08

125 36 4
                                    

Halt


Halos isang linggo na rin ang nakalipas nang huli kaming nagkita ni Vino, I became busy the whole week dahil tinapos ko ang requirements ko ngayong 1st sem. Hassle kasi kung tatapusin ko pa after ng district dahil paniguradong ang mga makakasabay ko mag accomplish ng requirements ay mga players.

Same with Vino, naging busy siya dahil sunod sunod ang training niya. Kahit weekends din pumupunta siya ng Olfato. Nakakapagtaka lang talaga na kahit hectic ang schedule niya nakuha niya pang tumawag at mag update, minsan rin ay nagmemessage siya sa lahat ng social media accounts ko para lang mang asar.

One time nga doon pa siya nagmessage sa shopee account ko dahil di ko sineseen mga texts niya, mukhang tanga lang e.


There's only a week preparation for the District. Normal nang maging busy lahat ng estudyante especially the committee. Mostly kasi kapag may nga meet na nagaganap sa school, student board ang kumikilos. So ang tendency halos lahat ng estudyante, nagdedecorate ng interior sa school.


Nalungkot tuloy ako ng kaunti dahil halos isang linggo ko na ding hindi nakakasama si Miggy at Cyrus, tuwing papasok at uuwi si Andrei nalang lagi nakakasama ko. It's not that I hate being with Andrei or nadadry ako pag kasama kami, iba lang talaga yung vibe kapag magkakasama kaming apat. Isn't it frustrating? Ayaw kong inaasar nila ako at nararamdaman ang presensya nila pero pag wala naman sila, hahanapin ko naman.

"May tune up raw dito mamaya." Napa angat ang tingin ko kay Andrei, kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon dahil halos lahat ng tao busy sa classroom.

"What school?" Normal na ring magkaroon ng tune up dito sa school since lagi naman Chev ang pinipili ng ibang school makipaglaban sa basketball.


(Tune up is a friendly game by two schools, usually happened before District Meet where in both schools test their strength in a specific game.)


"Not sure." Nagkibit balikat siya. "Namimili pa raw between Olfato and Mahatan."

Nanlaki ang mata ko at nabitawan ang kutsara sa sopas na kinakain ko. So if Olfato's gonna play here makikita ko si Vino? No no no, ayaw ko. My day might get ruined if I see him once again. Sa chats nga sirang sira na araw ko what more pa kaya pag sa personal na uli siya nang asar.

"Excited ka no?" Pang aasar ni Andrei.

"Bakit ako maeexcite?" My brows furrowed as I sip on my sopas again.

"Makikita mo si Vino." Halos mabulunan ako nang mabanggit niya ang pangalan ni Vino. Nakakunot ang noo kong nakatingin sakanya. Seriously pati ba naman si Andrei nahawaan na ng Vino Virus?

"Ew? you really think I want to see him?"


"Yeah?" Natatawa niyang sagot. "I heard you came all the way to Olfato just to see him."


What? "Where the hell did that came from?"


"Kleo told me." Sagot niya habang nakapahalumbaba. Pinaglalaruan niya ang kutsarang nakahalay sa taas ng mangkok.


I closed my eyes in frustration and pulled my hair. Kahit kailan talaga si Kleo hindi magawang itahimik ang bibig. That's really one of the main reason why going to Olfato isn't a good thing lalo na at maraming matang nakabantay saming dalawa.


"What exactly did she tell you?" I swear, Kleo is such a loud mouth. That wss supposed to be a secret.


Running After The Dusk Where stories live. Discover now