Chapter 3

71 5 2
                                    

Chapter 3

Khiena's Pov

Naririto ako sa tapat ng bahay ni tita Cindy. 

Pinapapunta niya kasi ako dito dahil may sasabihin raw siya, at maaga pa naman para pumasok kaya nagpunta na muna ako dito. 

Pinindot ko ang doorbell at hinihintay na lumabas si tita. "Oh, anjan ka na pala. Halika pasok ka" Nakangiting sabi sa akin ni tita at saka pinagbuksan ako ng pinto. 

Pumasok naman ako sa bahay at naupo sa sofa. "Sandali, gusto mo ba ng kape? Juice? O ano?" umiling naman ako sa kanya. "Tubig na lang po tita"

Tumango si tita at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. 

Di nagtagal ay bumalik na siya dito sa sala at naupo sa single sofa na nasa gilid. Humarap siya sa akin ng nakangiti. 

Pero Nawala rin kaagad ang kanyang ngiti nang mapansin ang sugat at iba kong pasa sa mukha, at sa kamay. 

"Bago ang lahat, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" 

Umiling naman ako. 

Bumuntong hininga na muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Iha, bakit hindi natin isumbong sa otoridad ang nangyayari sayo?"

Mapait na ngumiti ako sa kanya. "H-hindi naman po nila ako sinasaktan. May kasalanan rin naman po kasi ako. At ayaw ko pong magsumbong tita dahil alam niyo naman po kung anong nangyari noon nung minsa'y magsumbong kayo, diba?" nalungkot naman ang itsura niya. 

Awang-awa na talaga sa  akin si tita. Pero hindi ko talaga magawang makapagsumbong sa may otoridad dahil nuong bata pa ako na nagsumbong si tita, may pumuntang pulis sa bahay namin at kinausap sila tatay. 

Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila noon pero mukhang napaniwala nila tatay ang pulis. 

Pagkaalis na pagkaalis nung pulis ay agad na nagalit sa akin si tatay at nanay. 

Sinampal ako ni nanay, at si tatay naman ay sinuntok ako. Tandang tanda ko pa nga kung ano ang huling sinabi ni tatay sa akin. "Talaga bang sinusubukan mo kami? Nagsumbong ka pa talaga? Sa susunod na mangyari ang ganito, hindi ka na makakatapak pa sa pamamahay na to! Hindi ka na nakonsensya! Binuhay ka namin tapos ito igaganti mo?!" 

Napapikit naman ako ng mariin nang maalala iyon. 

"Iha, magkokolehiyo ka na diba? Naisipan ko lang, ano kaya kung mag-aral ka sa syudad? I can recommend you to some schools at wala naman sigurong magiging problema dahil iskolar ka naman niyan panigurado. Maganda ang mga unibersidad sa syudad, at para medyo makalayo-layo ka rin sa pang-aabuso ng magulang mo" 

Napa-isip naman ako bigla. 

Hmmm... Magaganda nga ang mga unibersidad sa syudad, pero mukhang mahirap rin naman ang mamuhay sa syudad. Tapos makakalayo ako sa pamilya ko? Ayos lang kung sila nanay at tatay lang ang maiiwan ko, pero paano si Franz na kapatid ko? 

"Hindi ba't may kaibigan ka rin na ilang beses ng nakapunta sa syudad? Pwede mo naman siyang isama dahil marunong na siya doon. Rosella ba ang pangalan?"

Ngumiti naman ako kay tita. "Rosella and I are just acquaintances now. And, pag-iisipan ko na muna siguro tita. Nagsisimula pa lang naman ang pasukan eh" Nakangiting tumango naman si tita. 

Tumingin ako sa orasan dito sa bahay niya at saka nagpaalam na rin. Kailangan ko ng pumasok sa paaralan.

Pagkalabas ko ng bahay niya, ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. Namimiss ko lang si kuya Alden. It's been 9 years pero hindi ko pa rin makalimutan. 

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now