Chapter 41

20 2 0
                                    

Chapter 41

Khiena's Pov

Sportfest...

Sportfest na namin ngayon at ito ang unang araw.

And I can't believe it..... Argh! Sabi ko hindi ako maglalaro ng darts diba? Pero argh!

I was tempted!

Hindi sana ako papayag kahit na anong pagpipilit ni Josh, but I was tempted!

Damn that price!

Sino ba namang hindi matetempt? 1st place will receive a certificate and 10,000 cash!

Grabe! Ang yaman ng sponsor ngayon ah?

2nd place, 7,000 cash, and 3rd place is worth of 5,000 cash.

Argh! Natempt ako dahil sa hindi ako mukhang pera!

I badly need the money!

Hindi pa nakakapagbayad ng kuryente at tubig sina nanay, may kailangan ang kapatid ko at ako na gamit para sa school, at......

Baon na baon pa rin kami sa utang.

Paano ba naman kami makakaahon sa kahirapan kung si tatay ay walang ibang ginawa kundi ang magsugal ng magsugal!

Ako at si Litch ay darts. Si Rosella ay badminton, si Joven ay volleyball, at si Josh? Sa basketball.

Hindi lang yun, may oras ang laro namin. Iyon ang main game namin pero habang hindi pa kami maglalaro, kasali kami sa iba pang sports like tag of war, the farthest jump, farthest throw, at ang amazing race.

Amazing race ang pinakainaabangan ng lahat dahil bukod sa by team ito, may mga obstacle courses rin na madadaanan ang bawat members.

Ang bawat members ay may dala dalang cylinder foam na may kulay at ipapasa pasa iyon sa bawat team members.

Sa una ay tatakbo ang unang member ng team at pupunta doon sa next station at ipapasa ang hawak nila sa nakaabang na kateam.

Sa 2nd stage ay tatakbo ang player hanggang sa makarating sa may table at ang task nila ay paunahan na umubos ng 5 baso ng chocolate drink.

3rd stage, ay iyon ang obstacle course. Tatalon sa mga nakaharang, gagapang, dadaan sa yung mga gulong ba yun? Basta yun. Tapos, magbabalance dahil maglalakad duon sa parang log yata?

At sa 4th or final stage, ay tatakbo ang player hanggang sa makarating sila sa may table duon na may nakalagay na isang plato ng chocolates. Yummy! Anong chocolates? 3 Choco mallows, 5 choco crunchies, 3 flat tops, 7 pieces of stick o's, 2 pieces of kisses, 2 hanny, 3 maliit na toblerone, isang ferrero, at 25 pieces of m&m nuts. Meron pa ngang isang mug ng fresh milk.

"Kyaah! I'm so excited sa amazing race!" excited na sigaw ni Rosella.

"Khiena goodluck yiee!" sabi niya pa sa akin.

Nagpasalamat naman ako.

"Kayong dalawa, kasali kayo sa amazing race diba? So, saan kayong stage nakaassign?" tanong ni Joven.

Si Josh naman ay napatingin sa akin.

Magkakasama sama kasi kami ngayon at si Litch lang ang wala dahil busy sa pagiging SC president.

"Sa stage 1 ako" sabi ni Rose.

"stage 3" sabi naman ni Josh.

"Last stage" walang gana na sabi ko.

Nabigla naman silang lahat sa sinabi ko.

"Seryoso girl?! I think last stage ang pinakamahirap dahil paunanhan yun sa pag-ubos nung pagkain ah? At ang dami nun!" sabi ni Rose.

"Kayanin mo kaya?" tanong naman ni Josh.

Sasagot na sana ako nang biglang tumawa si Joven kaya napatingin kami sa kanya

"Anong nakakatawa?" tanong sa kanya ni Josh.

"Chocolates guys! Chocolates ang nasa last stage! Khiena's favorites"

"Oo nga pala!" sabay na sabi nila Rose at Josh.

"Dahan-dahanin mo gorl ah? Baka mabulunan ka dun" biro ni Rosella.

Hindi ko naman siya pinansin at tumingin na lang sa oval na kung saan ay dito gaganapin ang amazing race.

Hindi ko na sila pinansin dahil naglalaway na talaga ako para sa chocolates!

Too bad, sa second day pa kami maglalaro ng amazing race.

"Tingin pa lang, parang masakit na sa ngipin!" saad ni Josh.

"Nah, tingin pa lang, masakit na sa tiyan at lalamunan!" sabi naman ni Rosella.

"Tonsillitis ang abot nito" iiling iling na sabi ni Joven.

"Oy Khiena? May laro ka na ngayon diba?" si Josh.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "A-anong oras na?" tanong ko.

Tumingin naman sa wristwatch si Rosella. "9:30" maikling sabi niya.

Agad na nagpaalam at tumakbo ako papunta sa room kung saan doon gaganapin ang darts.

Hinihingal na nakarating ako sa room.

Grabe! Parang ang bilis ko yatang mapagod?

"Grade 12 vs grade 7" sabi ng guro.

Lumapit ako at ang grade 7 sa unahan. Inihanda na rin namin ang aming dart pin.

Siya na muna ang unang tumira at tumama iyon sa taas nung number 12. Sunod naman ay ako na.

Tumama naman iyon malapit sa bullseye kaya ako ang unang titira sa laban.

Pumunta na sa likod ko ang grade 7. Ako naman ay nag-aayos na ng position. I aimed my first pin at number 20, and shoot! Kaso tumama iyon sa pang 1 point lang.

Yung kulay itim ay 1 point lang eh.

I aimed my second pin sa 20 ulit at nang irelease ko iyon ay tumama iyon sa pang 2 points kaya number 20, closed.

I aimed my last pin at number 19 and unluckily, sa number 7 iyon tumama.

Sumunod naman na ang kalaban.

She aimed her first pin at 20 pero tumama iyon sa 18.

Her second pin naman ay sa cherry tumama kaya ang bulseye niya ay 2 points na. 1 point na lang sa bulleye then close na yun.

And her last pin hit 1 point for the number 20.

Kinuha na niya ang pins at ako naman ay tumira na.

I was aiming at the number 19 pero nakachamba ako sa cherry kaya meron na rin akong 2 points sa bullseye.

Hmm.. I-close ko na kaya ang bullseye?

I aimed my second pin on the bullseye at tumama naman ito kaya bullseye closed! Iyong numbers 19 to 12 na lang ang kailangan kong tapusin para manalo ako.

My 3rd pin hit the 3 points for number 19 kaya naman, ang sunod na target ko ay ang number 18.

Pero iyong kalaban ko naman na ang titira.


*****

Madaling natapos ang araw at lahat ng nakalaban ko kanina ay natalo ko.

Anong grade ang mga natalo ko?

Grade 7, 10, 11.

Bukas, ang kalaban ko ay grade 8 at 9. Kung manalo ako bukas sa dalawang laban, sa 3rd day, kami na lang ni Litch ang maglalaban para sa 1st place.

Whew! Kaya mo to Khiena!

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now