Chapter 26

36 3 0
                                    

Chapter 26

Joven's Pov

"Bilisan niyo! Tabi! Tumabi kayo!" sigaw ko sa mga estudyante na paharang-harang sa daan.

Nagmamadali talaga kami dahil buhat-buhat namin ni Josh si Khiena na kasalukuyang walang malay at putlang putla na.

May mga pasa, at may mga sugat pa siya. Hinang-hina pa nga siya kanina pero di ko iyon pinansin. Tsk Ayan tuloy! 

"Ano bang nangyari kay Khiena?" rinig kong bulong ni Josh sa sarili niya.

Di rin nagtagal ay nasa clinic na kami. Si Khiena naman ay nagising na rin.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata.

"Khiena, are you okay? How are you feeling?" alalang tanong ni Josh sa kanya.

Pumikit lang si Khiena at hindi siya pinansin. Hindi pa siguro kaya ni Khiena magsalita dahil sa panghihina.

I tapped his shoulder. "Bro, papahingahin na muna natin si Khiena. She needs to rest" sabi ko.

Tumango naman siya sa akin kaya lumabas na rin kami sa clinic.

Naglalakad na kami papunta sa classroom. "Alam mo ba kung bakit nagkaganun si Khiena? Kulang ba siya sa tulog at pahinga? Hindi ba siya kumain?" sunod sunod na tanong ni Josh sa akin.

I slid my hands onto my pocket. "I don't know"

"What?! Bakit hindi mo alam? Hindi ba't kaibigan ka niya?" 

"Oh bakit hindi mo rin alam? Hindi ba't magkaibigan rin kayo at manliligaw ka pa niya?" balik tanong ko sa kanya. Napahawak naman siya sa kanyang batok. "And you know Khiena. She keeps problems to herself" dagdag ko pa.

He sighed. "I wonder why"

"Khiena needs to learn how to share problems" I said.

"Nga pala, alam mo ba kung anong gusto ni Khiena?" tanong niya sa akin.

"Bakit?"

"Nanliligaw ako diba?" 

Huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang tanong niya. "I don't know" Then naglakad na ako papunta sa classroom.

Tsh. I don't have time para isabi sa kanya ang gusto ni Khiena. Wala rin naman akong masyadong alam sa mga gusto niya.

Basta ang alam ko, ayaw niya ng nakakacringe. Mahilig siya sa chocolates at sa coke. Mahilig rin siya magbake at mahilig kumain ng mga cupcakes na may icing. 

"Then alam mo ba kung ano ang ideal guy niya?"

Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. 

"Oh? Bakit mo ako tiningnan?" tanong niya.

"Hindi ka pasado. You're not even her ideal guy" diretsong sabi ko.

Totoo naman na hindi siya papasa. Ang ideal guy kasi ni Khiena ay Matangkad, mabait, gwapo, protective, understanding, matalino, maalaga, hindi clingy, hindi tsismoso, hindi weird, marunong umintindi, hindi makulit, at higit sa lahat, yung marunong kumanta o mag gitara.

"A-ano?! Teka, paano mo nasabi na hindi ako papasa?"

Naupo ako sa upuan ko nang makarating na nga kami sa room. 

Kung ikukumpara nati si Josh sa ideal guy, siya ay makulit. At sa lahat ng gusto ni Khiena, isa lang ang meron siya. iyon ang pagiging matangkad niya. And the rest? Wala siya nun.

"Can you sing and play a guitar?" I asked. Hindi ko na lang isasabi sa kanya iyong ibang gusto ni Khiena. Tsh... Ni hindi ko nga siya gusto para kay Khiena.

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now