27

58 3 0
                                    

Halt

"Did your dad say yes?"

Bahagya kong isinandal ang katawan ko sa upuan habang nakatingin sa kalayuan. Today is Sunday, Andrei came over to buy a snack for two dahil may mahalagang pinuntahan sila Dad at Auntie.

Ever since they come over our house, hindi na naging ganon kahectic ang schedule nila. Kaya nakakapagtaka lang talaga ngayon na umalis sila sa bahay. It's not that I miss their presence or something, the house just feels too empty dahil wala talagang katao tao. Mabuti nalang ay free si Andrei ngayon kaya narito siya sa bahay para samahan ako.

"I haven't asked him about it yet."

"Gusto mo ba ipagpaalam kita?" On my peripheral vision, Andrei stifled a laugh napatingin ako sakanya at sinamaan ito ng tingin. "What? malay mo pumayag."

I pouted before slouching on my seat. Nakakainis naman kasi, hindi ko alam kung paanong magpapaalam ako kay Dad na pupunta kami sa Bulalacao para panoorin ang game nila Cy. Halata kasing di ako papayagan kaya wala akong lakas ng loob para magtanong. Kung si Andrei naman ang magpapaalam sakin ay mababa rin ang tyansa dahil malayo ang bayan na yun. From my estimation ay aabot siguro ng dalawa hanggang tatlong oras ang byahe.

"A penny for your thought." He offered me the fries kaya kumuha ako ng isa. Mabuti tong isang to, napaka on the go lang ng pamilya at kahit saan siya magpunta ay paniguradong papayagan lang ito. E' ako? Kailangan ko pa nga atang magtawag ng santo para makatanggap lang ako ng oo sakanila.

"Wala naman, iniisip ko lang yung mga subjects na maaapektuhan kapag hindi ako pumasok bukas." I said, chewing.

Bahagya siyang natawa. "You can go to school, the decision is all yours." He offered the fries again. "Gusto mo pasok nalang tayo?"

Ewan ko ba talaga dito kay Andrei. Hindi ko alam kung bakit nasa akin nalang lagi yung desisyon. Ganon ba talaga ka importante ang presence ko sa harapan niya kaya hindi niya ako maiwan iwan? Sabagay, the three of us have been friends for a long time, so ang tendency kung nasaan ang isa, doon rin kami.

"Kaso sayang naman yung pass, exempted naman raw tayo diba?" Astig lang kasi ng Chev, since first time lang na may nangyari na pinull out ang dalawang players, nagkaroon ng selection sa students kung sino ang sasama at manonood ng game nila.

He slowly nodded. "Yeah. Miguel and Cyrus would be glad to see you." Binalik niya ang atensyon niya sa mga halaman at puno na nakapalibot sa amin. Malakas ang simoy ng hangin kahit mataas ang sikat ng araw.

"And Vino." I chuckled. Nakita ko ang biglaang pagbago ng ekspresyon niya. Tatanungin ko sana siya kung bakit kaso biglang nag ring yung phone niya kaya nagpaalam muna siya saglit at lumayo.

Sa totoo lang, sa mga nagdaang araw napansin ko rin ang kaunting pagbabago sa ugali ni Andrei. Tuwing nababanggit si Vino sa usapan namin bigla nalang siyang tatahimik. Naisip ko tuloy kung ayaw niya ba kay Vino o sadyang mainit lang talaga ang pakikitungo nilang dalawa sa isa't isa. Naalala ko tuloy yung usapan namin ni Vino last week nung nag face time kami.

ㅡㅡ

"Have you eaten?" Vino was taking down notes, silently glancing at me. Hindi ko ba alam dito kung bakit nag aaral pa rin e exempted na rin naman siya dahil unit player naman.

I slowly nodded, browsing my Instagram feed. "Yeah, Ikaw ba, wala ka bang planong kumain? Anong oras na kaya." Panandalian kong chineck ang oras sa taas ng phone ko at bumalik uli sa pag sscroll.

"I already ate." Narinig ko ang tunog ng pag sarado niya sa kanyang libro kaya naman binitawan ko na rin ang phone ko at humarap sakanya. "Something bothers me."

Running After The Dusk Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon