Chapter 29

1.2K 35 1
                                    

Chapter 29

Maingat akong nagtago sa malaking posteng nakapwesto sa bandang gilid di kalayuan sa mansyon ni Lola Purple, napamura ako ng makitang ang daming bantay kahit pa dito sa labas.

"Nasa loob pa ang senyorito." Malamig na saad ng isa sa mga bantay sa hawak netong radyo. "Copy."

Ang sabi ni Papa ay magplaplano pa siya, but I can't wait, I want to know the truth now. Abot langit ang kaba ko ng bigla siyang napatingin sa gawi ko, buti nalang at mabilis akong nakapatago. Sinubukan ko ng pumasok kanina pero may hinihingi silang card, wala akong naipakita kaya di nila ako pinapasok. May lumabas na kasambahay may dala dala itong mga garbage bag.

"Ano? Sasamahan mo nanaman ako?" Inis na saad neto sa gwardyang kasama, may itsura ito sa totoo lang ay mukhang may lahi itong banyaga.

"Trbaho ko iyon." Kaswal na saad ng neto sa kasambahay.

"Tsk, dyan ka lang! Aag kang susunod! Wala namang mangyayaring masama sa akin eh!" Inis netong sabi at iniwan na ang gwardya, pumunta na siya sa gilirang bahagi, kung saan malapit lang sa akin at hindi kita ng kahit na sino ang maari kong gawin.

Huminga ako ng malalim saka dahan dahang lumapit sa kasambahay na panay ang reklamo habang nilalagay ang basura sa basurahan. Pinulot ko ang kahoy na nasa lupa at nakapikit na hinampas ito sa batok ng kasambahay.

"Sorry..." sabi ko at hinila ang kasambahay sa mas malayong pwesto.

Habang papalapit ako sa gate ay mas lalo akong kinabahan, nanginginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ang isang pulang card na may gintong letrang A sa gitna, a tingin koy ito ang hinahanap nila sa akin kanina.

"Ang tagal mo naman yata?" Tanong ng gwardiyang sinigawan ng kasambahay kanina.

Mas lalo pa akong kinabahan, may takip na tela ang kalahati ng mukha ko gaya nalang nung kasambahay na sa tingin koy isang muslim, dahil tanging mga mata ko lang ang kita.

Tumikhim ako. "Tabi! May gagawin pa ako!" Pasinghal kong sabi at dire-diretso ng pumasok sa loob.

Panay lunok ko sa tuwing may nakakasalubong akong gwardiya, mukha namang wala silang napapansin sa galaw ko dahil tango at ngiti ang iginagawad ng mga ito sa akin.

"Nope, I want something pink, yeah, ok please."

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon, wala sa sariling napalingon ako sa dalawang batang nasa sala ngayon, they both look alike, bumilis ang tibok ng puso ko, this time it's not because I'm nervous...

Nakatagilid sila kaya hindi nila ako kita, they were both busy with their books, pero kahit na ganoon ay alam na alam kong magkamukha sila, sa ilong palang... akmang lalapitan ko na sila ng may biglang humigit sa dalawa kong kamay, sinubukan kong sumigaw pero naglabas sila ng baril, dalawang gwardiya ang may hawak sa akin ngayon, kinaladkad nila ako patungo sa isang silid. Kakaibang kaba ang naramdaman ko ng makita ko si Lola Purple na naka-upo at sa harap niya ay mesa, puno ng litrato at paintings ang silid, at mukhang opisina niya ito.

"Napasok tayo?" Malamig na sabi ni Lola Purple. Malayo sa nakasalamuha ko noon.

Marahas akong tinulak ng dalawa dahilan ng pagsubsob ko sa sahig, di pa man ako nakakaayos ay may humila na sa takip ng mukha ko.

"You look familiar. " sabi pa ng ginang at senenyasan ang isa sa mga gwardiya.

Napahiyaw ako ng biglang hilain ng kung sino ang buhok ko para ipatingala ako. Nagtama ang mga mata namin ni Lola Purple, may dumaang emosyon sa mga mata niya pero agad din itong nawala at napalitan ng nakakatakot na expresyon.

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now