11

129 28 9
                                    

Halt


"So where did you saw him?" 


Kasalukuyan kaming nasa convenience store ni Kleo ngayon. Ilang oras na lang kasi ay darating na ang mga players galing sa iba't ibang school. Bago kasi maganap ang District nagkakaroon muna ng parade at iniikot ang lahat ng players sa buong bayan ng Rio. For exposure, I guess? Para makahakot ng manonood at mapromote yung pangalan ng isang paaralan. I can say naman na it was really effective kasi overtime, parami nang parami ang napasok sa Chev. Ginagawa na lang sigurong marketing strategy mga players para makahakot ng estudyante.


"Somewhere."


"Anong somewhere? Wala bang exact place kung saan mo siya nakita?"


"I received 500 pesos ma'am." Tumango ako sa babae sa cashier bago tignan ang wristwatch. I smiled as she handed me the change.


"Girl hello? Do you still have plans of telling me everything?"


Pinasadahan ko ng ngiti ang babae sa cashier pati ang guard nang buksan nito ang pinto. Nakakainis naman kasi 'tong si Kleo. Ang sabi ko sakanya ay ikwekwento ko ang lahat mamaya sa sasakyan tapos ngayon pinipilit niya akong ikwento agad ang nangyari nung tune up. Simula talaga nung sinundo ko s'ya sa bahay nila, hindi na 'ko tinantanan sa kakatanong. Pinipigilan ko na nga lang istapeler ang bunganga n'ya.


"Kleo can you please wait?" Naiirita kong sagot bago buksan ang makina. 


"Duh? Nakailang wait ka na hoy, nagmumukha akong tanga kakaintay." She crossed her legs. Siniringan ko s'ya dahil uulit ulitin n'ya na naman ang pang-aasar. "Hindi naman ako si Halt Minerva para magintay."


"Gusto mo bang sipain kita palabas ng sasakyan?"


Hindi na lang siya nagsalita at kinuha ang mga pagkain na binili namin sa convenience store. Nginata n'ya ang binili kong marshmallow na dapat ay gagawin kong smores mamaya pag-uwi sa bahay. Wala na akong nagawa kundi hayaan siya dahil alam ko namang mas lalo lang akong iinisin ni Kleo kung sakaling pansinin ko pa s'ya. Inilipat ko na lang rin ang tingin ko sa kalsada at nagdrive papuntang Chev. Hindi naman ganon kalayo ang pagpunta sa school dahil kayang kaya naman talagang lakarin yun, pero dahil nga maarte si Kleo at ayaw niya raw maglakad, pinilit niya akong magsasakyan.


"Bakit tatlong gatorade binili mo?" Kleo furrowed her brows, arching her head a bit to check the other bag.


And for pete's sake, the other one's for Vino. Oo, para sa kanya. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko para bilhan 'yong lalaking 'yon.


"For emergency purposes." That's literally the worse excuse I said in my entire life. She just shook her head, mukhang naniwala rin naman.


Nang makapasok kami sa loob ng Chev, agad na bumungad ang iilang fangirls ng iba't ibang schools sa Rio. Some of them are wearing those headband na may mukha ng mga players, ang iba ay may mga banner pa, at ang iba naman ay hawak hawak na ang camera incase na dumating ang mga players. Para tuloy mga artista ang dadaan sa pathway dahil may mga barricades pa sa gilid. Kulang nalang ay mga medias at red carpet sa gitna.

Running After The Dusk Where stories live. Discover now