Chapter 12

1.4K 41 0
                                    

Chapter 12

I sigh before facing Quire, pagka-apak na pagka-apak ko palang kasi papasok sa bahay ay sinalubong na niya ako ng mura. Tamad ko siyang tiningnan saka pinulot ang binato niya sa aking throw pillow.

"Kung ano man yang sinasabi mo, alam mo muna kung totoo ba o hindi bago ka magalit." Mahinahon kong sabi.

"Fuck you! Ako mismo ang nakakita! Alam kong si Adonis ang kumarga sayo! You flirt! Bat ba ang hilig-hilig mong manlandi ha? May ibang babae nang  gusto si Adonis yet your pushing yourself-"

"Quire, nakita mo lang pero di mo alam kung bakit diba? Kung bakit niya ako kinarga? Kung bakit ako nagpakarga? Diba? Ayaw ko ng gulo lalo pat nakikitira lang ako." Sabi ko pa at ibinalik ang hawak kong unan sa sofa.

"O sige nga, bakit ka karga karga ni Adonis, eh ulo mo lang naman ang natamaan at hindi ang paa mo!"

Napatingin ako sa paligid. Tiyak na wala dito si Tiya, dahil kung nandito siya ay kanina pa niya kami pinatigil.

"Dahil nandoon si Eury."

"And so?"

"Akala ko ba alam mong may ibang gusto si Adonis?"

May dumaang lungkot sa mga mata niya. "Of course, dahil ako iyon."

Hindi na ako nagreak sa sinabi niya, bagkus ay tumalikod na ako at umakyat na sa itaas. Nakarating na ako sa kwarto ko pero wala parin naman akong naririnig mula kay Quire, at malaki ang pasasalamat ko dun, ayaw kong madagdagan ang bukol ko kapag nagkataon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng Tula na takdang aralin namin ng biglang tumunog ang cellphone ko. Saglit kong tiningnan ang pangalan ng tumawag saka ko ito sinagot.

"Natoy, kamusta ka?"

"It would be great if you didn't call me that." Halata sa boses niya ang pagkainis.

Natawa ako. "Eh sa gusto ko eh, siya nga pala, may iba pa ba tayong assignment bukod dito sa paggawa ng tula?"

"Wala na." Mahina niyang sabi saka bumuntong hininga.

"Ok ka lang?" Tanong ko, niloud speaker ko ito at nilagay sa ibabaw ng mesa- sa gilid ng may siko ko.

"Nope. Something happened."

"Ano iyon?"

"Em told me she loves me."

Napahinto ako sa pagsulat. "Tapos?"

"I told her I don't feel the same way."

Bumuntong hininga ako. "Natoy, alam kong may nararamdaman ka din para sa kaniya, why not, give it a try?"

"Tama ka, may nararamdaman ako para sa kaniya." Napangiti ako. "I feel sick of her." Nawala ang ngiti ko.

"Kung nandito kalang sa tabi ko ay kanina pa kita sinapak! Ang ganda kaya ni Em! Matalino, Mayaman-"

"Even if I feel the same way, ay hindi pwede."

"Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Because we-" bumuntong hininga siya. "You wouldn't understand."

"Makikinig ako."

Natahimik siya saglit. "Thank you but, I won't let you be in trouble, mas maganda ng wala kang alam. For now, eto lang ang masasabi ko. Hindi kami pwede."

Naiintindihan ko namang may mga bagay na di ko dapat pinapakialaman, pero di maalis sa akin ang lungkot, kaibigan ko siya eh, sana man lang may tiwala siya sa akin, diba?

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now