Chapter 49

24 2 0
                                    

Chapter 49

Khiena's Pov

"Yey! I'm a barbie girl in a barbie world~" pagkarating na pagkarating ko dito sa bahay ni tita Cindy ay agad na narinig ko ang pagkanta niya.

Kumunot ang noo ko at napangisi nang makita ko rin na sumasayaw si Erika na parang bata.

Pati ang kanyang boses sa pagkanta ay parang bata.

"You're cute Erika when you act a little childish"

Humarap naman siya sa akin at ngumiti lang. Nagmukha talaga siyang bata dahil sa tali ng buhok niya! two ponytails.

Napailing-iling naman ako. "Nasaan si tita?" I asked.

"Umalis na muna. May gagawin raw" sabi niya.

Tumango naman ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Hey Khiena? Is your friend Joven really taken?" Erika asked.

Inilapag ko naman ang baso sa lamesa at pumunta sa sala kung saan duon sumasayaw at kumakanta si Erika.

"Yeah. Why? Are you interested in him?" nakangising tanong ko.

Humarap naman siya sa akin at pansin ko ang biglaan na pag-iiba ng mood niya.

Kung kanina ay parang childish, ngayon naman ay parang nakakatakot siya. She's so serious na para bang isa siyang gangster o di kaya ay cold na lalaki.

Two personalities huh?

"I find him cool. Almost like I want to become his. So yeah, I kind of like him" paliwanag niya. "But mas crush ko pa rin yung best friend ko sa syudad" dagdag niya pa.

Napailing iling na lang ako.

Tiningnan ko ang orasan at kailangan ko ng umuwi sa amin. Inayos ko na ang gamit ko at nagpaalam na kay Erika.

"Erika, kailangan ko ng umuwi. Hindi ko na yata mahihintay pa si Tita, so pakisabi na lang sa kanya na salamat at uuwi na ako ha? Bye!"


*****

Pagkauwing-pagkauwi ko ay nag-aalalang itsura ni Franz ang bumungad sa akin.

"Ate.... Check your your facebook" nag-aalalang sabi niya.

Kumunot naman ang aking noo sa sinabi niya.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang facebook.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita koa ng nasa taas ng news feed ko.

'B-bakit sunod sunod ang fake news at scandal?!'

"A-are you okay ate?" tanong ng kapatid ko.

I forced a smile at dahan-dahang tumango. "I'll be on my room. Magpapahinga muna ako. P-pagod ako eh" I said.

"Ate---" hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ng kapatid ko at dumiretso lang ako sa kwarto.

Nang makapasok na ako sa kwarto at maisara ko na ang pinto, agad na nakaramdam ako ng mainit na likido sa aking pisngi.

Ang aking mga mata ay mahapdi na rin.

"A-ano na naman to Khiena?" umiiyak na tanong ko sa sarili ko.

"Ano na naman tong ginawa mo?" napaupo ako sa sahig at napasandal sa pinto.

Tumingala ako sa kisame. "Ano na namang kasalanan ko?!"

Napakagat ako sa aking labi at sinubukan kong pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata.

Pero hindi ko kinaya kaya't napayakap ako sa aking tuhod at umiyak ng mahina.

*Knock knock*

"Ate, n-nandito si tatay at hinahanap ka niya. B-buksan ko ang pinto ha?"

Tatayo pa lang sana ako nang marahas na bumukas ang pinto at natamaan ako nito kaya't nakipaghalikan ako sa sahig.

"KHIENA! BIGYAN MO AKO NG PERA! BILIS!" sigaw ni tatay.

Pinahid ko na muna ang mga luha ko at dahan-dahang tumayo.

"W-wala ho akong pera t-tay" sabi ko.

*Pak*

Napahawak ako sa aking pisngi na sinampal ni tatay.

"WAG KA NG MAGSINUNGALING! PAHIRAMIN MO AKO NG PERA! WAG MONG IPAGDAMOT SA AKIN ANG PERA! BAKA PALAYASIN KITA NG WALA SA ORAS!" sigaw ni tatay at dinuro duro pa ako.

Si Franz naman ay naginginig sa takot at nakatayo lang siya sa may pintuan.

Alam ko naman na takot talaga siya kay tatay kaya wala siyang magagawa.

"Wala nga ho akong pera-----accck" hindi natuloy ang sasabihin ko nang sakalin ako ni tatay.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa leeg ko at sinusubukang alisin iyon.

"T-tay! Tay! D-di a-ako makah-hinga!" hirap na sabi ko.

"NASAAN ANG PERA?! BWISET! NATALO NA NAMAN AKO SA SUGAL! AT KAILANGAN KO PANG MAKABILI NG ALAK AT NG SIGARILYO!"

"T-tay.. Tay tama na po. Tay wag mo po saktan si ate" umiiyak na pagmamakaawa ni Franz.

"HUWAG KANG MANGIALAM DITO ANGELFRANZ! PUMASOK KA SA KWARTO MO, BILIS!"

Sa takot, napatakbo si Franz papaalis at malamang, sinunod niya ang sabi ni tatay.

Nagsisimula ng manlabo ang aking paningin dahil hirap na talaga akong makahinga.

"PERA! BILIS!"

Kahit ayaw kong ibigay ang natitira sa wallet ko, wala akong nagawa kundi ang ituro ang bag ko at ibigay sa kanya ang laman ng wallet ko.

Agad na binitawan naman niya ako at dumiretso sa bag ko.

Ako naman ay napaupo at napahawak sa aking leeg.

Napaubo pa ako at para bang hinihingal pa ako.

Papatayin ba niya talaga ako?!

Nang makuha na ni tatay ang pera, itinapon niya sa sahig ang wallet ko at umalis na.

Napapikit ako ng mariin at napasabunot sa aking buhok.

"Pera?! Pera na naman!"

Muling tumulo ang aking luha.

"Pagod na pagod ako! halos buong isang linggo ay walang pahinga! Tapos ano?!"

Hinampas ko ang sahig dahil sa gigil at inis na nararamdaman ko.

"Tutor, cafe staff, nag-aaral, mga utang, mga bayaran sa bahay, orders, issues, mapanaket na magulang..... Ano pa?!" inis na sigaw ko.

Umiyak lang ako ng umiyak dito.

"Bakit ba ang hina ko? Sa issues... Bakit di ko kayang ipagtanggol sarili ko?! Anong gagawin ko?"

"Ang hina hina ko naman!"

"So weak and pathetic"

Tumayo ako at didiretso na sana sa kama nang makuha ng isang bagay ang atensyon ko.

Dahan dahan akong lumapit sa lamesa dito sa kwarto at kinuha ang bagay na iyon.

Pinagmasdan ko na muna ito.

Napakagat ako ng labi at napahigpit ang pagkahawak ko sa cutter.

Itinapat ko ang cutter sa aking kamay at kita ko ang panginginig ng kamay ko.

Napapikit ako ng mariin. "This serves as a punishment for being weak. That's right, a punishment!"

"A punishment!" kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagsugat sa aking kamay.

Nabitawan ko ang cutter at tumingin sa kamay kong nagdurugo.

"A Punishment"

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now