Chapter 2

94 8 2
                                    

Chapter 2

9 years later

Don't think about it
Just move your body
Listen to the music
Sing, oh, ey, oh
Just move those left feet
Go ahead, get crazy
Anyone can do it
Sing, oh, ey, oh

Show the world you've got that fire (fire)
Feel the rhythm getting louder
Show the room what you can do
Prove to them you got the moves
I don't know about you,

But I feel better when I'm dancing, yeah, yeah
Better when I'm dancing, yeah, yeah
And we can do this together
I bet you feel better when you'r-----

Pinatay ko na ang alarm ng cellphone ko. 

4:15 palang ng umaga pero kailangan ko nang gumising at bumangon para makapaghanda. First day ng school ngayon. Grade 12 na rin ako. And guess what? Scholar ako! Big thanks kay tita Cindy. 

Si Tita Cindy lang naman ang sumuporta at ang nagpa-aral sa akin noong grade school ako. 

Nung mag-grade 7 ako, free tuition na ako sa paaralan dahil valedictorian ako nuong grade 6. Pero syempre, kailangan parin gumastos at si tita Cindy ang nagbibigay sa akin ng sapat na pera. 

Naghahanap pa rin naman ako ng pwedeng mapagkakakitaan para makatulong sa pamilya. Ayoko rin namang humingi ng pera kay tita para sa panggastos lang sa pamilya. Nakakahiya kaya!

Maaga akong nagising ngayon dahil bukod sa unang araw ng pasukan, ay maglilinis ng bahay, magluluto, at magpaplantsa pa ako. Ganyan ang gawain ko. 

Kinuha ko na ang tuwalya ko at saka dumiretso ng banyo. Isinabit ko muna ang tuwalya, tapos tumingin ako sa salamin. Napahawak ako sa aking pisngi na may sugat. "Sana naman di nila mahalata" Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na kinakalimutan ang nangyari kahapon.

Flashback

Nakaupo at kumakain lang ako ng gabihan dito ng mag-isa. Wala kasi sila nanay at tatay. 

Iyong kapatid ko naman ay umalis na muna at nagpaalam dahil may kailangan lang raw siyang gawin sa computer shop. 

Tahimik lang naman akong kumakain at magaalas-otso na ng gabi, nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sila nanay.

Lumapit ako sa kanila at nagmano. Pero nung magmamano na ako kay tatay, tinabig niya ang kamay ko. "Nasaan ang anak namin?" Tanong niya.

 Ngumiti naman ako ng mapait. Anak niyo rin naman po ako ah. Ampon nga lang. "Nasa computer shop po, may inaasikaso lang" magalang na sagot ko. 

Naglakad naman na si tatay palayo at dumiretso sa kwarto. Bumalik na rin ako sa kusina para kumain.

"Nakakain na ba ang anak namin?" tanong ni nanay nang makarating siya dito sa kusina. 

"H-Hindi pa po nay. Pero sabi niya po ay mauna na raw ak---" *Slap* hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sampalin niya kaagad ako. "SINO NAGSABI SAYO NA PWEDE KA NANG KUMAIN? ANG ANAK KO AY HINDI PA NAKAKAKAIN TAPOS IKAW?! IKAW MAGPAPAKABUSOG SAMANTALANG ANG ANAK NAMIN AY MAGUGUTOM?!" sigaw niya. 

Kinuha naman ni nanay ang kinakainan ko at itatapon niya iyon sa basurahan. 

Hinawakan ko naman si nanay sa kanyang braso para sana sabihin sa kanya na sayang ng pagkain. Pero marahas na tinabig niya ang kamay ko, at hawak-hawak pa pala niya ang tinidor, kaya naman, aksidente niyang nagalusan ang aking pisngi. 

"Aray" Natapon rin ang pagkain sa sahig, at nabasag naman ang pinggan.

Napaharap naman siya sa akin at tinitigan ako ng masama. "Ayan ang nakukuha ng mga batang maka-sarili" walang emosyon na sabi niya at saka umalis. "Linisan mo iyang kalat mo!" sigaw niya pa. 

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now