Chapter 55

28 3 0
                                    

Chapter 55

Khiena's Pov

Nakakunot ang noo ngayon ni Josh.

Magkahawak pa rin kami ng kamay pero mahigpit niya iyong hinahawakan.

"Are you hiding it from me?" pag-uulit na tanong niya.

Paano ba kasi niya nalaman? Hala! Nung tulog ba ako, itinaas niya ang sleeves ko kaya nakita niya?

Walang emosyon na tumingin ako sa mata niya. "I'm not hiding anything from you" tsh. Lie! Khiena you're lying again!

"Khiena" may halong pagbabanta na sabi niya.

Napabuntong hininga naman ako. "Accident. Nadapa lang ako at nagasgas yang kamay ko" palusot ko.

Mas lalo naman kumunot ang noo niya. "Sure? Kasi Khiena malalim ang mga sugat na yan. Sigurado ako. Are you telling me the truth?" kunot noong tanong niya.

Bumitaw ako sa paghahawakan namin. "Are you doubting me?" nakayukong tanong ko.

I can't face him dahil nagsisinungaling ako sa kanya tapos itatanong ko na dinadoubt niya ako?

Kapal lang ng mukha ko!

He held my chin at pinatingala ng kaunti. He made me look into his eyes. "Please tell me the truth. I am not doubting you or anything pero kasi...." napahinga naman siya ng malalim bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Marami at malalim ang sugat. Saang bato ka ba napatama para magkaroon ng ganyang klase ng sugat ang kamay mo?"

I smiled a little when I saw his worried face. 'So you care for me'

"Ewan ko ba. Basta ganyan yang sugat" sabi ko at nagkibit balikat.

"Be careful next time okay?" I nodded.

'I guess being with you would make me feel fine. Maybe I won't attempt to kill myself'


*****

"Khiena?" napalingon ako kay Rosella nang tawagin niya ako.

Napakunot ako ng noo nang makita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "What's wrong?" I asked.

Agad naman na lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Don't do that again please. Kami lang ni Joven ang nakakaalam so that hindi ka ulit maissue. Please don't do that again" she whispered.

Kumalas naman na siya sa yakap.

I stared at her blankly. "I'll try but I cannot promise" sabi ko at inayos ang hihigaan ko mamaya.

Naririto kasi kami sa room ng girls at kaming dalawa na lang ni Rosella ang naririto dahil ang mga kasamahan namin ay nauna ng bumaba.

About sa issues sa akin, hindi pa rin nawawala iyon sa mga tao kaya kahit mga kaklase ko ay medyo bully talaga sa akin.

Nakakarindi na nga sa tenga and worse, everytime na maririnig ko sila na pag-usapan ako, I feel like I want to kill myself immediately.

Pero.....

Kung mamatay ako, ano kayang magiging itsura ng afterlife?

At saka..... Hindi ba ako mapapatawad ng diyos?

"Tsk! Do God even exist?" pabulong na tanong ko sa sarili ko.

"Halika na Khiena" hinawakan ako sa pulsuhan ni Rose at hinila na pababa.

Ang kwarto kasi naming girls ay dito sa second floor. Sa ibaba naman ay kwarto ng mga lalaki.

Hinila ako ni Rose papunta sa hall ng resort na to. May mga estudyante sa daanan at sa tuwing madadaanan namin sila ay magsisimula na ang bulungan.

About sa issue na naman. Tch!

"Don't mind them Khiena" paalala ni Rose.

Di nagtagal ay nakarating na kami sa hall. Naupo kami sa gilid. Alangan namang maupo kami sa gitna? Tsh! Sige magsolo kayo dun sa gitna!

"There's Josh and Joven" turo niya sa dalawang lalaki.

Nakapamulsang naglalakad papalapit sa amin si Joven, habang si Josh naman ay nakangiting naglalakad papunta rin sa amin pero nakatingin siya sa kanyang cellphone.

Tch! Cellphone na naman? Konti na lang, magseselos na talaga ako sa cellphone niyang yun!

Ano bang meron sa cellphone niya at palagi siyang nakatingin dun?

Aish! Imposible namang nanonood siya!

Like he'll watch porn on public places!

"Hi baby" ngiting bati ni Josh sa akin nang makalapit.

Naupo siya sa tabi ko. "Baby? Anong nakain mo?" taas kilay na tanong ko.

Napakamot naman siya sa kanyang ulo. "Wala lang. Sinubukan ko lang para makita ko kung anong reaksyon mo kapag tinawag kitang baby"

I smirked. "Do you want to use endearments?" I asked.

Umiling naman siya. "Okay na ako sa pangalan natin. Nga pala eto oh" ibinigay niya sa akin ang maliit na paper bag.

"Ano yan?"

"Paper bag" sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa sagot niya. "Kunin mo na kasi"

Kinuha ko iyon at binuksan. Napangiti naman ako sa nakita ko. May cute size teddy bear at may mga papel.

"Cute naman nito" nakangiting sabi ko habang kinukuha ang teddy bear.

Kinuha ko naman ang isang papel na nasa loob. May iba pa kasing papel na nakalagay.

Bubuksan ko na sana ang papel nang pigilan niya ako. "Mamaya mo na lang yan buksan. Mamaya mo na lang rin basahin"

I nodded kaya itinago ko ulit ito pati ang teddy bear.

"Good morning students!" bati ng isang lalaki na di ko kilala.

Siya ata ang magcoconduct ng retreat na to.

"I am sir Natio, at ako ang makakasama niyo sa retreat na to" nakangiting sabi niya. "Students, pumabilog kayong lahat dito, para maganda ganda namang tingnan"

Sumunod naman kami sa sinabi niya. Walang upuan rito at sinadya nilang paupuin kami sa sahig.

Malinis naman ang sahig at malamig pa nga. Palibhasa aircon.

"Okay, so before we start, let us all stand up and have our opening prayer"


*****

"Who is God?" tanong ni sir Natio.

"God is our creator"

"Our father"

"Savior"

"Protector"

"He is our everything"

"Okay. Good answers. Next question. Do you believe in God?"

"Yes!" sabay sabay na sabi ng lahat, maliban sa akin.

Why would I answer if right now I am in doubt that He exist?

"Oh, really? That's good.. But... Have you ever doubted him?"

Lahat naman ay natahimik at napaisip.

Napangiti ng kaunti si sir at inilibot ang paningin sa amin. "Looks like almost everyone of you had doubted him huh? Okay.. I'm gonna call someone from your class who will answer my question"

'oh please, tawagin mo na lahat, wag lang ako'

"You. Miss Khiena?" tawag niya sa akin. Lahat kasi kami ay may nametags.

Tch. Sana pala hindi na lang ako humiling! Baka sakaling di pa ako matawag.

Walang gana na tumayo ako at tumingin ng diretso kay sir. "Had you doubted God before?" he asked.

"I am doubting Him even now"

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now