Chapter 36

27 2 0
                                    

Chapter 36

Khiena's Pov

Matapos ang sagutan namin ni Litch na naganap sa guidance office ay nabigyan muna kami ng punishment bago kami lumabas ng office.

Pagkalabas namin ay dumiretso si Litchiko sa student councils office at ako naman ay dumiretso sa room.

"Oh? Anong nangyari? Cheer up Khiena" iyan agad ang salubong sa akin ni Josh.

I smiled a little. "Pareho kaming nakareceive ng punishment ni Litch" sabi ko at naupo sa upuan ko.

"Khiena! Gorl" Sigaw ni Rosella papunta sa akin. 

Nang makalapit na siya ay kaagad na hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat. "Ano iyong nasa video?! totoo ba yun?! My gosh Khiena! Parang di kita nakilala! Paano at bakit mo nagawa yun?!" agad na tanong niya.

Dahan-dahan ko namang inalis ang kanyang kamay na nasa balikat ko. "You believed na ako nga yun?" tanong ko.

Umiling naman siya. "No. I was just asking"

"Oo ako talaga yung nasa video pero" pinalapit ko muna sa akin si Rosella para bumulong. "Pero hindi  naman ako ang tumulak sa kanya" 

"I knew it! Pero teka, bakit mo pa kailangan ibulong yun?"

Muli kong ibinulong ang sagot sa kanya. "Dahil kapag maraming nakarinig, isyu na naman yun na nagsisinungaling ako. Na ayaw kong aminin na itinulak ko si Litch"

"Eh? Aigoo... Anyway, si Joven ay hindi na muna raw makakapasok dahil nilalagnat"

"Oh? Anong nangyari?"

Nagkibit-balikat naman siya. "Ewan ko dun"

Narinig ko naman na bumulong sa sarili si Josh. "Buti naman para wala si asungot"

Natawa naman ako sa ibinulong niya. 

Humarap sa kanya si Rosella at ngumiti. "Hi Josh! Andito ka pala! Hehe"

Nanlaki naman ang mga ni Josh at kitang kita ko kung paano siya namula. "Ah h-hello"

Hmm.. May crush pa rin kaya siya kay Rosella? Pero ako na ang girlfriend niya ah?

Aish! Ano ba Khiena! Tandaan mo, girlfriend ka niya pero wala ka namang nararamdaman na kahit ano para sa kanya diba? Pag-aaralan mo pa lang?

Teka?! Pag-aaralan? Pag-aaralan ko ba talagang mahalin ang lalaking to? 

Dapat lang! Aish! Bakit ko ba kasi ito sinagot, kung wala naman pala akong nararamdaman para sa kanya?

Maling mali ka Khiena sa part na yun!

Pero....... Hindi naman mahirap matutunan na mahalin si Josh ah?

"Oh, dun na ako sa upuan ko girl ha? Kwento ka mamaya sa akin about dun" then pumunta na nga si Rose sa kanyang upuan.

Napatingin naman ako kay Joven na sinundan ng tingin si Rosella. 

"Crush mo pa rin kaibigan ko?" tanong ko.

Khiena?! Bakit mo tinanong?! Magmumukha kang selos na girlfriend!

Umiling naan sa akin si Josh at ngumiti. "Mamayang uwian, date tayo? I mean, gusto mo bang ilibre kita ng milktea?" tanong niya.

Umiling naman ako. "No thanks. At saka baka may makahalata na nagdedate tayo. Isa pa, ang mahal naman ng milktea" sabi ko.

"Eh? Ayaw mo nun? Kesa naman sa ilibre kita ng street foods eh pang mahirap lang yun. At for sure ayaw mo nun dahil baka iniisip mo na kadiri" sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Sinasabi ba niya na mayaman ako at maarte na hindi ko magugustuhan ang street foods?

"Anong iniisip mo? Na mayaman ako?" tanong ko.

"Bakit? Hindi ba?"

Mas napakunot ang noo ko. "Josh? Diba sinabi ko sayo na---" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Na mahirap ka. okay okay, fine edi mahirap ka" sabi niya pa..

Bakit parang hindi siya naniniwala?

"Anyway, kung ayaw mong ilibre kita mamayang uwian, edi ililibre na lang kita mamayang recess at lunch. Consider it as a date"

"Lunch? Sasabay ka sa akin?" tanong ko,

Umiling naman siya. "Baka kasi may makahalata kaya ililibre lang kita ng pagkain mo, kung gusto mo ay pati si Rosella na kasabay mong kumain ay ililibre ko na rin ng lunch"

Tumango naman ako sa kanya.


*****

"Salamat" sabi ko nang makabili na kami ng lunch.

Actually, nagpasalamat ako dahil nilibre niya kaming dalawa ni Rosella.

Ngumiti sa akin si Josh at ginulo pa ang aking buhok bago pumunta sa table nila ni Litchiko.

Naupo na rin kami ni Rosella at nagsimulang kumain.

Akala ko tahimik lang kaming kakain pero magdadaldal pa pala tong si Rose.

"Oh ano girl? Kamusta ang buhay may jowa?" tanong niya.

"Okay naman" walang gana na sabi ko.

"Hmm.. What do you think of Josh?" tanong niya at tiningnan ko lang siya. "I mean, ayos naman ba siyang maging boyfriend?"

Nilingon ko ang pwesto nila Josh bago ko sagutin ang tanong ni Rose.

"Ok lang rin. Mabait naman, pero may pagkakulit hehe" I said. "Hmm.. Ewan ko lang pero para sa akin ay medyo sweet naman na siya" dagdag ko pa.

Tumango naman siya at sumubo na muna.

Nang malunok na niya ang kinakain ay nagtanong ulit siya. "Eh yang puso mo? Kamusta?"

"Huh? Anong meron sa puso ko?"

Napatampal naman siya sa kanyang noo. "I mean, may nadedevelop naman bang kahit konting feelings lang?"

Kumunot naman ang noo ko at tumitig sa pagkain.

'Ano nga ba? May development ba?'

"H-hindi ko pa alam sa ngayon" sabi ko at tumingin ng diretso kay Rose. "Nagsisimula pa lang naman kami kaya okay lang. It might take time" sabi ko at ngumiti ng kaunti.

"So yung about sa video? Nag-inarte lang ba yung Litchiko na yun?"

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko alam"

I heard her sighed. "Hay naku naku! Sampalingun ko raw uyan si Litch. Diri mo man siya inuuno!" gigil na sabi ni Rosella.

Translation: Sampalin ko nga yan si Litch! hindi mo naman inaano!

"Kalimutan mo na yun. Kumain na lang tayo"

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now