Chapter 30

29 2 0
                                    

Chapter 30

Angelfranz's Pov

Tiningnan ko lang si ate na nag-aayos ng gamit.

'Kung alam mo lang na nai-inggit rin ako sayo'

Nakakainggit rin naman talaga si ate Khiena dahil mabait siya ng sobra, maganda at matalino.

Ang katawan niya ay sakto lang. Hindi masyadong mataba at hindi rin masyadong mapayat. Kumbaga, sexy na rin si ate. She has the perfect body shape. But she can't see it.

Mas matalino siya kesa sa akin. She is always the top 1. Samantalang ako? Top 8 lang ako.

Sa akin nagiging proud sila nanay at tatay dahil alam nila na top 8 ako. Top 1 si ate Khiena, so dapat sa kanya sila mas natutuwa diba? Pero hindi kasi nila alam na top 1 si ate.

Sa tuwing magsasalita si ate tungkol dito, hindi siya pinakikinggan. Kaya ang sabi na lang ni ate, ay hayaan na lang raw namin na sila ang makaalam.

Ayaw ni ate ng pinagpipilitan eh.

Hmm... Masaya siguro si ate kapag wala siya sa bahay noh?

I can feel her stress, fear and anxiety, everytime na naririto siya sa bahay. Sa tingin ko nga ay hindi siya malayang nakakagalaw dito. Para bang napepressure siya kapag nandito da bahay.

Kapag nasa labas naman siya ng bahay, parang nag-eenjoy naman siya. Ewan ko lang.

Isa pa pala, nai-inggit ako kay Ate Khiena dahil meron siyang tunay na mga kaibigan.

Madalas niyang kasama at kausap.

Meron rin naman akong mga kaibigan kaso hindi naman kami ganun kaclose.

Nakakasama ko rin naman madalas pero parang ghost lang ako dahil di nila ako pinapansin.

Mapapansin lang nila ako kapag may kailangan sila sa akin.

"Ayan. Tapos na" sabi ni ate Khiena saka tumayo at lumapit na sa akin. "Ano bang problema jan sa subject na yan?"

Lumapit siya sa akin at kinuha ang libro ko. Binasa niya rin ito. "Ah, eto lang pala--" sinimulan na niya akong turuan.


*****

"Ahh ganun lang pala yun ate? Ang dali lang naman pala hehe" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Oo. Yun lang ba? Nakukuha mo naman ba iyong ibang subjects?" tanong niya.

Tumango naman ako sa kanya. "Oo ate. Sige, duon na ako sa kwarto ko. Ikaw naman na ang magreview"

"Sige, pero kung may subject na nahihirapan ka, nandito lang ako ha?" tumango naman ako sa kanya.

"Sige ate"

Lumabas na ako ng kwarto niya at isinara ang pinto.

Huminga ako ng malalim at sa tingin ko, nagiguilty na agad ako sa ginawa at gagawin ko.

"Sorry kaagad ate"


*****
Khiena's Pov

*Yawn*

"Oh nagpuyat ka gorl?" tanong ni Rosella nang marinig niya akong humikab.

"Hindi naman. Maaga nga akong nakatulog eh" pilit ang ngiti na sabi ko.

"Weh? Anong oras?" tanong ni Joven.

"Mga ala una" walang gana na sagot ko.

"Hanep sa aga Khiena! Maaga nga. Maaga kang natulog para mamayang gabi" nakangusong sabi naman ni Josh.

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now