwede niyo ring tawagan at dito na rin patulugin ang isa niyo pang kaibigan. Para ngayong gabi ay magkakasama-sama kayong magkakaibigan"

Tumango naman kami sa kanya. "O siya halika na kayo, kakain na" sabi niya pa at umalis.

Napatingin sa akin si Joven at tinaasan ako ng kilay. 

Alam ko na ang ibig niyang sabihin, pero nagkibit balikat lang ako bilang sagot, dahil kahit ako ay walang alam kung anong nangyari kay nanay.

Tumayo na kami at lalabas na sana ng kwarto nang magsalita si Joven.

"Sorry"

Humarap ako sa kanya. "Sorry for what?"

"Sorry kasi alam kong may problema ka ring pinagdadaanan pero sayo pa ako lumapit dahil nga ito nararamdaman ko"

Ngumiti ako sa kanya. "That's fine with me. Dahil nabalitaan ko rin na lumipat ng bahay sila Rosella kaya medyo napalayo siya sa inyo at ako ang malapit"

"Later, I want you to talk about your problem para ma-lessen ang bigat ng nararamdaman mo"

Hindi na ako nakapagsalita. Ayoko! Ayokong magkwento! 

Pumunta kami sa kusina at naupo na sa upuan para kumain ng hapunan. "Hi Kuya Joven!" bati ni Franz.

"Hi" 

Tumingin sa akin si Franz. "Ate, ang hirap pala maging part ng SC" ngumuso sa akin ang kapatid ko.

"You'll do great. Don't worry" sabi ko at nagsimula nang sumubo ng pagkain.

Tahimik lang kaming lahat na kumakain pero pinutol rin ni nanay ang katahimikan na iyon. "Dito ka ba muna magpapahinga iho?"

Tumango naman si Joven. "Opo. Ngayon lang po"

Ngumiti sa kanya si nanay. "Iyong isa niyo pang kaibigan, dito rin ba?"

Tumingin ako kay nanay at ako na rin ang sumagot. "Hindi pa ho namin natatawagan nay"

Tumango naman sa akin si nanay. "O siya, basta kung sakaling dito rin siya, welcome siya ah? Doon kayo matutulog sa kwarto mo Khiena"

"Wow nay! May sleep over ba sila?" tanong ng kapatid ko.

Ngumiti lang sa kanya si nanay at hindi na sumagot.

Tumingin naman sa akin si Franz. "Ate kung dito rin matutulog si ate Rosella, pwedeng sa kwarto mo rin ako matulog?"

"Angel, hindi ka sanay matulog sa sahig" sabi ni nanay.

Ngumiti ako kay nanay. "Siya na lang po pagagamitin ko nung higaan. Sa sahig na lang rin ho ako"

Sumang-ayon naman si nanay.

Uminom na muna ng tubig si Joven bago lumapit sa akin at bumulong. "Mukhang payag ka sa ideya ng kapatid mo para di ka makapagkwento ah?"

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now