Chapter 23

1.4K 36 3
                                    

Chapter 23

Kumuha ako ng isang pack ng Quacker Oats saka nilagay ito sa cart na tulak-tulak ni Nic. Yes si Nic.

"You eat oats for breakfast?"


"Yep." I said, popping the 'p' on my lips


Nahuli ko siyang nakatingin sa labi ko pero agad ding nag-iwas ng tingin. "Just oats?"


Nangunot ang noo ko. Pansin ko lang, kanina niya pa pinapakiaalaman ang mga kinakain ko, at talagang mukha siyang problemado ng tumango ako.


"You know what, you don't have to worry about the food I take every single meal, dahil kung hindi naman ako nabubusog edi sana kalansay na ako ngayon."


He mumbled something and I didn't bother to ask what it is. Ng matapos ako ay siya na mismo ang pumila sa Counter, all women are watching him, but he seems not to care at all. I wonder how it feels like... to be a famous guy, to have a thousand of admirers, to be someone's dream, to get everything you want without a single drop of sweat.


"I'll pay the bill." Inunahan ko siya ng ilalabas na sana niya ang kaniyang wallet.


He silenty nodded and let me hand my money to the cashier. Akala ko hindi siya aalma nung sinabi kong magta-taxi nalang ako, but he insisted, kaya pumayag na lang din ako. Grabe kung makatingin ang mga janitor, gwardya, at kung sino pa nung sabay naming tinahak ni Nic ang Elevator, halos pa nga mabali ang mga leeg nila para lang maki-usisa kahit pa pasara na ang pinto ng elevator.


I sigh, napatingin naman sa akin si Nic, umiling agad ako bago pa siya makapagsalita, bumaba ang tingin ko sa bitbit niyang karton at mga cellophane, gusto ko siyang tulungan pero mukha namang di siya nahihirapan kaya hinayaan ko nalang.


Habang sinususian ko ang pinto ng unit ay napag-isip-isip kong medyo bastos kung di ko yayain si Nic sa loob. Huminga ako ng malalim saka hinanda ang ngiti nang mabuksan ko na ang pinto.


"Pasok ka..." paanyaya ko, mukha namang nabigla siya pero agad ding pumasok sa loob.

Dumiretso siya sa kitchen counter na para bang siya ang may-ari ng bahay, hinayaan ko nalang. Humugot uli ako ng malalim na hininga saka siya sinundan sa kusina, he was busy taking out the foods I bought from the box, mabilis akong lumapit sa kaniya at bahagyang inilayo ang karton sa kaniya.


"Ako na... anong gusto mo? Ahm. Kape?"


Tinitigan niya ako, nakakailang man pero pinigilan ko ang sarili kong mag-iwas ng tingin. He licked his lower lip.  "A water would do."


Ngumiti ako at itinuro ang sala. "Doon ka muna, aayusin ko saglit itong mga pinamili... natin."



A ghost smile formed on his lips before nodding and went to the living Room. Nangunot ang noo ko. Ang tahimik niya ata? Mabilis kong nilagay sa Ref ang mga karne, itlog, fresh milk at ibang inumin, at hinayaan nalang muna ang iba sa gilid ng counter.



Nagmamadali akong nagsalin ng tubig, malalaking hakbang ang ginawad ko papuntang sala pero kinalma ko ang sarili at binagalan ang paglalakad ng papalapit na ako sa kaniya. Thank god, nakatalikod siya, dahil kung nakita niya ako? He must think I'm stupid.


"Eto, oh." Sabi ko sabay lapag ng tubig niya sa coffe table at umupo na sa kaharap niyang upuan.


Agad naman niyang kinuha ang basong may tubig at ininum... lahat ng laman neto. Mabilis kong isinara ang bibig ko ng matapos siya.

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now