Chapter 57

25 2 0
                                    

Chapter 57

Khiena's Pov

Naririto kaming lahat sa beach dahil hapon ngayon. At ang schedule kasi namin ay retreat mismo or discussion sa umaga at sa hapon naman ay mag-eenjoy kami sa resort.

For relaxation rin daw kasi talaga ang purpose ng retreat na to. Kailangan rin kasi namin pagpahingahin ang aming mga utak.

Nakasuot ako ng fit black spaghetti straps at shorts lang.

Nandito lang ako nakaupo sa buhangin at yakap yakap ko ang tuhod ko. Tinitingnan ko lang rin ang mga kaklase kong nagswiswimming sa dagat.

"How lonely you must be" di ko siya pinansin. Bahala siya jan.

"Hindi ka ba magswiswimming Khiena? Or hindi ka marunong lumangoy?" nakangising tanong niya.

"None of you business Litch" tamad na sabi ko.

"Nasaan yung boyfriend mo? Nasaan rin sina Joven at Rosella?"

I rolled my eyes. "Nandun si Josh sa kubo, busy sa pagcecellphone, at yung dalawa naman eh may kinuha lang. Babalik rin naman agad"

"Wanna swim?"

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong nakain mo at parang bumait ka ng konti?"

Tumawa naman siya. "Wala lang. Maybe I just want to cheer you up?"

"Does bothering me helps me cheer up?"

"Oh come on Khiena. Let's go in the water!" ngumiti siya at hinila ako papunta sa dagat.

Tch. 

"Swim tayo. Duon tayo sa medyo malalim" sabi niya.

"Hindi ako masyadong marunong lumangoy" sabi ko.

"Eh? Ih basta! Hindi naman tayo pupunta sa pinakamalalim" She said at pumunta kami sa part na hanggang dibdib ang tubig.

"Anyway, ano pala yung nakasulat sa papel na ibinigay sayo ni Josh?" she asked.

Pano niya nalaman na may binigay na papel si Josh?

"I saw it earlier nung tinitingnan mo yung laman nung paper bag na bigay sayo ni Josh" she explained. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

Inalala ko naman kung ano iyong nakasulat sa tula.

Flashback

Nang pumunta kami sa room naming mga babae nang matapos ang lunch break, doon ko na binasa ang nakasulat sa papel.

It was a poem he wrote.

Do I need to compliment you
When you already know?
You're a beauty in my eyes,
You're on my mind wherever I go.
Your voice is like an angel,
On the brightest of days.
You are my starlight,
That keeps me on the right way.

-Hector

P.s: Hector is like my codename. I love you

End of flashback

"Ah wala naman" sabi ko na lang.

Nagkibit balikat naman siya at lumangoy langoy.

Ako naman ay naririto lang, nakatayo habang nakatingin sa tubig.

I want to spend more time with Josh pero busy siya sa cellphone niya. Baka may binabasa siyang story na nakakuha ng atensyon niya kaya ganun? I don't know.

"Khiena!" lumingon ako sa likod at nakita ko si Rose na kumakaway sa akin. Hindi pa siya lumulusong sa tubig.

Lalangoy na sana ako paalis dito sa pwesto ko at lalapit ako kay Rose nang may humila sa paa ko kaya napailalim ako.

"Hmm" ginalaw galaw ko ang aking paa para makabitaw siya sa akin.

Nakaahon ako panandalian at nakahinga ng kaunti. "Hmm! Litch! Stop dragging me---Hmmp brubrurbru"

Kinabahan ako dahil hindi siya bumibitaw sa paa ko at nakakapunta na kami sa malalim talaga na part.

I can't swim at hindi ko na rin maabot ang sand sa ilalim kaya nahihirapan akong umahon.

I raised my hand at kumaway kaway.

"H-help!" I screamed.

Napapagod na ako. Bigla namang umahon si Litch at napayakap sa may leeg ko.

"Hmmm----Litch! *cough* wag kang kumapit! Di ako marunong brubrurbur lumangoy! Bitaw! brubrurb" pilit kong tinatanggal at kapit ni Litch dahil malulunod na talaga ako kapag di siya bumitaw.

"Aaaahhh! Help! Ahhh!" sigaw ni Litch.

Malikot siya at ako naman ay umiilalim sa tubig dahil ang bigat niya.

"Alis!" sigaw ko at nakabitaw naman sa akin si Litch. Pagkabitaw rin niya ay nagkaron pa ako ng cramps.

"Shit--Brubrurbrurbu" tuluyan na akong lumubog sa tubig.

Argh! Bakit ngayon pa?!

Hindi ako makaahon dahil sa cramps. Nawawalan na rin ako ng hininga.

Then I felt an arm on my waist at nakaahon na ako.

*Cough cough* Joven is carrying me. Inihilig ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at naghabol ng hininga.

"Are you okay?"

"Hmm. Thanks" sabi ko.

Napatingin naman ako sa unahan at nakita ko si Josh na buhat buhat si Litch na walang malay.

Nalungkot ako dahil dun.

Josh is my boyfriend so bakit si Litch ang niligtas niya at hindi ako?

Ibinaba naman ako ni Joven nang makarating na kami sa tabing dagat.

Pinalibutan naman ng halos lahat ng kaklase namin si Litch at Josh.

Ihiniga ni Josh si Litch sa buhangin at napaubo naman si Litch. "Thank goodness you're alright" rinig kong sabi ni Josh.

"Khiena! Omg gorl! Buti okay ka lang!" sabi ni Rose at niyakap ako.

"Look. Its her fault. You saw that too right? She pushed Litchiko away" at ayan na naman.. Nagsimula na naman ang bulungan.

"Take Litchiko to the girls room. Nanghihina pa siya" sabi ni Josh sa ibang kaklase naming lalaki kaya binuhat nila si Litch paalis dito.

Ramdam ko ang masasamang tingin sa akin.

Lumapit si Josh sa akin at marahas na hinawakan ako sa aking braso.

"Aray Josh!"

"What were you thinking?!"

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now