Chapter 6

56 3 1
                                    

Chapter 6

Nagising ako nang makaamoy ng nasusunog na pagkain. 

Nagmadali akong pumunta sa kusina at duon ko nakita ang kapatid kong natataranta.

 Agad na lumapit ako sa kanya at pinatay ang kalan. "A-ate" 

Humarap ako sa kanya at nag-aalalang tiningnan siya. "Ayos ka lang?" tanong ko.

Bigla namang tumulo ang kanyang luha. "S-sorry ate. I tried to cook breakfast *sniff* but---*sniff* I failed" umiiyak na sabi niya. 

Tumingin ako sa pagkaing niluto niya. Sunog nga talaga ito. Hayys... "Bakit kasi ikaw yung nagluto? Diba dapat ako?"

"Malaki na rin ako ate. Grade 10 na ako, right? Tapos hanggang ngayon pa naman? Hindi pa rin ako marunong magluto? Kahit nga mag-saing lang ng kanin ay di ko alam kung paano" nakayukong sabi niya. "Sorry dahil nasunog"

"ANONG NANGYAYARI DITO?! ANO IYONG NANGANGAMOY?!" galit na sigaw ni tatay. 

*Lunok* 

Tumalikod ako kay Franz at humarap kay tatay. 

Napatingin siya sa kawali, at kay Franz na nakayukong umiiyak. "ANONG GINAWA MO SA ANAK KO?! SINO KA PARA PAIYAKIN SIYA?! HA?! AT MAY BALAK KA BANG GUTUMIN AT SUNUGIN ANG BAHAY! WALANG HIYA KA TALAGA!"

Lumapit sa akin si tatay at... 

*Slap* *Slap* 

Binigyan niya ako ng mag-asawang sampal. 

*Kling klang* 

Itinulak niya pa ako at aksidente kong nataman ang kawali kaya't nahulog ito.

Napahawak ako sa aking kamay na namumula na dahil sa natamaan ng nahulog na kawali.

"Ano?! Nasaktan ka?! Magdusa ka! Dapat lang yan sayo! Masyado kang salbahe! Pati ba naman anak namin?! iyang kapatid mo, ay paiiyakin mo?! Wala naman siyang ginagawa sayo ah?!" 

Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanya dahil sa hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. 

Hindi naman niya alam ang nangyari diba?

"T-tay" nangingilid na ang aking mga luha pero pinipigilan ko ito. 

Lumingon ako kay Franz na parang naestatwa sa kinatatayuan. Nanginginig ang kanyang mga tuhod, nakatakip sa bibig, lumuluha pa rin pero nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.

 "A-ate---" hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin niya ng putulin iyon ni tatay. 

"Bakit ikaw ang may hawak niyang sandok?!" nagtataka ngunit batid mo na galit pa rin si tatay. "Wag mong sabihing inutusan ka ng babaeng to na magluto?! Aba! Kapal naman ng mukha!" sabi niya at tinuturo pa ako. 

Mula doon, ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na di mapaluha. 

"MAGHANDA NA KAYO! MAY PASOK PA KAYO!"


*****

'Kung minamalas ka nga naman! Naka p.e uniform pa naman kami ngayong araw! Ayan, makikita ng marami ang namumula kong kamay. Hays, kailan kaya matatapos ang pananakit na to? Kailan rin kaya ako masasanay sa gantong buhay? Kailan ako titigil sa pag-iyak dahil sa kanila? At kailan  kaya ako makakaramdam ng pagmamahal, at pangangalaga?'

Habang nag-iisip, may bigla na namang tumabi sa akin. Naglelesson ngayon ang aming guro at si Maxinne dapat ang seatmate ko diba? Pero syempre, as students, hindi mawawala ang palipat-lipat ng upuan. 

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now