Chapter 52

29 2 0
                                    

Chapter 52

Joven's Pov

Pagkauwi ko dito sa bahay ay naligo, at nagbihis na muna ako. Pagkatapos ay nagpaalam ako kay mama na pupuntahan ko na muna si Khiena doon sa kanila.

"Magmano ka na muna sa dad mo. He's in his room" sabi ni mama.

"Kararating lang ni dad?" tanong ko.

Tumango naman siya. Pumunta naman ako sa kwarto ni dad.

Kumatok muna ako bago pumasok at nagmano sa kanya.

"Are you going somewhere son?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Yes. Pupunta na muna ako kila Khiena dad. I think she needs a friend" sabi ko.

Tumango naman siya. Lalabas na sana ako ng room nang may sabihin pa siya.

"You told me before about some weird symptoms you observed to her right?"

"Uh, yeah. Why?"

"If possible son, we can give her a free check up. I mean, I know her family condition and I am a doctor. Plus she's a close friend of yours so why not help her by giving her free check up?"

I smiled. Dad really is kind. "That's a good idea dad but I don't think Khiena will like it though" tumango naman siya at ngumiti.

"Alright then. Go on now. You can use my car. here" sabi niya at ipinasalo sa akin ang susi niya.

"Thanks dad" pasalamat ko at lumabas na.

Nagdrive ako papunta kina Khiena at pagkarating ko sa bahay nila ay nakita kong nasa labas si Angelfranz at mukhang kararating lang niya.

Ipinark ko ang sasakyan dito sa gilid at lumapit na kay Angel. "Hi Angel!" bati ko.

"Hi kuya" nakangiting sabi niya.

"Kararating mo lang?" I asked.

Tumango naman siya sa akin. "Oo eh. Nakakapagod nga pala maging part ng SC" sabi niya pa at binuksan ang pinto. "Nandito ka ba kuya para kay ate?"

Tumango naman ako sa kanya. "Halika pasok ka kuya" sabi niya pa at pumasok ako sa loob.

"Ate? Ate Khiena nandito si Kuya Joven" sigaw ni Angel.

Parehong kumunot ang noo namin ng wala kaming narinig na response mula kay Khiena.

"Ate?" pumunta si Angel sa kusina para tingnan kung nanduon si Khiena.

Ako naman ay pumunta sa kwarto ni Khiena at mas napakunot ang noo ko nang wala siya doon.

Pumunta ako sa kusina para ipaalam kay Angel na wala sa kwarto ang ate niya.

Napahawak naman siya sa kanyang baba. "Hmm.. Paglumalabas si ate ng bahay ay inilalock niya ang pinto, pero bukas naman yung pintuan kaya imposibleng wala siya rito"

Nagpatuloy kami sa paghahanap dito hanggang sa....

"Aaaaahhhhh! Ate Khiena!" agad na napatakbo ako sa kung saan si Angel pumunta.

Nasa tapat siya ng kanilang banyo at nakatakip ang kanyang kamay sa bibig. Hindi rin siya makakibo kaya't kinabahan ako ng sobra.

Lumapit ako sa kanya at tumingin sa tinitingnan niya.

Agad na nalaki ang mga mata ko nang makita na walang malay si Khiena habang nasa loob ng drum ng tubig na may... Dugo?!

"Fuck! Khiena!"

Agad na pumasok ako sa banyo at hinawakan ang kamay niya. Nakita ko ang madaming sugat dito at patuloy sa pagdurugo.

Hinawakan ko naman siya sa kanyang pulsuhan. "Tsk"

Agad na binuhat ko si Khiena at wala akong pakealam kung mababasa ako. Khiena's life might be in danger by now.

Maraming dugo ang nabawas sa kanya.

"K-kuya---"

"Angel, dito ka na muna okay? Mag-iingat ka rin dito at wag kang magpapapasok ng kahit na sino na di mo kilala. Dadalhin ko na muna ang ate mo sa bahay since nandoon si dad" agad na tumango si Angel sa sinabi ko.

Lumabas ako habang buhat buhat si Khiena. Binuksan ko ang sasakyan at ipinasok siya doon.

Medyo malayo ang ospital sa amin at kapag duon ko siya dadalhin ay maaaring hindi na siya umabot kaya sa bahay ko na lang siya dadalhin.

Nagdrive ako papunta sa bahay. Habang nagdadrive ay hindi ko maiwasang hindi mag-alala ng sobra sobra para kay Khiena.

"Shit Khiena! Ano bang ginawa mo?!"

Di rin nagtagal ay nakarating na kami sa bahay.

Binuhat ko siya at pumasok kaagad kami sa loob.

"Anak, nandi---oh my! Anong nangyari sa kanya?!" gulat na tanong ni mama.

"Yaya! Pakilagay nung blanket sa sofa. Joven, ihiga mo siya sa Sofa. Yaya Mer! Pakitawag ng asawa ko. Bilis" sabi ni mama.

Nang mailagay ni yaya ang blanket, dahan dahan kong ihiniga si Khiena doon.

Lumapit naman si dad sa amin at chineck ang pulse ni Khiena.

Tumingin naman siya kay mama. "Go get my things" utos niya. Tumingin naman siya sa akin. "Do you know what her blood type is?" tanong ni dad sa akin.

Umiling naman ako sa kanya. "Hon, bring me the pack of type O blood" utos pa ni dad.

"Since we do not know what her blood type is, the type O blood is enough to use" paliwanag ni dad.

"Coz its the universal donor right?" I asked and he nodded.

Di rin nagtagal ay bumalik na si mama dito at dala dala ang mga gamit.

"How come, meron tayong pack of bloods?" I asked.

"Nakuha namin yan nung may mga nagdonate ng blood and its for emergency since may pagkalayo ang ospital sa atin" mom explained.

Dad cleaned Khiena's wounds first and put on the bandage.

Si mama naman ay nilagyan ng swero si Khiena. "She's wet so we need to get her change" sabi ni mama. Tumingin naman siya sa akin. "Bring her to my room. I'll give her some of my clothes na hindi na sa akin kasya" sabi ni mom.

Tumango naman ako.

Dahan dahan kong binuhat si Khiena at dinala sa kwarto ni mom. May sofa doon si mom at doon na muna siya pinahiga ni mama dahil bibihisan niya si Khiena.

Tinawag ko ang ilang katulong para tulungan si mom at ako naman ay lumabas ng room.

Tsk. Please be fine Khiena.

"I'll let your mom check her heart later son"

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now