04

165 37 5
                                    

Halt

From: Cy

Bilisan mo naman diyan, bagot na bagot na ko dito.

I rolled my eyes when I read Cy's text message, hindi ko talaga alam kung bakit lagi akong pinapamadali ng lalaking yon, atat na atat kala mo may humahabol sakanya. Ang aga aga pa naman kala mo may flight o may lakad na importante.

It was a typical Sunday morning, Miggy invited me and Cyrus to come to their gym kasi opening na bukas at gusto niya raw na kami unang gagamit ng equipments doon bago ang iba kaya pumayag nalang kami ni Cy besides, wala din naman akong gagawin ngayong umaga and besides I wanna be physically active again.

Nagtake muna ako ng mirror shots bago ako bumaba at inadd sa story ko. I usually don't add in my stories but I feel like adding one because I have a great body figure at one of the photo I took. pagkaraan ng ilang minuto Vino replied to my story na siya namang kinataka ko.

@veeno_ : fat

I just let out a sigh and left his message on seen, umagang umaga mabwibwiset ako kaya pinili ko nalang huwag pansinin, I was just wearing a gray leggings, black sports bra, and a nike rubber shoes, dala dala ko naman sa kabilang balikat ko ang training bag na naglalaman ng pamalit ko after mag gym.

"Yaya, you can eat the breakfast nalang, I'll be back before lunch." Tumango naman ang isa naming housekeeper at ngumiti.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay agad na bumungad sakin ang mukha ni Cyrus na animong pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha. "Ginagawa mo diyan?" tanong ko at tinulak siya

"Wow nanunulak ikaw kaya itulak ko." bakas ang pagka inis sa boses ni Cyrus kaya naman natawa ako ng mahina "Ba't ba kasi ang tagal mo?" He asked, watching me enter his car.

I turned around and looked at him. "Sino ba kasing nagsabing magpunta ka ng alas singko dito? di ka naman siguro atat na makita ako?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Ikaw nga pasundo pa eh, wala kang sasakyan?"

I bit the insides of my cheek to stop myself from laughing, alam ko namang may kasalanan ako pero kasi duh ang aga niya kayang magpunta sabi ko agahan niya lang ng konti hindi agahan ng punta, may difference kaya yun.

Pumasok nalang ako ng sasakyan niya para hindi na kami magbangayan pa sa tapat ng bahay, It's almost 6 in the morning and I'm sure tulog pa mga kapitbahay namin, baka batuhin pa kami ng kaldero ni Cyrus kapag nag sigawan pa kami sa labas

"Did you finish your report?" Cy asked and started the engine "sa UCSP."

Napapikit ako ng maalala kong wala pa pala akong nasisimulan na kahit isang slide para sa presentation ko bukas "I haven't started a single slide yet."

"Ay sayang, papagawa din sana ako sayo eh."

"Wala ka bang kamay?"

"Obvious ba?"

Biglang nanlaki ang mata ko nang marealize kong hindi pala siya nakahawak sa manibela "Gago ka ba? May balak ka bang patayin ako?"

He laughed "OA."

I just glared at him and looked at the window, I should attract more positivity than argue with him. Hindi naging ganon katagal ang pagpunta namin sa gym nila Miggy dahil wala pang masyadong sasakyan at tao sa labas, nauna na ding bumaba si Cyrus dahil bibili pa raw siya ng bottled water.

I retouched myself and texted Miggy before I entered the gym to let him know we arrived. Wala pang tao sa may front desk dahil hindi pa naman talaga opening ng gym nila, nagtungo muna ako sa locker room para ibaba ang gamit ko at makapag ayos rin ng sarili.

Running After The Dusk Where stories live. Discover now