28

56 3 0
                                    

Halt

Wala na bang ibibilis yan?"

Mabilisan kung nginuya ang bubblegum na nasa bibig ko. I gave Andrei a soft glare before spitting the gum out. Paano ba naman kasi, kakatapos lang namin maglunch on the way tapos nalimutan kong magdala ng toothbrush, napilitan tuloy akong bumili ng gum.

"Can you wait a second?" Inis kong inayos ang aking buhok bago nagtungo sa entrance gate. Naramdaman ko namang sumunod siya sakin dahil rinig na rinig ko sa likod ko ang kanyang mga munting pagtawa.

Sa Entrance pa lang ay makikita mong pinaghandaan talaga ng paaralan ang pagdating ng mga manlalaro. Bukod sa welcoming band nito ay may mga banderitas at iba't ibang matitingkad na kulay sa paligid. Mas nakakadagdag ito ng kagandahan ng ambiance ng school.

"Chill." He was still laughing. "Cy's gonna tease you more if you welcomed him with that face." Hindi ko nalang siya pinansin at nagdali daling naglakad papunta sa room kung saan naka assign ang team ng Olfato.

"Wait up, you're walking fast." Rinig kong pagrereklamo nito kaya mas lalo kong binilisan ang lakad. Even though I try my best to walk faster than a while alam ko namang makakahabol pa rin ito. Sa haba at sa laki ba naman ng legs niya, imposibleng hindi niya ako maabutan.

Good thing, all the rooms here are labeled with the names of the schools kaya hindi na kami nahirapan sa paghanap ng room. There are a lot of athletes wandering around the campus, some are even taking pictures while some are just quietly observing the whole view. Every corners are filled with people talking, kaya maingay ang bawat corridor na nadadaanan namin. Ang iba naman ay pasimpleng tingin kada room na nadadaanan, probably to check the faces of other players.

"Thank God, I finally found it." Pinunasan ko ang namumuong pawis sa gilid ng aking mukha bago nagpakawala ng isang malalim na hininga. Bahagya akong sumilip sa loob ng quarters, una kong namataan si Leiane na tahimik na nag aayos ng knee pads niya.

"I didn't know she was here." Bulong ko kay Andrei. Ang kulay maroon niyang jersey ang nagdadala ng kanyang kulay. Mas na expose rin ang kabuuan ng mukha nito dahil sa headband na suot suot niya. Tumigin ako kay Andrei bago uli sumulyap kay Leiane.

Andrei chuckled, jamming his hands in his front pocket. "Now you know." He confidently entered the room so I quickly followed him, holding the hem of his shirt as if I was a child, afraid to get lost. "No one's gonna eat you here, stop doing that." Dagdag nito nang halos matisod ang kanyang paa dahil sa pagkakahila ko. Maagap ko namang tinanggal ang hawak sa kanyang damit bago siya irapan.

"Tol!" Agad kong binaling ang atensyon ko kay Miguel na dali daling tumakbo sa lugar namin ni Andrei. Lumikha ng kaunting ingay dahil tinabi niya ang mga upuang nakaharang sa daan. "Sakto! Magsisimula na mamaya first game." They did a bro fist before looking back at me.

"What?" I exclaimed. Paano ba naman kasi e parang nakakita ng multo si Miguel sa harap niya, dagdag pa ang nakaawang niyang labi kaya mukha siyang tanga na nagulat. "Aren't you happy to see me?" I pointed myself, wearing a disappointed look.

"Hindi kami masaya kasi hindi naman talaga kami pinunta mo dito." Sumulpot na parang kabute si Cyrus. He's already wearing Olfato's jersey paired with shorts and an adidas slippers. Mukhang kakatapos niya lang kumain dahil inaamoy amoy niya pa ang kanyang kamay.

"I came here for you guys, Dad just thinks na kaya pumunta ako dito e para sa ibang tao." Nung nagpaalam ako kaninang umaga na aalis na ako sabi ni Dad sakin goodluck raw sa panliligaw ko kay Vino. I'm not even courting that man. And for heaven's sake, the only reason why I came here is because of my friends. Pero sige, dagdag na rin si Vino.

Running After The Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon