Chapter 23

36 3 0
                                    

Chapter 23

After ng trabaho namin nung sabado ay sinamahan ako ni Joven na bumili ng mga ingredients at hinatid rin niya ako sa bahay ni tita Cindy. Nakapagpaalam rin naman ako kay nanay na kay tita Cindy na muna ako matutulog dahil kailangan kong makapagbake.

9 am, kailangan ko na itong madeliver. Tumawag kanina sa akin si Litch at sinabi niyang 9 am ko na lang raw i-deliver.

4:30 pa lang ng umaga pero gising na gising na ako at nagbebake na ng cupcakes.

Hindi naman ako masyadong nahihirapan sa pagbake dahil tinutulungan ako ni tita Cindy kahit na hindi kami maghahati sa pera. Kapag sa kanya kasi nag-order, hati raw kami, pero kung sa akin raw umorder, akin lang raw ang perang makukuha. 

Napatingin ako kay tita Cindy na nilalagyan na ng icing ang ibang cupcakes na naluto na. Napangiti naman ako. 'Kung hindi dahil sayo tita, malamang hanggang ngayon ay napakabigat masyado ng problema ko'

Napatigil si tita sa paglagay ng icing at ngumiti siya sa akin. "Oh iha, may problema ba?" nakangiti niyang tanong.

Umiling naman ako sa kanya. "Wala naman po" nakangiti ring sagot ko.

"Masaya akong nakikita kitang ngumingiti kahit na paminsan minsan lang" napatigil ako sa paghahalo ng ginagawa kong icing. Natulala lang ako rito at nag-isip.

'Gusto ko ring ngumiti pero parang mahirap'

"Tita?" tawag ko sa kanya na hindi man lang nag-aangat ng tingin.

"Hmm?"

"Sa tingin mo tita, may darating bang araw na kung saan ay sasaya ako ng lubusan? Iyong parang walang problema?" this time, tumingin na ako sa kanya.

Hindi siya nakasagot agad pero pagkatapos ng ilang segundo ay ngumiti siya sa akin ng kaunti. "Oo naman iha. Bakit hindi?"

Napahinga naman ako ng malalim. "Mukhang imposible rin kasi tita. Pero kung sakaling dumating man ang araw na iyon, wala ba iyong kapalit na lungkot? Kailan naman kaya darating ang araw na magiging masaya ako? Siguro kapag pumuti na ang uwak" nagpeke ako ng tawa.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni tita Cindy. 

Naramdaman ko rin ang kanyang paglapit sa akin at saka binigyan niya ako ng yakap. 

"Magiging ayos rin ang lahat. Lahat ng luhang nailuha mo sa ngayon at sa nakaraan, mapapalitan rin iyon ng saya at tawa" yumakap ako sa kanya at dinama ang kanyang pagmamahal. Inisip ko rin na sana..... Sana siya na lang ang aking ina. "Wag mong isipin na hindi ka sasaya dahil lahat ng tao ay makararanas ng lungkot at saya" dagdag niya pa.

Kumalas kami sa yakapan at tumingin siya sa mata ko. Hinawakan niya ako sa pisngi at ngumiti muli. 

Sa simpleng ngiti niya, napapagaan niya ang loob ko. Ang bait bait niya kasi, at kung tutuusin, ay parang siya ang nanay ko dahil siya ang nag-alaga sa akin ng mabuti.

"Kapag dumating ang araw na sasaya ka na talaga ng lubusan, nandito ako sa tabi mo. Panonoorin kita na tumawa at hihintayin kong sabihin mo sa akin na 'Tita, masayang masaya ako" sabi niya pa.

Napangiti naman ako. "Hihintayin mo yun tita ah?"

Tumawa naman siya ng kaunti. "Oo naman. O siya, bumalik na tayo sa pagtatrabaho. 150 pa namang cupcakes ang ini-order sayo"


*****

Matapos ang ilang oras ay nailagay na rin namin sa mga kahon ang finished products.

"Khiena, marunong ka namang magmaneho ng sasakyan diba? Iyon na muna ang gamitin mo"

Napalunok naman ako. "T-Tita, dalawang beses pa lang ho akong nakakapagmaneho ng sasakyan mo. At matagal na po iyon. Nasanay pa po akong gamitin ang motor na pinangdedeliver" sabi ko.

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now