Prologue

3.9K 65 2
                                    

Prologue:

Magiliw na ngumiti ako sa bawat pasaherong papasok sa eroplano, panay bati ko sa kanila habang may malapad na ngiti. After how many minutes, the pilot announces that we'll be heading our take off. Pumunta na ako sa silid kung saan kami dapat uupo.

"Kez, dito ka na oh." Nakangiting saad ni lalaine sabay tapik sa upuang katabi niya. Ngumiti ako at umupo roon. We fasten our seatbelts.

"Lalaine, ilang oras nga tayo ngayon?"

"Hmm, 18 hours, dire-diretso tayo eh, hindi tayo hihinto sa manila, bakit?"

Humikab ako. "Di kasi ako nakatulog kagabi eh, bumisita kasi ang pamilya ko sa condo kaya inaantok pa talaga ako." May pakikiusap sa boses ko.

Ngumiwi naman si lalaine. "Ay alam ko na yan, uutusan mo akong gawin ang trabaho mo ano? Tapos magsle-sleeping beauty kalang dito?"

I smiled sweetly. "Yes, please?" I even pouted.

She rolls her eyes heaven wards. "Fine. Kung di lang talaga kita kaibigan eh, oh sya, matulog ka na mahal na prinsesa." Sarkastik netong sabi.

I smiled and kiss her on her cheeks before making myself comfortable to my seat and then close my eyes.

Akala ko ay makakatulog ako ng mahimbing pero nagkamali ako, dahil napanaginipan ko siya. Ang lalaking tanging minahal ko sa loob ng walong taon pero wala syang ibang ginawa kundi ang baliwalain ako, ang masaklap pa ay hanggang ngayon ay mahal ko parin.

I tried to close my eyes again but all i can see is his handsome face, his red lips with perfect edges, his proud nose, his not so thick eyebrows, and his eyes. Ang mga mata niyang nakakabaliw. Isang tingin niya lang sa akin ay nagwawala na ang puso ko, his eyes made me crazy and fall for him more kahit pa kapag tumitingin siya sa akin ay bored na bored ang mga mata niya. I missed his scent, his natural scent... his voice...

"Then? Should I take the responsibility?"

Di ko namalayang umiiyak na pala ako ng maalala ang nga katagang iyon. Binuksan ko ang mga mata ko at pinahiran ang pisnge ko habang ang isa kong kamay ay nasa tiyan ko. Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili, I need to be strong, I need to forget about him, I need to hate him for what he did, yun ang dapat kong gawin pero bakit sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, pinapaalala sa akin kung gaano ko sya kamahal?

"Kez, alam mo bang-" natigilan si lalaine sa pagsasalita ng makitang umiiyak ako, nagmamadali syanh lumapit sa akin at hinagod ang likuran ko. "Jusko, kez wag ka namang umiyak, walang hospital dito sa loob ng eroplano, at stewardess ako hindi doktor."

Hinawakan ko ang kamay niyang humahagod sa likuran ko at nginitian sya. "Im fine. Napuwing lang."

"Gasgas na yang linyang yan eh! Naalala mo nanaman ang gagong yun noh? Bwesit talaga yun, buti nalang hindi sya ang nandito.."

"Ha?"

She then smiled at me. "Wala naman, ang sabi ko magpahinga ka pa, at wag ng lumabas dito-"

"Lalabas na ako. Ok nanaman ako eh. Ako na ang maghahatid ng mga pagkain.."

"Eh .." parang may gusto syang sabihin pero di niya masabi kaya, kinunutan ko sya ng noo.

"Ano yun?"

"Wala! Ahm dun sa VIP seats ,dun nalang ang di ko napupuntahan eh.." balisa niyang sabi.

"Sige, punta na ako." Sabi ko at lumabas na sa cabin namin. Kinuha at ginawa na ang mga dapat saka ako pumunta sa VIP Room (di ko alam ang term.)

Gaya kanina ay balik ako sa palangiti na kezia. Walang bahid ng lungkot o sakit sa mukha ko habang sinisilbihan ang mga pasahero. Most of the seats here is not occupied, mas mahal kasi dahil nga pang first class. Kaya naman hindi ako masyadong nahirapan.

"Hello sir, do you want to have your lunch now?" Tanong ko sa lalaking naka-shades, naka cross arms, at may suot na makapal na jacket.

Saglit niya akong tiningnan at sinenyasan na hindi. Ngumiti ako kahit na di sya nakatingin sa akin. "Ok sir. Just call me if you need anything sir."

Akmang aalis na ako ng pagkalingon na pagkalingon ko ay may nakabunggo akong tao. Dahil sa matigas niyang dibdib ay halos mapaupo ako sa sahig mabuti nalang at mabilis akong napahawak sa mga braso niyang makikisig.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig. Umayos ako sa pagkakatayo at agad na yumuko.

"Sorry sir." Sabi ko at kinuha na ang cart na may laman na mga pagkain at umalis na hindi man lang nililingon ang lalaking nabunggo ko.


My reason? He smell like him. At ang lalaking naka-shades kanina ay kilala ko kung sino, it's Braxten, our school's playboy. Kaya di malabong sya nga ang nabunggo ko kanina. Nagmamadali akong bumalik sa cabin at agad na umupo sa upuan ko. Lalaine is nowhere to be found kaya wala akong mapagsabihin sa nangyari.


At kung sya man ang lalaking nabunggo ko kanina, sana ay di ko na sya ulit makita. Pinikit ko ang mga mata ko at gaya kanina ay ang mukha niya ang nakita ko. This time I chose not to open my eyes and let the painful memories play... let him hurt me over and over again.

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now