25

54 3 0
                                    

Halt

"What the fuck is this?"

Kahit nalilito, pasimple pa rin akong tumingin kay Andrei para icheck kung may  sagot na ba siya sa Essay type. Halos matawa ako nang makita kong magkasalubong ang mga kilay niya habang ang mukha ay malapit nang masubsob sa mesa dahil sa sobrang lapit. Nasabi kasi nito kaninang umaga na nahigaan niya raw ang salamin niya kaya kinakailangan pa nitong lumapit para mabasa ang mga salita sa test paper.

"What?" Sumeryoso ang tono ng boses niya nang makita nitong nakatingin ako sa kanyang papel. He roamed his eyes around before arching his head to look at my paper. Dahil nga one seat apart, kinailangan niya pang magkunwaring nag iinat para makakuha ng sagot.

Luminga linga rin muna ako para hanapin kung nasaan ang proctor namin. When I spotted him talking to some other proctors, I looked back at Andrei who’s struggling on looking at my answers. Bukod kasi sa maliit ang sulat ko ay nakaharang pa ang pagkalaki laki kong braso.

"Do you need answers?" I tried to keep my voice as quiet as possible.

His face lit up all of a sudden. He quietly pulled his chair to my back and in a blink, Andrei stole my paper. "Let me see." Sa takot na baka mahuli kami ay agad ko namang binawi yun sakanya bago pinagsalubong ang mga kilay ko. "What? I'll just get some ideas, hindi naman ako kokopya." He defensively added.

"Ideas your face. Lumayo ka nga ng kaunti, baka mahuli tayo." Andrei rolled his eyes on me before silently pushing his chair back to its place.

I glanced for a second to our proctor bago uli ako lumingon kay Andrei. Some of our classmates are already giving me a look, asking for answers kaya naman dahan dahan kong itinaas ang test paper ko para makita nila sa likod. Mabuti nalang talaga at enumeration lang  dito sa isang subject kaya mabilis rin silang nakakopya ng ayos.

When the bell rang, all of us quickly stood up to pass our papers. May iilan pang nagpa thank you sa akin dahil sa sagot at ang iba naman ay nagreklamo pa dahil napakaliit raw ng sulat ko.

Mabuti nga pinakopya ko pa sila e.

"How did you memorized those?" Andrei asked. We're currently heading to the parking lot. Lunch time na kasi at half day lang kami dahil examination ngayon. Samantalang si Cyrus at Miggy naman ay abala sa pagtraining ngayon sa Olfato kaya kami lang ni Andrei ang magkasama. Actually, Andrei shouldn't be taking exams kasi kasama dapat siya nila Miguel ngayon but he still took dahil wala raw akong kasama.

"Obviously, I studied."

"That's new." He chuckled. "How was your vacation?" Kumurba ng isang ngiti ang labi ko nang maalala ang mga munting kaganapan nung sembreak.

"Well it was... fun." I said, still reminiscing the things that happened. "Ikaw? I heard you and Kleo got on a trip together?" Actually, no one has ever told me that. Nakita ko lang sa IG story ni Kleo nung nakaraan na magkasama sila sa isang beach. Magtatampo nga sana ako kasi akala ko kasama yung dalawang  itlog pero ang nakita ko lang sa background ay si Andrei.

Running After The Dusk Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin