Extra Chapter

58 2 0
                                    

Khiena's Pov

Pagkatapos namin umiyak ng umiyak sa ospital ay nauna na akong umuwi sa amin.

Mugtong mugto ang aking mga mata dahil sa kaiiyak.

Papasok na sana ako ng bahay nang biglang bumukas ang pinto at bumungad kaagad sa akin ang galit na itsura ni nanay habang may dala-dalang maleta?

Teka! Maleta ko yan!

"N-nay--? Hindi na niya ako pinatapos pa sa sasabihin.

"Lumayas ka na dito! Wag kang mag-alala. Lahat ng gamit mo ay nanjan na! Pero kung gusto mo makasigurado, pasok ka muna at icheck mo kwarto mo"

Agad na pumasok naman ako at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na halos wala na talaga akong gamit doon. Ang laman ng cabinet ko ay wala na.

"Ano? May natira pa ba?"

"W-wala na po"

"Layas na!"

"Nay! A-anong nangyayari? B-bakit may maleta si ate?" tanong ng kapatid kong si Franz.

Yumuko na lang ako at hindi tumingin sa kanya.

"Pinalalayas ko na siya. Tch. Ano na Khiena? tatayo ka na lang jan? Layas!"

Agad na naglakad ako papalabas habang dala dala ang aking mga gamit.

'Ano naman kayang kasalanan ko? bakit ako pinalalayas ni nanay? Naniwala rin ba siya dun sa bagong issue na yun? Paano na ako? Saan na ako titira?'

Naglakad na lang ako papunta sa bahay ni tita Cindy kahit na walang tao doon. I know where tita hides the key kaya nakapasok ako sa loob.

Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa kwarto na tinuluyan ko dahil nandoon ang aking gamit.

Pagkapasok ko ay napaupo ako sa kama at ipinatong ko ang aking siko sa aking tuhod at doon humikbi.

"Paano na ako? Kuya Alden, tita Cindy, paano na ako? Today's supposed to be a special day pero bakit ganun? Bakit nagsabay sabay pa?"

The issue....

The cheating and breakup....

Aunt's death......

Tapos pinalayas pa ako?!

Anong klaseng buhay ba to!

Why did God gave me this cruel life?!

Do He still love me?

If yes, why would He give me this kind of life?!

"Paano---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may maalala ako.

"There's another way how to escape from the pain. Another way how I will live"

Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa pader.

"May byahe pa mamaya"

Tumayo na ako at inayos ang lahat ng gamit ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng papel, ballpen at tape.

May isinulat ako doon at pagkatapos ay idinikit ko iyong papel sa kwarto na tinutuluyan ni Erika para madali lang niyang makita.

Pagkatapos kong maidikit ang papel, dinala ko na ang aking mga gamit at lumabas na ng bahay.

Pagkalabas ko rin ng gate ay tiningnan ko na muna ang kabuoan ng bahay at ngumiti ng mapait.

"I'm sorry"


*****

Erika's Pov

Umuwi na muna ako sa bahay ni tita. ukas na bukas ay busy dito dahil aayusin na ang alam niyo na. I don't want to say it.

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now