Chapter 19

32 3 0
                                    

Chapter 19

Nagising ako nang makarinig nang malakas na dabog at sigaw.

Agad na lumabas ako ng kwarto at pagkalabas ko ay nakita ko si nanay na nakaupo sa sahig habang nakayakap ang aking kapatid.

"Buo! Buong pera sinisingil ko! Anong gagawin ko sa 1000 na to?! 15k ang utang ninyo!"

"Yan pa lang ang kaya ko---" sasampalin na sana ni Aling Jean si nanay nang humarang ako at ako ang nasampal.

"Ayan! Yan napapala mong bata ka! Umalis ka nga sa harap ko!" sigaw ni aling Jean.

"Ako. Ako magbabayad"

Ipinagkrus niya ang kanyang braso. "Ah talaga? Kaya mo ba akong bayaran ngayon din?"

Tumango ako sa kanya. "Teka lang" tumakbo ako papunta sa kwarto at binuksan ang kabinet. Hinalungkat ko roon ang tinatago kong 15k rin. "Pasensya na. Mag-iipon na lang ulit ako" sabi ko at pumunta na sa sala.

Ibinigay ko kay Aling Jean ang pera. Agad na kinuha niya iyon at binilang. "Hmp! Pasalamat ka Teresita dahil may pambayad ang anak niyo!" sabi pa niya at umalis na.

Lumapit ako kay nanay at tinulungan siyang tumayo. "Ayos lang po ba kayo?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, tinitigan niya lang mukha ko. "Namumula ang pisngi mo. May trabaho ka pa diba? Umalis ka na sa harap ko at maghanda ka na para sa trabaho mo"

6:15 pa lang at ang aga aga namang maningil ni Aling Jean.

Pumunta na ako sa kwarto at naghanda na.


*****

"Ellie, limang order ng pancakes" sabi ko kay Ellie na nasa kusina.

"Are you okay? You look worried" asked Joven. I looked at him straight into his eyes. "I'm fine, don't worry" though I know I'm not.

Pinoproblema ko talaga kung makakaya ko pa bang mag-ipon ng pera ngayon. Yes, may trabaho naman na ako pero tuwing weekends lang iyon. Malaki naman ang sahod pero kulang parin yun. 

Ang dami dami rin kasi ng utang nila nanay.

"Uhm, two cupcakes please and 2 americano" sabi ng lalaking customer. "Okay sir" napaangat naman ako ng tingin sa kasama ng lalaki dahil si Andrew iyon. 

"Hi Khiena, hi Joven" nakangiting bati nito. Tumango lang ako sa kanya at si Joven naman ay hindi siya pinansin.

"Sayang, ayaw magtrabaho ni Rosella" sabi ko sa kanya. 

Napakamot naman siya sa kanyang ulo. "Hehe. Okay lang, anyway ihahatid ko lang naman tong kaibigan ko eh" Inilagay ko na sa tray ang order nila at binigay iyon sa kanila. 

Kinuha na ng kasama ni Andrew and tray at pumunta na sa table nila. "He's going back to the city" bulong ni Andrew sa akin. Tumango naman ako. Tumalikod na siya at tinawag niya pa ang pangalan ng kasama niya. "Isaac tol!"

"You know him?" tanong ni Joven nang makaalis na si Andrew sa harap namin. I nodded. "I met him nung nagdeliver ako ng cupcakes sa kanila. And nagkakilala na kayo nung nasa court diba?" tumango naman siya.

"I don't like him for Rosella"

"Selos?" tanong ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya at umiling sa akin. "What?! Of course not! sadyang stranger pa rin siya sa atin. I care for our friend, And may iba naman akong gusto"

"Oh? Sino?"

Ngumiti naman siya sa akin at hindi na sumagot. Kumunot naman ang noo ko. 

Sino naman kaya ang crush niya? Hula ko, may alam duon si Rosella kung sino crush niya. Pero bakit ako? Hindi ko alam! Bakit ayaw niyang ipaalam? Ang daya!

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now