Chapter 58

26 2 0
                                    

Chapter 58

Khiena's Pov

"What were you thinking?!" galit na tanong ni Josh sa akin.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso kaya medyo nasasaktan ako. He is also giving me death stares.

"A-ano ba Josh n-nasasaktan ako!" Sabi ko at pilit na inaalis ang kamay niya pero ayaw niyang alisin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Do you hate her that much kaya ba tinulak mo siya palayo?! Do you want her dead?!" galit na ani nito.

Kumunot naman ang noo ko. "Anong sinasabi mo---" he cut me off.

"Don't lie Khiena! I saw it! I saw it with my two own eyes! You pushed her away! Kaya naman nalunod siya!"

"Nalunod rin naman ako ah?! Pareho lang naman kami---" he again cut me off.

"Oh really? Or maybe you were just pretending to be drowning para magmukha kang inosente?!"

"Pretending? Magmukhang inosente? I WASN'T!" may diin na sabi ko. "She's actually the reason why we were drowning! She pulled my foot and th-----" I was shocked and I managed to close my eyes.

He was about to hit me.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko nang wala akong maramdaman na dumapo sa mukha ko.

Pagkadilat ko, nakita ko ang kaliwang kamay ni Joven na nakaharang sa akin at si Josh naman ay nakataas pa rin ang kamay niya na sasapak sana sa akin.

Nanginginig na si Josh sa galit.

"Josh, it isn't right to hit a girl. Especially your GIRLFRIEND" binigyan diin ni Joven ang panghuling salita.

Galit na umalis si Josh at pinaalis naman na ni Rose ang mga kaklase kong nakiusyoso.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari kaya napayakap na lang ako sa aking tuhod at natulala sa dagat.

Naramdaman ko ang pag-upo nila Rosella at Joven sa tabi ko. Napapagitnaan nila ako.

Niyakap ako ni Rosella at hinaplos haplos ang likod ko. "I believe you Khiena. I am sure that you won't do such thing" she said.

Napaiyak naman ako ng dahil dun.


*****

"Tch. Ang sama sama mo talaga Khiena ano?" sabi ng isa sa kaklase ko.

Naririto na kami sa girls room para makapaghanda para sa hapunan.

"Khiena magmove on ka na lang pwede? Si Litch ang nanalo sa SC president. Just accept your defeat okay?!"

Hindi ko naman sila pinansin.

"Tch. Mabuti ng si Litch ang nanalo sa SC na yan. Tingnan niyo girls, lumalabas na ang tunay na kulay ni Khiena"

"What a loser you are"

Hindi ko sila pinansin at lumabas na lang.

Bumaba na rin ako at di ko na hinintay pa si Rosella.

Nang makababa ako ay didiretso sana ako sa may dagat para magpahangin pero nakita si Josh.

"Josh" tawag ko sa kanya pero di niya ako pinansin.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso pero agad na inalis niya ang pagkakahawak ko. "Why can't you just admit that it was your fault?!" he angrily said. Then he left.

Naiwan naman akong tulala dito.

'Why don't he believe me?!  I'm his girl right? Why is he doubting me?'

"Khiena" nagulat ako nang tapikin ako ni Joven sa aking balikat.

"Huh?"

"Hinahanap ka ng adviser natin. Kakausapin ka raw" he said. "Hatid kita sa kanya at hihintayin na rin kita. Sabay tayong kakain ng gabihan" dagdag niya pa.

Napayuko naman ako at sumunod na lang sa kanya.

Hinatid niya ako kung nasaan nakapwesto ang adviser namin.

Lumapit ako kay maam at nakayukong binati siya ng magandang gabi.

"Magandang gabi rin. Alam mo na siguro kung bakit kita pinatawag rito?"

"Tungkol po ba kanina sa dagat?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Tell me Khiena, bakit mo nagawang itulak si Litchiko? Iyon rin ang naging dahilan kung bakit siya muntikan ng malunod"

"Nalulunod rin naman po ako--" she cut me off.

"Sabi ng mga kaklase mong nakakita ay pagkatulak mo sa kanya, nalulunod ka na. Were you just pretending to be drowning para masabing hindi mo kasalanan ang muntikang pagkalunod niya?"

Umiling ako. "I have to push her. But I didn't mean na malunod siya"

"Then why did you pushed her away?" kalmadong tanong niya.

Di ko naman napigilan ang sarili kong di mapaluha dahil.... Bakit ba ako lang kinakausap nito? Ako lang ba talaga ang may sala?

"If I didn't pushed her, I would drown" lumuluhang sabi ko.

"Khiena please, wag kang umiyak dahil pinapagalitan kita ngayon. Mali rin naman kasi ang ginawa mo" mahinahong sabi niya.

Hindi ako pinakinggan ni ma'am noh?

"Oh tahan na. Pumunta ka na sa cafeteria para kumain na rin kayo ng hapunan" sabi ni maam at umalis na.

Hindi naman ako umalis dito. Tinakpan ko ang aking mukha at naupo sa sahig at nagpatuloy sa paghikbi.

Naramdaman ko na may lumapit sa akin. Lumuhod siya para makapantay niya ako at niyakap niya ako. "Hush.... Its okay. Its okay. Everything will be fine soon" he said as he caressed my back.

"Everything will be fine? Kelan kaya yun?" humihikbing tanong ko. "Bakit ako lang yung sinasabihan na mali? They haven't even heard my side!"

"People nowadays believes easily without even hearing the side of the other. Kung sino ang nauna makapag-explain ng side niya, doon sila kakampi" he explained, still caressing my back. 

"People in the world is unfair, but don't lose hope yet. Dahil sa unfair world na to, may mga kakampi ka rin. Di mo lang napapansin" dagdag niya pa.

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ako sa aking magkabilang pisngi.

With his thumb, he wiped my tears away.

"You don't have to cry. Don't waste your tears dahil sa mata nila? Nagpapaawa ka lang. Or you're seeking for attention. But Khiena, you're not alone. Nandito kami ni Rosella para sayo, okay? So wag mong isipin na wala kang kakampi" he said.

I nodded. "Thanks" 

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now