40

46 2 0
                                    

Halt


Naunang pumasok si Andrei sa kinaroroonan ng pasyente. Nanatili pa rin akong nakatanga habang paulit ulit na binabasa ang pangalan sa board. Sa ilalim nun ay ang mga taong bumisita sakanya simula nung una siyang dalhin sa ospital. I noticed that Vino's name never missed a day na hindi niya binibisita si Leiane. Bumuga muna ako ng isang malalim na hininga bago ko pinasok ang kwarto.








Unang bumungad sakin ang isang couch na kasya ang tatlong tao. Sa bawat hakbang ng paa ko ay mas kinakabahan ako sa anong mangyayari. I was taken a back when my eyes spotted Leiane on the bed, halos manlumo ako nang makita ko siyang hinang hina ang katawan. May iba't ibang equipments na nakakakabit sa katawan niya, nakamonitor rin ang paglakas o paghina ng tibok ng puso niya. I was about to leave but Leiane's eyes met mine kaya napako ako sa kintatayuan ko. She did a little smile before gesturing me to come over.








"I'll leave both of you first." Andrei placed down the fruits near the bed. Tumango si Leiane bago niya panooring umalis si Andrei. As soon as he left, Leiane exhaled a large amount of air before shifting her gaze to me.







Nabalot ng katahimikan ang buong atmospera, walang kahit isa ang naglakas ng loob para magsalita. I was blocked by dozen of thoughts dahil bukod sa wala akong ideya kung bakit gusto niya akong kausapin kinakain rin ng konsenysa ang buong katawan ko matapos siyang makitang nakahiga sa kama. The flashacks came in to my mind including what happened yesterday. Tanging awa ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan siya.









"You're pitying me in your mind, don't you?" Umiwas ako ng tingin at tumanggi. I heard her let out a silent laugh before taking a sigh.









"How long have you been confined here?" I tried to keep my voice in a formal tone and roam my eyes around the room. Malaki ito kumpara sa mga normal na kwarto sa mga naunang floor, pansin ko rin ang picture frame kung saan nakalagay ang litrato nilang dalawa ni Vino. I bit my lips when I felt a slight pain in my chest.








"Mag iisang buwan na siguro." She said, scratching both of her nails. Halata sakanya ang pagod dahil sa daming gamot na pumapasok sa loob ng katawan niya pero lumilitaw pa rin ang pagiging mukhang anghel sa kanyang mukha. "I'm sorry I had to call you here without telling the reason why." Her voice became softer.









Umiling ako. "Mind telling me why?" Itinuro ko ang mga equipments na nakakabit sakanya.










She smiled. "Heart disease."







I saw how a lock of tears suddenly appeared on the side of her eyes, hindi ko alam kung dala ba yun ng paghihirap niya o dahil may nais siyang sabihin sakin. Bumuntong hininga ako bago ilahad ang panyo sa kandungan niya, tinanggap niya naman ito at pinunas sa mga mata.










"I'm sorry.." Her voice cracked. "I lived my life holding on to Vino. He was there for me when the world was hating me, siya na lang ang natira sakin matapos ang lahat. Halt, I could never imagine my life living without him."







Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang tumulo galling sa mga mata ko. I quietly exhaled a large amount of air and listened to her. It hurts seeing her in this kind of condition, nasasaktan ako kasi sa lahat ng taong pwede niyang kailanganin, yung taong mahal ko pa.





Running After The Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon