Chapter 18

35 3 0
                                    

Chapter 18

"September 30, Happy birthday Joven!" bati ko sa kanya pagkalabas ko ng bahay.

Sabay na lang kasi kami pupunta sa cafe kaya hinintay niya ako rito sa labas ng bahay. 

6:25 am pa lang pero pupunta na kami doon.

"Salamat" nakangiting sabi nito at ginulo niya pa ang buhok ko.

Tsk! pagkatapos kong ayusin buhok ko, eh guguluhin niya rin?

Nagtrycicle kami papunta sa cafe. Nang makarating na dito ay pumasok na kami sa loob at lumapit kay Ellie.

Ngumiti siya sa amin. "Ang aga niyo naman. Pero di bale, para maaga rin kayong maturuan ng mga gagawin"

Pinapasok niya kami sa office sa second floor ng cafe. Duon ay nakaupo at may inaasikaso ang manager na nakilala namin kahapon. Si manager Gilbert.

"Oh iha, iho, kamusta? Napakaaga niyo naman" nakangiting sabi ni manager Gilbert. "Pero okay na rin yun para maaga rin kayong matuturuan"

Pinaupo niya kami sa upuan at doon ay pinag-usapan namin ang tungkol sa schedule at tungkol na rin sa perang makukuha namin.

Pagkatapos ay bumaba kami at pumunta sa kusina ng cafe. Medyo malawak ng kaunti at malinis talaga ito tingnan.

Ang manager ay kasalukuyang nagsasalita at sinasabi sa amin ang mga gagawin dito. 

Lumapit ng kaunti sa akin si Ellie na kasama rin namin ngayon dito at bumulong. "Clean freak si Manager. At ang malinis sa kanya ay yung wala talagang mantsa kaya parang bago ang lahat ng makikita mo diba? Kahit ang cafe na to"

'Ah, kaya pala. Akala ko nga eh bago lahat. Kahit ang pintura sa dingding ay napakalinis. Siguro, kapag naluluma na ang pintura, agad na pinapapapinturahan ulit ito para magmukhang malinis at maayos'

"So, ano, kaya niyo ba?" nakangiting tanong nito.

"I think, the question should be, 'Naintindihan niyo ba?' and not 'kaya niyo ba?'" pagkokorek ko.

Ngumiti naman ang manager sa amin. "kaya niyo naman na yata so, Ellie, ikaw na muna bahala sa kanila. I still need to do some research"

Aalis na sana si manager nang magdalita si Ellie. "About sa menu parin ba?"

Tumango sa kanya si manager. "Uhm, if you dont mind, ano po ba ang nireresearch niyo?" tanong ko.

"Gusto ko kasing magdagdag ng pagkain sa menu. Kahit for dessert or finger foods lang" paliwanag ni manager. "Nakakasawa rin naman kung palaging clubhouse sandwich, fries, at fruits lang palagi"

Lumapit sa akin si Joven para bumulong."Go on, tell him"

"Again, if you don't mind, marunong po akong magbake and decorate ng cupcakes. Uhm, maybe we could sell one cupcake for 20 to 25 pesos? We could also add to the menu the onion rings, uh cheeseballs, and pancakes? Something like that" I suggested.

Napahawak si manager sa kanyang baba at nag-isip. "Good idea"

"Oh, and Khiena, I want you to make cupcakes now. If that's okay with you? So we can taste it and after that, sell it"

Tumango ako sa kanya. "That's fine with me"

"O sige, Ellie, ikaw na bahala" nagpaalam na si manager kaya umalis na siya. Ako, si Ellie, at si Joven ang naririto sa kusina.

"Nasaan pala ang ibang staff?" tanong ni Joven habang inililibot ang paningin sa kusina.

"Parating pa lang yun. 8 pa naman ang bukas ng cafe" sabi ni Ellie at binigayan kami ng apron. "So, ano po ang mga ingredients na kakailanganin niyo?"

Lament of HeartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora