EPILOGUE

134 4 1
                                    

Vino

“Ew! Para kang tanga, tanggalin mo nga yan!”




It’s her again. Natatawa akong uminom  habang naririnig ang boses ng isang babae sa salas. Kakagising ko lang at isang malakas na boses nanaman ang bumungad sa pagbaba ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago lagukin ang natitirang tubig mula sa baso. Mula rito sa kusina ay rinig na rinig ko ang walang hangganang sigaw ng kaibigan ni Miguel.



“Sorry tol, maingay.” Itinuro ni Miggy ang tenga niya bago tumingin sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya. Umiling na lang ako bago hugasan ang basong pinag inuman ko.




“Kailan pa yan dito?” Tanong ko matapos hugasan ang baso. Kitang kita ko kung paano siya makipagtawanan sa mga kaibigan ni Miguel habang hawak hawak ang ilang papel. It’s their thesis week kaya naman hanggang ngayon ay gising pa rin sila.




Tumawa siya bago humalukipkip, kitang kita ang kasiyahan sa mga mata ni Miguel habang nakatingin sa babae. “Tagal na. Tinigil mo kasi pagpunta mo rito kaya hindi mo siya nakilala.” I must say that both of them are really close. Bilang lang ang mga babaeng kilala ko na pinapayagang magsleep over lalo na kung puro lalaki ang kasama. Siguro ay malaki ang tiwala niya sa mga kaibigan niya.




“Name?” I casually asked, still looking at her. Hindi ko mapagtanto kung anong ugali niya dahil paiba iba ang tono ng boses niya. Miguel never introduced a girl friend to me simula nung mga bata kami kaya nakapagtataka na makakita ako ng isang babae dito sa bahay.




“Bakit? Interesado ka no?” Kinurot niya ang tagiliran ko, halatang nang aasar. Umiling na lamang ako bago tignan muli ang babae.



Hindi naman siya ganon kaganda. Kung sa tutuusin ay average lang ang kagandahan niya kumpara sa mga babaeng nakilala ko. Mahaba ang buhok, kayumanggi ang kulay, at katamtaman ang tangkad. Bakas rin sa mga mukha niya ang pagiging dugong mayaman pati na rin sa paraan niyang magsalita, ni hindi ko nga maintindihan kung tagalog o ingles ba talaga ang lengggwahe niya.



“Halt Minerva.” Wika ni Miguel, diretsong nakatingin sakin. Ngumisi nalang ako bago umakyat sa taas. Halt? Seryoso? I find that name unique but funny at the same time, sino namang magulang ang magpapangalan ng ganong kabaduy?



Patuloy ang paglabas masok niya sa bahay nila Miguel kaya patuloy ko ring naririnig ang boses niya kada gabi o kada umaga. Minsan nga ay narinig ko pang pumasok siya sa kwarto ni Miggy para lang mag ingay. Weirdo. That’s the first thing always come to my mind whenever I saw her.



“Come on, Vino! 5 seconds lang walang malisya.” Itinulak ako ni Paolo sa nagkukumpulang mga babae. Ni hindi ko nga alam ang rason kung bakit ako pumayag na dumalo sa isang birthday party na hindi ko naman ka close ang celebrant.



I heard Kleo has the biggest circle of friends around Rio. Matunog ang pangalan niya hindi lamang dito sa lugar namin. Her family is also in the line of business, minsan ko na ring nakitang nakakausap ang magulang niya nila Mom.



“No, sorry I don’t do those." Tumanggi ako at naglakad patalikod.



“Damn where are your balls, man? Wala namang malisya diba?” Naghiyawan ang mga lalaki’t babaeng nakapaligid samin. Tinignan ko ang babaeng nakabalandra sa harapan ko. Mukha pa lang ay alam kong hindi na matino. Umiling na lang ako bago umalis sa kasiyahan nila.




“KJ mo!” Rinig kong sigaw ng babae pero hindi ko nalang nilingon at nagtungo sa catering area. Masyado nang malalim ang gabi at punong puno na rin ng iba’t ibang magkapares sa bawat sulok.



Running After The Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon