Chapter 47

25 2 0
                                    

Chapter 47

Khiena's Pov

Naririto ako sa bahay ni tita Cindy dahil tinawagan niya ako.

Sinabi rin kasi niya na naandito raw si Erika at balak raw ni tita na magsimba at pumunta kami sa mall at bibilhan niya kami ng mga gamit.

Sabi ko nga ay silang dalawa nilang ni Erika ang pumunta sa mall coz its their bonding time but Erika also insisted that I should come.

Dito na rin muna ako matutulog at pumayag naman si nanay sa paalam ko. Nung una nga eh duda siya pero nang mapatunayan ko na si tita Cindy ang kausap ko, pumayag siya.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero bumalik na naman si nanay sa dati. Yung masamang nanay? Pero less pananakit naman ang ginagawa niya.

Hays.... Siguro, kung ibang tao ang nasa kalagayan ko?

Magrerebelde siguro sila at magagalit ng lubusan sa magulang. Pero ako? Eto. Nagtiyatiyaga. 

Mahal ko pa rin naman sila eh, kahit na ganun sila. Mahal na mahal ko sila na para bang tunay kong magulang.

Nga pala, mamayang ala singko ay aalis na muna ako panandalian sa bahay ni tita Cindy dahil nag-aya si Josh sa date.

Pumayag naman ako dahil bihira lang kami makapagdate, dahil nga hindi ako makapagpaalam kina nanay.

Ayos lang naman iyon kina tita at Erika. Basta raw ay hindi ako masyadong magpapagabi. At saka, ayos lang naman raw na hanggang alas siyete o alas otso na ako makauwi basta raw ay ligtas ako.

*Snap* "Oy!"

Nagulat naman ako nang magsnap si Erika.

"Daijobu desu ka?" she asked.

"Hai. Daijobu des" I said. Tumango naman siya sa akin.

"Naruhudo" sabi niya pa.

Tinuruan niya kasi ako nung basic japanese. Katulad nung sinabi niya kanina lang...

Ang ibig sabihin nun ay 'are you okay?' at ang sinagot ko naman ay 'yes, I am fine'. At iyon namang huli na sinabi niya ay 'I see'.

"Oh mga iha, heto na. Kumain na tayo ng almusal" nakangiting sabi ni tita at naupo sa upuan.

Naupo na rin kami ni Erika.

Nagsign of the cross kaming dalawa ni tita Cindy at si Erika naman ay ipinagdikit ang dalawa niyang palad at.. "itadakimasu" sabi niya bago nagsimulang kumain.

"I'm glad na magkakasama-sama tayong talo ngayon" nakangiting sabi ni tita.

Pareho naman kaming dalawa ni Erika na napangiti sa kanya.

'Pero mas matutuwa ka siguro tita kung buhay si kuya Alden'

"Hmm, tita, when we go to the mall, can we watch a movie on the cinemas?" nakangiting tanong ni Erika.

Tumango naman si Tita Cindy. "Sure. Why not?"

"Yey!" parang bata na sabi ni Erika. "And then let's go shopping" dagdag pa niya.

Silang dalawa lang ang nagkwekwentuhan habang ako ay tahimik na kumakain lang dito. Still thinking about the issue.

"Ikaw iha? Kamusta ka? Ayos naman ba ang pag-aaral mo?" tanong sa akin ni tita.

Ngumiti naman ako at saka tumango. "Yes tita"


*****

"Kawai!" agad na lumapit si Erika sa malaking stuff bear dito sa mall.

"Erika, you're not familiar in this place so don't go wandering around alone" paalala ni tita.

Katatapos lang naming manood ng sine at ngayon ay kakain na raw kami ng lunch.

"Ay naku, teka muna. Dito na muna kayo o di kaya ay maglibot libot muna kayo. May kailangan na muna akong puntahan" paalam ni tita.

Maglalakad na sana siya paalis nang pigilan ko muna siya. "Pwede naman ho namin kayong samahan ni Erika" sabi ko.

Umiling naman siya. "Tawagan mo na lang ako o ako ang tatawag sa inyo. Maglibot libot na muna kayo ni Erika" nakangiting sabi niya at umalis na.

Lumapit naman ako kay Erika na tumitingin tingin sa mga stuff toy. "Erika, let's go wander around" I said.

"huh? Where's auntie?" she asked.

"Ah, may bibilhin na muna raw siya and she gave us the time to wander around the mall" I explained.

"Oh? Hontouni?"

Translation: Really?

"Hai"

Translation: Yes.

Naglibot-libot naman kami ni Erika sa mall.

Bumili kami yogurt, at inilibre niya pa ako ng dalawang pocket book. "I think this is too much for me Erika" I said.

"Huh? Nande?"

Translation: Why?

"I mean, doon pa lang sa bahay, binigyan mo na ako nung manga series ba yun? Yung kimetsu no yaiba at bungou stray dogs. Tapos kanina, nilibre mo ako ng yogurt at ice cream. Tapos ngayon? Nilibre mo na naman ako ng dalawang libro" I explained.

Ngumiti naman siya sa akin. "I don't mind naman eh. At saka, you're my friend so I'll treat you whenever I want"

"Khiena?" napalingon naman kami ni Erika sa likod ko nang may bumanggit sa pangalan ko.

"Oh Joven! Rosella! Kayo pala" sabi ko. Tumingin naman ako sa isa pang kasama nila at ngumiti ako. "Hi Andrew" bati ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Hi Khiena"

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito at sino yang kasama mo?" nakangiting tanong ni Rosella.

Nilingon ko naman si Erika na kasalukuyang nakangiti habang tumitingin sa mga barbies. "Kawai! I want one"

Uhmmm is she a little childish?

"She's Erika. Tita Cindy's niece" I said.

Tumango naman sila at tinawag ko si Erika.

Lumapit naman siya sa amin at ang weird ng paglalakad niya. Actually, she was skipping when she came near to us.

What is she? A kid?

"Oh my, I didn't know you have a friend prince, Khiena" sabi ni Erika at tumingin pa kay Joven.

She smiled like a kid. Inilahad niya pa ang kanyang kamay. "I'm Erika. Please make me your princess, my prince"

Kunumot ang aking noo nang pambatang tono ang ginamit ni Erika nang magsalita siya.

Nakipagkamay naman si Joven sa kanya. "I'm taken---este Joven"

Taken? Eh single yan si Joven ah! Hmm.. I guess he's just not interested.

Erika raised her brows. "Nice to meet you Joven. Can we be friends? That's a yes for me so give me your number"

Kinunotan ko ng noo si Erika nang sabihin niya yun. She was a little bossy.

Joven chuckled pero binigay naman niya ang number niya kay Erika.

"Oh nandito pala kayo. Joven. Rosella? At----" tiningnan ni tita si Andrew.

"I'm Andrew po. Rosella's boyfriend"

Napatingin naman kami kay Erika nang bigla siyang tumawa. "So he's not taken"

"Erika" saway ko.

Ngumiti naman siya sa akin. "Let's have lunch na. I'm so hungry na eh. Oh, sumabay na kayo sa amin" pag aya niya sa mga kaibigan ko.

Tita agreed to that idea and she also insisted na sumabay na sila sa amin.

So they did.

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now