Chapter 21

45 3 1
                                    

Chapter 21

Josh's Pov

Its been 3 weeks already simula nung mabusted kaagad ako.

And I hated her because of that. 

Umabsent siya nung araw na sinabi kong hihintayin ko yung sagot niya para lang makipagdate kay Joven?

If they are together, dapat sinabi niya na lang sa akin. Hindi yung pinaasa niya pa ako. At saka, hindi rin ako makakapaniwala kung biglang nagbago ang nararamdaman niya para sa akin.  Nagkwekwento siya sa akin, ngumingiti ngiti siya sa akin, at aaminin ko, cold rin naman siya pero alam ko, deep inside ay may gusto siya sa akin. Kaya imposibleng bigla na lang magbabago nararamdaman niya!

'Unless, nag-aassume lang ba ako? Argh! Hindi! Alam ko! Nakikita ko! Nakita ko! At sigurado akong may nararamdaman siya sa akin! Hindi ako nag-aassume!'

Humarap ako kay Litch na nagseselpon "Litch, is it possible for a boy to understand what a girl think and feels?" tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin at ngumisi. "Ang nararamdaman ng babae ay pwede mong mabasa, maramdaman o malaman, pero kaunti lang malalaman mo. Pero ang isip ng babae? Kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo mababasa ang iniisip ng babae"

"Huh? Bakit naman?"

"That's our nature I guess" sabi niya at nagkibit-balikat pa.

"Eh paano kung sabihin kong nakikita ko o nababasa ko ang babae?"

Umiling naman siya sa akin. "No. Impossible yun. You are just assuming things kung ganon. Did you know that 85 percent of a girl's instinct is true? That's one of a girls talent. Pero boys? Boys can only understand the other boys and that's a fact" sabi niya pa at kumindat. "Pero bakit mo nga pala natanong?"

Napakamot naman ako sa aking ulo at ngumiti sa kanya. "Wala lang"

Biglang dumaan sa harap namin si Khiena.

Agad na nagsalubong ang aking kilay at naikuyom ko ang aking kamao. "Putang ina mo" Napatigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon sa amin. Tsk! Pakealam ko kung narinig niya yun?!

Di rin nagtagal ay nagpatuloy na lang siya sa paglalakad papalabas ng gate. Uwian naman na rin kasi.

"Ghorl! Khiena sandali naman!" napagilid kami ni Litch at lumingon rin kami sa likod. Tumatakbo si Rosella at hinahabol niya si Khiena na mabilis naglalakad papalayo. 

"Nag-away ba kayong dalawa? I heard you cursed nang dumaan si Khiena sa harap natin" tanong ni Litch.

Napakibit-balikat naman ako at hindi na sumagot. 

Sinundan ko ng tingin si Khiena na mabilis naglalakad nang makalabas na rin kami sa school. Patuloy naman sa paghabol si Rosella at Joven. Pero uwian na, at maraming estudyante ang nasa labas kaya hindi sila makahabol sa kanya.

"Hay naku! Bukas na pala ibibigay yung grades natin nung prelims. Kinakabahan ako"

Tumingin ako kay Litch na kasalukuyang nakayakap sa aking braso. "Nag-aral ka naman so wag kang mag-alala" sabi ko at ngumiti sa kanya. "Anyway, tricycle o padyak ang gusto mong sakyan natin pauwi?" 

"Tricycle na lang Josh"


*****

Khiena's Pov

Mabilis na naglakad ako pauwi at hindi ko na hinintay sina Rosella dahil ramdam ko na tutulo ang luha ko at ayokong makita nila iyon.

Nang makauwi na ako, agad na pumasok ako sa kwarto at sinara ang pinto. Ibinaba ko ang aking gamit at naupo sa gilid ng higaan.

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now