13

93 12 2
                                    

Halt

"Sinong kalaban niyo sa next game?"

Today is the second day of District. Maaga akong nagpasundo kay Cy dahil nagyaya sila Miggy manood ng Volleyball Girls sa Rio High. Nagtaka nga ako dahil kahit kailan naman ay hindi sila naging interesado manood ng ibang laro tapos bigla silang magyayaya.

Mabuti nalang at wala silang schedule ng game ngayong umaga dahil nakafocus ang committee sa volleyball at football ngayon. No wonder why they're up for watching other game, pero kahit na– nakakapanibago talaga.

"Olfato. Win to win na e."

Binaba ko ang cellphone ko at lumimgon sakanya.

"Really? What time?"

Palihim siyang tumawa.

"Hapon pa." He glanced at me. "Chev ang susuportahan hindi Olfato ha?"

"Duh? Asa namang suportahan ko yun." Binalik ko ang mata ko sa pag scroll ng twitter feed ko.

"Kaya pala may pa good luck pa kahapon sa court ha."

Uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang buong pangyayari kahapon. It's a relief that after those shameless scenes yesterday ay walang nagtangkang humila ng buhok ko pagkauwian. He doesn’t really care about what others will say and what might happen dahil talagang pinangatawanan niya yung pagsabi ng my girl kahapon.

Of course I just said good luck that time para makaalis na ko sa harapan niya, hindi ko naman ginustong gawin yun no!

"Panalo tuloy sila." He added.

Umiling ako. "Magaling lang talaga siya."

Pinangsingkitan niya ako ng mata. "Siya?"

"I-I mean sila." Nauutal kong sagot. "Magaling sila."

Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa bintana. Bakit ba lagi nalang akong nadudulas everytime na kasama ko sila Cy? Naisip ko tuloy baka sinasadya na ng kalikasan malaman ng buong mundo ang feelings ko. Pero No! I won't let that happen lalo na ngayon na hindi pa ako sure kung totoo ba talaga nararamdaman ni Vino sakin. Kahit alam kong nadedevelop yung small crush ko saknaya hinding hindi ko isusubo ang katotohanan sakanila.

I can trust that fast. Kahit sabihing dalawang beses na siyang nagtapat di pa rin ako maniniwala, baka nga trip lang ako asarin nun. Gosh! I hate being played pa naman.

"Galingan mo namang tumanggi next time, yung di halata."  Itinaas niya ang brake ng sasakyan nang makapag park na kami. Lumihis siya ng isang mapanuksong ngiti bago lumabas ng sasakyan.

I glared at him as we got down.

My eyes roamed all around the school. Hindi naman ito ganon kalaki at hindi rin ganon kaliit. Pinapalibutan ng classrooms ang buong school kaya naman kapag umikot ka ng 360 degrees ay para mo na ring nilibot ang buong paaralan. The interiors screamed the Municipal style dahil sa pintura nitong kulay puti at magagarbong poste.

There are kiosks on every corner of the school, pero unlike sa Chev, gawa yun sa pawid at talaga namang mahangin kung tatambay ka roon.

Nagtaka ako nang pumasok si Cyrus sa isang makitid na daan, nahagip pa ng mata ko ang canteen nila sa gilid kaya medyo nagutom ako. Pero I have no time to get hungry, baka pag sumaglit ako ng kain iwan naman ako ni Cyrus.

"Where are you going?" I whispered, holding the hem of his shirt. The pathway was too narrow pero kitang kita naman ang liwanag na nanggagaling sa pinakadulong parte ng daanan. It was creepy since the sides of the way aren't painted. Tanging mga hollow blocks lang ang naroon at kaunting sapot ng mga gagamba.

Running After The Dusk Where stories live. Discover now