Chapter 54

27 2 0
                                    

Chapter 54

Khiena's Pov

Its friday and it is time for our retreat!

Kahapon ay walang pasok at may date kami nung umaga ni Josh diba?

I missed him so much kaya masaya ako dahil nakasama ko siya! Pero.....

Medyo nalungkot ako dahil lagi siyang nakatutok sa cellphone niya. Ewan ko ba kung anong meron sa cellphone na yun!

Ngumingiti ngiti siya sa akin pero iba ang ngiti niya sa tuwing nakatutok siya sa kanyang cellphone.

Hinayaan ko na lang siya.

After nung date namin ay dumiretso naman ako sa trabaho ko. Sa cafe. I thought everything would go peaceful pero nagkakamali ako.

Sinermonan ako ni Joven kahapon pagkapasok ko.

Bakit raw ako umalis sa bahay nila? Bakit raw ako pumasok sa trabaho kahapon? Bakit raw ang tigas ng ulo ko? Bakit ko raw pinahihirapan sarili ko? Dahil imbes na magpahinga ay pumasok pa ako sa trabaho.

Tch. Eh sa kailangan ko nga ng pera!

Kung hindi niya ako niligtas, sana wala siyang poproblemahin dahil lang sa tigas ng ulo ko. Kung di niya ko niligtas, wala na rin sana akong poproblemahin!

"I hope you're feeling better now. Kung may mangyari man sayo, its not my fault. Tigas ba naman ng ulo mo" malamig na sabi sa akin ni Joven at naupo sa likod.

Nasa bus na kasi kami ngayon at dalawahan lang upuan. Nasa may bintana ako at akala ko ay tatabi sa akin si Joven o di kaya ay si Rosella pero hindi.

Silang dalawa ang magkatabi. Hilahin ba naman ni Joven si Rose sa tabi niya.

Kaya ang katabi ko ngayon? Walang iba kundi ang boyfriend kong si Josh.

Ngumiti siya sa akin. "Hi Khiena? Musta?" he asked.

I smiled back. "Ok lang"

He then intertwinned our hands.

Kinilig naman ako sa ginawa niya. "I don't know why but it felt like ilang buwan tayong hindi nagkasama" mahinang sabi niya.

'Busy ka eh. Busy sa phone'

"Yeah.. I missed you" sabi ko.

He pat my head using his other arm. "I missed you too"

"Anyway, after this retreat, exam na naman" sabi pa ni Josh. "Nakapagreview ka naman ba?" tanong niya.

Oo nga pala! Hindi pa ako nakapagreview!

Sa sunday uwi namin galing retreat tapos sa monday ay semifinals na namin!

Tiyak na mahihirapan ako nito! Pero kakayanin!

Dapat lang!

"Oo naman" I lied.

"Buti naman kung ganon" he said at napatingin sa kamay ko. "I'm glad na sinusuot mo ang bracelet na yan"

Napatingin rin ako sa bracelet na binigay niya sa akin. Iyon kasi ang sinuot ko. "I find it special dahil bigay mo to sa akin. Kaya sinusuot ko" ngiting sabi ko.

"Ok class, kumpleto na tayo, we'll be on our way now" sabi ng aming guro. Di rin nagtagal ay umandar na ang bus.

*Yawn* "I can lend you a shoulder if you want to sleep" sabi ni Josh at tinap pa ang kanyang balikat.

Tumango naman ako sa kanya. "Thanks" I said as I leaned my head onto his shoulder and suddenly, I fell asleep"


*****
Josh's Pov

Napangiti ako nang makitang tulog na tulog si Khiena habang nakahiling ang ulo sa aking balikat.

She's peacefully sleeping huh? Parang pagod na pagod nga ang itsura niya.

I wonder, if she's really okay?

I think, I saw in her eyes that she's really tired and in pain. Well, I don't know and I am not sure if she's really okay.

Hinawi ko ang kanyang buhok na tumatakip sa mukha niya at isinuksok sa may tenga niya. 'Cute'

Napakunot naman ang aking noo nang makita kong may sugat si Khiena sa kanyang kamay.

Dahan dahan kong iniangat ang kamay niya at itinaas ang sleeves ng jacket niya. 'The heck?! Bakit ang dami ng sugat niya dito?! What happened?!'

"Hmmm" napatingin ako kay Khiena na tulog pa rin.

*Sigh* "Anong nangyari sa kamay mo Khiena?"


*****

Nagising ako nang masilaw ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas.

Napatingin ako sa girlfriend kong tulog pa rin hanggang ngayon.

She must be really tired huh?

"Class, malapit na tayo. In 5 minutes, we'll be there already" sabi ng aming guro.

Mamaya ko na lang siguro gigisingin tong si Khiena.

Di rin nagtagal ay nakarating na kami kaya naman ay dahan dahan kong tinapik sa pisngi si Khiena para magising.

"Hmm?" umayos siya ng upo at napahikab pa.

"We're here" nakangiting sabi ko.

Kinusot naman niya ang kanyang mga mata at tumingin sa labas.

Pagkatingin namin sa labas ay kitang kita kaagad ang dagat. Ang ganda ng dagat!

"Ang ganda ng dagat" nakangiting sabi ni Khiena.

Napangiti naman ako sa kanya. "Mas maganda ka"

Nakita ko naman kung paano namula ang pisngi niya kaya natawa ako ng kaunti.

'Cute'

"Okay class, get your things at bababa na tayo"

Kinuha ko ang gamit namin ni Khiena at bumaba na. "Akin na yang gamit ko Josh" sabi niya at kinukuha ang bag niya na hawak ko.

Inilayo ko naman iyon sa kanya. "Ako na bahala"

Umiling naman siya. "May kamay naman ako. At saka boyfriend kita, hindi katulong" sabi pa niya.

Ngumuso naman siya and I found it cute.

Napabuntong hininga na lang ako at ibinigay sa kanya ang bag niya.

"Tch. Don't make a scene here Khiena" rinig kong sabi ni Litchiko kay Khiena habang pababa ng bus.

'Sigh. Sana naman maging payapa ang retreat na to. No issues sana. I want Khiena to be relaxed while we're having our retreat'

Lumapit ako kay Khiena at hinawakan ang kamay niya. I intertwinned our fingers at mas humigpit ang hawak ko sa kanya nang may maalala ako.

Humarap ako sa kanya. "What happened to your arm?" I asked.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa gulat.

"N-Nothing" she said.

Kumunot naman ang aking noo.

"Are you hiding something from me?"

Lament of HeartsWhere stories live. Discover now