Chapter 4

76 6 2
                                    

Chapter 4

Khiena's Pov

*Splash* 

Agad na napabangon ako nang mabuhusan ako ng malamig na tubig. "N-nay, b-bakit niyo p-po iyon ginawa?" 

Tumingin ako kay nanay pero agad rin na yumuko nang makita ang galit na galit na itsura niya. 

'Ano na naman kayang kasalanan ko?'

"Gusto ko mo bang pasukin tayo ng magnanakaw?! Ha?!" 

Anong ibig niyang sabihin? 

"Bakit mo iniwang bukas ang pinto?!" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat. 

Bukas ang pinto? Eh sigurado naman akong sinarado ko iyon kagabi! 

"N-Nay, sinarado ko po iyon nay------" *Blag* Galit na itinapon ni nanay ang baldeng walang laman. 

"Magsisinungaling ka pa?!" galit na sigaw niya. 

Bigla naming dumating si Franz at agad na lumapit kay nanay para pakalmahin siya. "Nay, wag po kayong magalit kay ate. Ako po ang may kasalanan---" Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang harapin siya ni nanay.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mong pagtatakpan ang kasalanan na ginawa ng ate mo?!" galit ngunit medyo kalmado na sabi niya kay Franz. 

Tumingin sa akin si Franz na para bang humihingi ng tawad. "Pero nay, di ko siya pinagtatakpan. Isinarado niya po ang pinto pero lumabas ako saglit at nakalimutan kong isarado ang pinto" paliwanag niya. 

Pero hindi na naman siya paniniwalaan ni nanay. "Pumasok ka na sa kwarto mo, Bilis!" takot muli si Franz kaya't pumunta siya sa kanyang kwarto.

Galit na humarap sa akin si nanay. "Nasaan ang iyong salamin?! Kaya ko iyon pinapasuot sayo para umiba ng konti ang itsura mo! Nakakainis yang pagmumukha mo! Parehong-pareho sa nanay mong ubod ng landi! Pero hindi alam ang responsibilidad!" Napatulo naman ang luha ko dahil sa sinabi niya. 

"Oh anong iniiyak-iyak mo jan?! alas kwatro na! Linisin mo na yan! Tas magluto ka na rin para sa agahan! Hindi yung iiyak-iyak ka pa jan!" inis na sabi niya at saka lumabas na ng kwarto ko.

Matapos kong linisin ang kwarto, lumabas na ako at pumunta sa kusina para magluto. Nandoon naman si nanay na nakaupo at humihigop ng kape. 

Napatingin siya sa suot ko. "Wag na wag ka na ulit magsusuot ng mga shorts at sando na yan! Hindi mo naman ikinaganda!" inis na tugon niya at saka tinabig ang tasa ng kape. "Linisin mo iyan"

Wala akong nagawa kaya't sinunod ko na lamang siya. Kailangan ko na ring bilis-bilisan ang kilos dahil may klase pa kami.

"Ate tulungan na kita jan" biglang sumulpot ang kapatid ko na nakayuko habang nagluluto ako. 

Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. "Wag na, maghanda ka na lang. Ayusin mo na lang mga gamit mo" 

Inangat niya ang kanyang mukha at tumingin sa akin ng diretso. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagsisisi at awa. 

Ano pa bang bago? Eh ganito na lang talaga ang kaya niyang gawin. Ayoko rin naman suwayin niya sina nanay at tatay. At saka, kung tutuusin, mas okay na ako sa ganto, at least kapatid parin ang turing niya sa akin at mahal niya ako diba?

Muli siyang yumuko. "S-sorry ate. I think I'm still childish and sorry talaga kasi ako ang may kasalanan pero ikaw napapagalitan. S-sorry rin kasi wala akong magawa p-para ipagtanggol ka" Nauutal na sabi niya.

Niyakap ko naman siya. "Huwag kang mag-alala. Ayos lang sa akin yun. Ayoko rin namang suwayin mo ang utos sayo nila nanay para lang ipagtanggol ako" kumalas ako sa yakap at muling ngumiti sa kanya.

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now