Chapter 32

27 2 0
                                    

Chapter 32

Joven's Pov

Napamulat ako ng mata nang tumigil na muna ng bus at medyo nasisilaw ako.

Ipinikit ko ng mariin ang aking mata at tumingin sa katabi ko na mahimbing na natutulog habang nakahiling sa aking balikat ang kanyang ulo.

Pansin ko na medyo kumukunot ang noo niya dahil nasisilaw rin siya ng araw kaya itinapat ko ang kamay ko sa may bintana para hindi siya masilaw.

'Kapag natutulog ka, para kang walang pinoproblema. Kalmado kasi ang itsura mo'

Di rin nagtagal ay umandar na muli ang bus at nagpatuloy sa byahe.


*****

Nang makarating na kami, tulog pa rin si Khiena kaya dahan-dahan ko siyang tinapik sa pisngi para magising.

"Khiena, Khiena, Khiena gising na. Nandito na tayo"

Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mata at umayos ng upo.

Kinusot kusot niya pa ang mga mata niya at tumingin sa labas. "Sorry kung nakatulog ako sa balikat mo" sabi niya at humikab pa.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Ayos lang. Mukhang pagod ka rin naman"

Tumayo na kami at dinala na namin ang aming mga gamit pababa ng bus.

"Ok guys, pupunta na muna tayo sa mga kwarto. Magpahinga na rin muna kayo ng kaunti. Mamayang mga alas tres ay pupunta na tayo sa kitchen na kung saan duon tayo magtatrabaho" sabi ni manager. "Nga pala, dalawa ang kwarto. Isa para sa lalaki, at isa para sa babae"

Tumingin si manager kay Elle at Roel. "Elle, ikaw ang hahawak ng susi para sa kwarto ng babae, at Roel, ikaw naman sa lalaki" ibinigay ni manager ang susi sa kanilang dalawa.

Pagkabigay ng susi ay kaming mga lalaki ay sumunod na kay Roel papunta sa kwarto.

Sinundan rin naman ng mga babae si Elle.

Sinundan ko ng tingin si Khiena dahil wala na naman siyang imik.

Aigoo... 'I'll make sure that you will have fun'

"Hay naku! Kapagod naman kahit byahe pa lang!" reklamo ng isa sa kasama namin... Si Kio.

"Oo nga tol! Tapos mamaya, sisimulan na natin ang paggawa nung 5 layers cake na yun! Tapos may cupcake pa!" sabi naman ni Osef.

Ibinaba ko ang bag ko at nahiga muna sa higaan.

Grabe! Ang lambot ng higaan na to ah!

"Nga pala tol Joven?" tawag sa akin ni Osef.

"Hmm?"

"Yung kaibigan mo bang si Khiena ay may naisip ng design para sa cake na gagawin? Kasi walang ibinigay na design yung ikakasal dahil kung ano raw ang gusto ng gumagawa ng cake, iyon na lang raw ang gawin" sabi niya.

Napaisip naman ako.

Hmm... Wala naman siyang sinabi sa akin dahil hindi rin naman ako nagtanong...

But knowing Khiena, designs are always popping up on her head. Ganun ka creative at ganun kalawak ang imagination niya.

I found it amazing dahil halos hindi siya nawawalan ng ideas and designs. Sabi niya, palagi naman raw may nagpapop up sa utak niya.

Naniwala ako duon dahil minsan na niyang napatunayan iyon. Dati, nung grade school, hindi siya nakapagresearch ng pwedeng idesign o pwedeng gawing pamplating sa niluto nila pero bigla siyang nagkaron ng idea at magandang design pa rin ang nagawa nila.

Nung highschool.... Nagbake ng cake at ni isa sa mga kagrupo niya ay hindi nakapaghanda para sa idedesign.

Naupo lang siya ng saglit then bigla na lang siyang kumilos at ginawa ang design na bigla niyang naisip.

"I'm not sure. But we just need to trust her.... She'd done things that can impress anyone" sabi ko na lang.

"Oh? Sige!"

"Osef! Gisingin mo na lang ako kapag magaalastres na ah? Iidlip na muna ako" sabi ko at pumikit.

"oh sige sige"


*****

"Tol gising na. Malapit na mag alas tres"

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at naupo rin ako.

Kinusot kusot ko pa ang aking mata.

Masarap matulog kaso....... Hays, may trabaho pa.

Tumayo na ako at inayos ko na ang sarili. Pagkatapos ay lumabas na rin kami ng mga kasama ko at pumunta sa kitchen na para 'kuno' sa amin.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kitchen ay kinuha agad namin ang aipron at hairnet at nagsuot rin ng kitchen gloves.

Napatingin ako sa dulo nung lamesa dahil nakatipon tipon ang girls doon. "Anong meron?" tanong ko nang makalapit ako.

"Nakalimutan isabi sa amin ni manager na hindi pipili ng style ng cake ang ikakasal so its up to us kung ano ang design basta 5 layers raw" sabi ni Elle.

Tumango naman ako at tumingin sa iginuguhit na cake ni Khiena sa tablet ng kasama namin.

Maganda rin naman palang gumamit ng ibis paintx. Iyan kasi ang gamit ni Khiena.

"Woah, ang ganda naman ah! Yan na ba ang gagawin na design?" tanong ni Athan.

"Oo, kaya tumulong ka na sa iba, gumawa nung mga cakes"

"Ayan. Final na yan. Yan na ang magiging design natin para sa cake" sabi ni Khiena at nagsimula naman na kaming lahat kumilos.

Mukhang bigtime ang ikakasal dahil marami raw ang bisita nila.

Nakita na rin namin ang venue ng reception nila at malawak ang sakop.

Maraming mga upuan at round tables, maraming plates and glass ang nakita naming nireready.

"Joven, tulungan mo kami dito sa paglalagay ng icing" sabi ni Khiena.

Tumango naman ako sa kanya kaya sinimulan ko na ang paglalagay ng icing sa mga cupcakes.

"Are you having fun?" tanong ko kay Khiena na busy rin sa paglalagay ng icing.

"I don't know. I really am worried about---" I cut her off.

"I told you that you must forget about your problems first"

She looked at me and smiled. "Okay. I'll try"

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now