Chapter 25

38 3 0
                                    

Chapter 25

Josh's Pov

I can't believe I'm seeing this side of her.

Ang itsura niya ngayon ay parang nagyabang at parang napipikon dahil minamaliit ko siya kanina at wala akong tiwala.

Galit ba siya?

"G-Galit ka ba?" utal na tanong ko. Napalunok naman ako ng mariin dahil baka nga galit talaga siya sa akin.

Bigla namang nagbago ang kanyang itsura. "Hindi naman" then she smiled like an angel.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti naman at hindi siya galit. 

Tumingin siya kay Joven na kasalukuyang nakatulala sa kawalan.

Hindi ko rin alam kung bakit pero parang naiinis ako dahil bakit sa kanya nakatingin si Khiena? I mean, nandito naman ako sa harapan niya pero doon pa rin siya tumingin sa Joven na yun.

Tsh. Ano bang meron jan sa Joven na yan? Di hamak na mas gwapo pa naman ako kesa sa kanya ah?!

Tsh! Di ko na kaya! Ngayon pa lang, hihingi na ako ng chance kay Khiena!

Lumapit pa ako ng kaunti kay Khiena at tatanungin na sana siya nang bigla siyang maglakad papalayo at lumapit kay Joven.

Sinundan ko siya ng tingin habang lumalapit sa kaibigan. Nang makalapit na siya ay hinawakan ni Khiena sa balikat si Joven na naging dahilan para mag-init ang ulo ko.

Selos na ba to?! 

Tsh! Pero wala namang kami ah! At saka nabusted nga ako nung una. Ang sabi pa ni Khiena ay hanggang friends lang. Argh! Ayoko! Ayoko na hanggang dun lang!

Ramdam kong tumingin muna sa akin si Rosella bago lumapit sa mga kaibigan niya.

Nag-uusap silang tatlo duon, samantalang ako ay nakatayo lang rito habang nakatingin kay Khiena.

Di rin nagtagal ay nilingon ako ni Khiena at saka tinawag na ako para umuwi na. "Uwi na tayo Josh" 

Kinuha na nila ang kanilang gamit kaya't ganun rin ang ginawa ko.

Sumabay ako sa lakad ni Khiena. Si Joven at Rosella ay nauuna ng maglakad. Tsh. Buti naman.

"Nga pala Khiena, pansin ko na hindi na kayo sabay umuwi ng kapatid mo?" Nuong una ay naghihintayan sila kaya nakakapagtaka lang na hindi na talaga sila halos magkasabay kung umuwi.

"Ah, kasama siya sa SC and busy ang SC diba?"

Tumango naman ako.

I clenched my fist at saka huminga ng malalim.

Tumigil ako sa paglalakad at ramdam ko rin ang pagtigil ni Khiena sa paglalakad. Humarap ako sa kanya at bakas sa kanyang mukha ang pagtataka. 

"Bakit?" tanong niya.

Mariin na pumikit ako para kumuha rin ng lakas loob. 

"Khiena, can you give me a chance?"

"Huh?"

"Please give me a chance to court you. Hindi ko rin kasi matanggap-tanggap na hanggang friends lang tayo. Ilang weeks na rin naman ang nakalipas at sinubukan ko naman na kalimutan ang feelings ko sayo pero hindi ko talaga kaya. So please..." hinawakan ko siya sa kanyang kamay at ini-angat ito. "Give me another chance to court you. Promise, hindi ka masasaktan kapag naging tayo"

Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na binawi ang kamay niya. 

Hindi siya nakakilos at nanatili lang siyang gulat sa akin.

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now