Chapter 50

28 2 0
                                    

Chapter 50

Rosella's Pov

Pumasok ako sa school na may pag-aalala para sa kaibigan namin.

There's another new issue kasi na kumakalat.

Another picture and it says na masyadong bossy si Khiena.

Duon kasi sa picture, maayos na maayos ang itsura niya at nakaupo pa. Nakakunot rin noo niya habang nakatingin kay Litch na nagmamop.

Sinasabi rin na ginawang utusan ni Khiena si Litch. Imbes na tumulong sa paglilinis, ibinigay niya raw kay Litch ang lahat ng gawain.

Haggard na ang itsura ni Litch sa picture, samantalang si Khiena ay maayos na maayos talaga.

Hmmmm... I wonder, what happened?

Kaninang pagkapasok ko nga ay lalapitan ko na sana si Josh para tanungin siya about kay Khiena, since siya ang boyfriend, pero hindi ko na siya nilapitan nang mapansin kong masaya si Josh habang nakatutok ang atensyon sa phone.

Mukhang nagtatype pa nga eh.

'Hmmm.. Anong meron? Bakit siya ngiting ngiti dun? What is he even doing?'

"Oh hi Khiena!" bati ni Josh kay Khiena na walang emosyon na naupo sa upuan niya.

Pero napakunot talaga ang noo ko nang mapansin ang kilos ni Josh.

I mean, he saw her on his peripheral at binati niya pa si Khiena pero nakatutok pa rin siya sa phone?

Ano bang meron sa cellphone na yan at bakit tutok na tutok siya dun?!

Tumingin naman ako kay Khiena and oh my ghad! She's not really okay!

Mugto ang kanyang mga mata at tulala lang siya.

Pero ang pinakanapansin ko ay ang nasa kamay niya.

I saw a hint of blood sa sleeves niya so..... Saan nanggaling yun?

Tumayo ako at lumapit sa kaibigan.

Naupo ako sa tabi niya at para bang hindi niya ako napansin kaya nagsnap ako sa harap niya.

Nasindakan pa nga siya. "Rose? Ah.. Hi? K-kanina ka pa dito?" tanong niya.

"Gorl are you okay?" tanong ko.

Tumango naman siya.

"Yeah"

"Really? Are you sure?" taas kilay na tanong ko.

"Yeah" tulala na naman siya. Hays..

"So nakita mo yung bagong issue sayo?"

"yeah"

Kumunot ang noo ko at muling nagtanong. "Wala lang yun sayo? Di ka naman ba apektado?"

"Yeah"

Hmm... Nakikinig pa ba to?

"Anong ulam niyo kagabi?" tanong ko para masiguro na nakikinig nga siya.

"Yeah"

Napatampal naman ako sa aking noo. 'Sabi na nga ba! Hindi nakikinig tong babaeng to!'

I tapped her shoulders at hinawakan siya sa kamay, at agad na hinila palabas ng room.

Dinala ko naman siya likod ng un-used building para doon kami makapag-usap ng kaming dalawa lang.

"Aray!" binitawan ko siya nang mapaaray siya at tumingin sa kamay niya.

Nanlaki naman ang aking mga mata nang may makitang dugo sa sleeves niya.

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now