Chapter 13

44 4 0
                                    

Chapter 13

"Kamusta naman ang pag-aaral mo anak?" tanong ni nanay kay Franz habang kumakain kaming lahat ng hapunan.

Ngumiti si Franz kay nanay at mukhang marami pa siyang ikwekwento. "Okay naman po nay! Alam niyo po ba nay? Pinili ako ng mga teachers na maging secretary sa SC! tapos po ang makakalaban ko ay madali lang talunin!" masayang sabi nito.

Tuwang tuwa naman si nanay. 

Tumingin siya sa akin at nag-iba naman ang itsura niya. "Oh ikaw, wag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Tch. Mahiya ka naman sa nagpaaral sayo!"

Ngumiti naman ako ng mapait. 'Ni isang beses hindi ko po pinabayaan ang pag-aaral ko' 

"Opo nanay"

*Tok tok tok*

Napalingon kami sa may pinto nang may sunod sunod na kumatok at bigla itong bumukas. "Hoy ano na kayo?! Nasaan ang pambayad niyo sa utang niyo?! Naku Teresita ah! Sumusobra na kayo!"

Kumunot naman ang noo ni nanay. 

"B-bigyan niyo pa kami ng kaunting panahon para mabayar---" 

*pak* 

Nanlaki ang mga mata namin ni Franz dahil sa sinampal ni aling Jean si nanay.

"Ilang beses ko na kayong pinagbigyan ha?! Nasaan na ba kasi yang si Bernardo na utang lang ng utang?!" sasampalin na sana niya muli si nanay nang pumagitna na ako sa kanila at ako mismo ang sumalubong sa sampal.

*pak*

"Ate"

"Tch! Ayan! Sige, pagtakpan mo sila! Madadamay at madadamay ka talagang bata ka! Hmp!" sumulyap siya kay nanay na nakayakap na kay Franz. "babalik ako dito sa linggo. At kapag hindi mo pa iyon nababayaran, lalayas na kayo rito!" sigaw ni Aling Jean at saka lumabas na ng bahay.

Humarap ako kay nanay. "N-Nay, i-ilan po ba ang u-utang na k-kailangan niyong b-bayaran kay Aling J-Jean?" utal utal na tanong ko pa. 

Ni hindi ko nga magawang makatingin ng diretso sa mga mata niya.

"May magagawa ka bang bata ka?!"

"Nay, ilan nga po ba?" tanong ni Franz. 

Hinawakan no nanay ang pisngi ni Franz at nalulungkot na sinagot iyon. "15k"

'Anak ng! 15k? Saan ako kukuha ng ganuong kalaking pera?!'

Bigla namang dumating si tatay na lasing. 

Lumapit kami ni Franz sa kanya at nagmano. 

Naupo si tatay sa upuan sa sala at tinungga pa ang bote ng alak na hawak niya. "Bernardo! Naniningil na si Jean! 15k! Saan tayo kukuha ng pera pambayad?!" inis na sigaw ni nanay kay tatay.

Lumapit ako sa kapatid ko na nagpapalit palit ng tingin kina nanay. "Franz, pasok ka muna sa kwarto mo"

"Bakit ate?"

"Please? Pumasok ka na lang muna doon" sabi ko at sumunod naman siya. Her mind is still innocent at ayoko ring madamay siya sa gulo nina tatay.

"Tsk! Gawan mo ng paraan!" inis na sigaw ni tatay. Inis na tumalikod si nanay at pumasok na sa kwarto nila. Sinundan ko siya ng tingin at nagulat ako nang nasa tabi ko na pala si tatay.

"T-tay?"

"Ikaw.... gusto mong tumulong hindi ba?" nakatayo siya pero tutumba tumba siya na para bang hilong hilo. 

Hindi siya makatayo ng diretso. Ang mata rin niya ay hindi makatingin ng diretso sa akin at tila umiikot ikot pa ito.

"Meron namang madaling paraan para makakuha ng ganoong kalaking pera" bulong niya. 

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now