Chapter 27

31 2 0
                                    

Chapter 27

Josh's Pov

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil hinila ko ang bag niya. At ang tanga ko rin dahil tama siya. 

Mali at delikado ang ang ginawa ko.

Hayss... Pero ano ba kasi ang dahilan niya? Bakit ba ayaw niyang magpahatid?

Kung pumayag lang siya na ihatid ko siya ay baka makapagpaalam na rin ako sa magulang niya na manliligaw ako.

Isa pa... Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kaunting pagkainis kay Joven.

Alam ko, wala namang ginagawa sa akin yung tao pero naiinis talaga ako sa kanya.

"Josh? Okay ka lang ba?" Tanong ni Litch.

Tumango naman ako sa kanya. "Pagod lang siguro ako, Anyway, wag mong kalimutan na magreview Litch. Midterm na natin bukas"

Napatampal si Litch sa kanyang noo. "Oo nga pala! Buti pinaalala mo. Naku! Busy rin kasi ako, lalo na duon sa upcoming sportsfest. Teka, natanong mo na ba si Khiena my rival, kung sasali siya sa darts?" she asked.

Umiling naman ako sa kanya. "Bukas ko na lang tatanungin. Nakalimutan ko rin eh"

Tumango namna si Litch at saka ngumiti. "Sana sumali siya. Coz I want to prove her na ako ang mas best!" 

"Why do you see her as a rival? I mean, parang hindi ka naman kinakalaban ni Khiena ah?"

"Ewan ko! Basta I hate her! Palagi na lang siya magaling eh, so I want to prove her na mas magaling ako"

"But you can't even beat her when it comes to academics" I said.

"Eh? Oo nga pero dahil nandito ka, ikaw ang magrerepresent sa akin. Once na matalo mo siya sa academics, then that means mas magaling talaga ako sa kanya" nakangising sabi niya pa.

"So, you're saying na gagamitin mo ako?" tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Medyo lang hehe. Pero please sikapin mong maging top 1. Please?" Ginulo ko naman ang buhok niya.

"I think you're getting anxious, and sa tingin ko ay naiinggit ka lang sa kanya? At ayaw mong maapakan ang pride mo kaya ang tingin mo sa kanya ay isang rival?"

"No! That's not it! or maybe it is? abay ewan ko! Basta I hate her okay?"

"Okay okay, you hate her" But I really think na naiinggit lang siya kaya ganyan. "O sige, pumasok ka na sa bahay niyo" I said.

She hugged me first then pumasok na siya sa kanyang bahay. Ako naman ay umuwi na rin.

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong naghanda para mag-aral.

Midterms na bukas at sana naman ay makaabot parin ako sa top 3. Kahit hindi na top 1 basta kasama ako sa top 3 highest.

Si Khiena kasi ang top 1 'kuno' sa grade 12 batch. Actually, since elementary pa daw ay siya ang top 1? Tapos si Joven ang top 2. 

Si Crushie-- este Rosella naman ay hindi nakakasama sa top students pero pumapasa naman siya at hindi bumabagsak? or bumabagsak rin pero nakakabawi rin kaagad.

*sigh* 

"Medyo lang hehe. Pero please sikapin mong maging top 1. Please?"  Naalala ko naman ang sinabi ni Litch sa akin kanina.

Aigoo. Wala naman sigurong masama kung susubukan kong talunin si Khiena noh? Bihira rin naman magrequest si Litch kaya sisikapin kong makuha ang top 1 na yan.

Lament of HeartsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora