19

64 4 0
                                    

Halt

"Bilisan mo naman!"

Inis kong binuksan ang gate at pinasadahan ng masamang tingin si Cyrus. Today is Friday, Cy dropped something near our house kaya naman sinundo niya na din ako. Hindi ko naman siya pinilit na sunduin ako tapos bibigla siya dito. Plus, kaya ko namang magdrive. Hindi ko ba alam kung anong nakain niya at naisip niyang sunduin ako.

"Can you freaking wait, Cyrus Justin?"

"Anong freaking wait e kanina pa ko dito?" Nakabusangot ang mukha niya. "Tignan mo nga kung anong oras na! Daig mo pa si mama nung naglabor e."

Pinagsalubong ko ang kilay ko at tinapunan siya ng matalim na tingin.

"Bakit mo ko igagaya kay tita? Nag labor ba ko?" I placed my hair to the other side and opened the door of his car. Pagkaupo na pagkaupo ko sa shotgun seat ay inihilig ko ang likuran ko sa upuan.

Nakita ko namang nag make face pa siya sa windshield kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Yeah right, dapat hindi nalang ako sumabay sakanya. He would just spend the whole time teasing the hell out of me.

"Anong oras na?" Cyrus asked as he started the engine.

"Anong silbi ng relo mo kung di mo titignan?"

He giggled, making me feel more annoyed. "Bakit ba parang gigil na gigil ka ngayong umaga?"

Nilipat ko ang tingin ko sa bintana at itinuon na lang ang pansin doon. Mas maganda pang panuorin ang mga taong naglalakad at mga sasakyan sa labas kaysa makipagbangayan kay Cyrus. Dapat pala nagmeditate muna ako kanina bago ako bumaba para kalmado at hindi magulo ang isip ko ngayon.

What happened last night still confuse me. I don't know why he suddenly told me that he will do everything to stay. Pakiramdam ko tuloy ay naguilty siya nang hindi niya ako kausapin ng ilang linggo. Sabagay, he should be naman talaga.

"Hindi ba dapat masaya ka?" His voice sounds playful. I furrowed my brows and gave him a questioned look.

"Paano ako magiging masaya kung mukha mo agad bumungad sa akin?"

"Alam mo ang sama mo talaga." He pointed me while his eyes are still on the road. Dinuro duro niya ako hanggang sa matamaan ang pisngi ko.

"Aray!" I was about to push him but he quickly avoided my arms. He even mocked me, telling that I'm stupid.

This is probably one of the reason why I hate being in one place together with him or even the boys. Tulad ng nangyayari ngayon. Sa halip na makapagpahinga ako ng ilang minuto dito sa sasakyan niya, mas umiinit at kumukulo lang ang dugo ko.

Sometimes I wonder how did I endure those years with them. It's like I'm having a free trial on what hell feels like. sigh.

"Galit na galit pero nasa story naman kagabi."

My cheeks heated when I remembered the story of Vino on Instagram last night. It was just a picture of the moon pero sa gilid nun ay ako na nakatalikod. He's really good at sneaking pictures. Ni hindi ko nga matandaan kung anong part ng scene ang tumalikod ako sakanya.

"Ikaw nga din umuusok na ilong mo sa galit nung nandito siya, tapos malalaman ko you guys are okay naman pala?" I arched a brow. "Pinaglololoko niyo ba ko?"

"Nag heart to heart talk kasi kami nung nag walk out ka." He uttered, laughing midway. "Ayon naliwanagan naman ako ng slight."

"Whatever." My eyes rolled as I got out of his car. I even heard him cackled when he got down kaya naman mas lalo pa kong nainis dahil ang tawa niya ay pang asar talaga.

Running After The Dusk Where stories live. Discover now